CHAPTER 1
'Every person deserves a second chance'
Iyan ang nangyari kay Darcy. After the incident that had happened to her a few days ago, she was given a chance to work at the same bar again. She was forgiven with the mistakes she has done, and she does not have to pay for the the three whisky glasses that she broke. Kahit mahal ang mga basong iyon ay hindi na s'ya pinabayad ng manager dahil gusto lamang nito ang maayos na serbisyo. Well, she can give that...she can.
Hindi n'ya kontrolado ang pangyayaring iyon, sadyang tinutukso lang talaga s'ya ng panahon. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon nasa iyo ang swerte.
Hindi balanse ang buhay kung walang swerte at malas.
She was embarrassed and ashamed of herself, she didn't expect that she would moniker a nickname which is very painful to hear.
Halos lahat ng mga tao sa bar ng araw na iyon ay tinatawag s'yang 'clumsy-blind-brat'. A nickname given to her by the man whose table she fell on. Masakit pakinggan ang palayaw na iyon na mapahanggang ngayon, kahit ilang araw na ang nakalipas, ay hindi pa rin maiwasang itawag ng mga tao sa kanya. Lalong-lalo na sa mga taong nakasaksi sa nangyari sa kanya---her workmates.
Pinabayaan iyon ni Darcy, hindi rin naman s'ya naging kaibigan ng mga tao sa bar, kahit kailan. Nakakausap n'ya ang kanyang mga katrabaho, pero hindi n'ya ramdam na kabilang s'ya sa pagkakaibigan ng mga ito. It was hard for her to adjust in an environment where everyone despise you. She has always been belittled by the people around her, maliban na lang sa may-ari ng bar.
The owner of the bar is a female journalist. Mabait, sobrang bait sa kanya. She felt grateful...beyond grateful na binigyan s'ya ng tsansang makapagtrabaho sa bar kahit na high school graduate lamang s'ya.
Kasalukuyang naglilinis ng marble table si Darcy, muli n'yang naalala ang gabing napahiya s'ya. Ang mesang nililinisan n'ya ay s'ya mismong mesa kung saan s'ya nsabusob. Nakakahiya pero ayaw rin naman n'ya iyon pasanin.
Patuloy na pinupunasan ni Darcy ang mesa saka s'ya lumipat sa kabilang mesa. Tahimik lamang s'yang naglilinis habang ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ay todo ang tsismisan. Ayaw n'yang makisali, hindi n'ya naman iyon gawain.
"Oi, clumsy-blind-brat, may naghahanap daw sa'yo."
Napalingon si Darcy sa katrabaho nang kalabitin s'ya nito. Tinawanan pa s'ya nito maging sa mga taong nakarinig sa palayaw na iyon.
"H-huh?" Litong tanong ni Darcy pero nilampasan lang s'ya nung kumalabit sa kanya at hindi na s'ya tinugunan pa.
Napalingon si Darcy nang biglaang bumukas ang pintuan. Five men with bulky and masculine body entered the bar. They wore tuxedo, all black with sunglasses, and they even wore an earpiece on their left ear. They scanned the whole place and their gaze stopped when they saw Darcy standing still while staring at them firmly.
Dahan-dahang naglakad ang mga ito papalapit sa kinatatayuan ni Darcy. Lumapit ang isang mukha ng lalaki sa mukha ng dalaga. He was fixing his gaze on her na s'yang dahilan upang mapaatras ang dalaga ng isang dangkal. Hindi n'ya batid kung bakit s'ya tintitigan ng maigi ng mga lalaki.
Kinakabahan ang dalaga nang titigan s'ya ng limang lalaki saka ito hinawakan sa magkabilaang braso.
"T-teka lang, s-sino kayo?!" Kinakabahang napasigaw ang dalaga. Nagpupiumigalas at pinipilit na makawala sa malalaking braso ng dalawang lalaki.
Hindi n'ya malaman kung ano ang gagawin nang simula s'yang buhatin ng mga lalaki.
"Hoi! S-sino kayo? Bitiwan n'yo 'ko! Hindi ko kayo kilala!" Sigaw ito ng sigaw pero hindi nagsasalita ang mga lalaki at dere-deretso s'yang binuhat pasakay ng kulay itim na kotse.
BINABASA MO ANG
In Contract
RomanceDebbie Darcy Jayne is a young woman who works at a bar to support her family. Her parents are both ill, and she is the only child in the family, so she is considered as the breadwinner. Habang nagtatrabaho sa bar, hindi inakala ni Darcy na makikilal...