Chapter 9

152 14 2
                                    

4:30 ng matapos ang practice ng team nagpaalam muna si Hanamichi kay Haruko na mag bibihis na ito para maka uwi na sila.

"Haruko hintayin mo na ako sa gate, mag bibihis lang ako" saad ni Sakuragi

"Sige Sakuragi, hihintayin kita" ngiting sabi ni Haruko

Habang papunta si Hanamichi sa locker room nila nakasalubong niya si Ichiro.

"Nan dito pa pala itong soro na ito" saad ni Sakuragi sa kaniyang sarili

Nang makalagpas si Sakuragi kay Ichiro ay tinawag siya neto, kaya naman huminto si Hanamichi sa paglalakad at humarap kay Ichiro.

"Bakit?" Tanong na sabi ni Hanamichi

"Papayag kaba kung mag one on one tayo?" Saad ni Ichiro

"Sorry, siguro sa susunod na lang, ihahatid kopa si Haruko" saad ni Sakuragi

Pagkatapos nila mag usap ay agad na din pumunta siya sa Locker Room at nagbihis, pagkatapos niya mag palit ay agad din siyang pumunta sa gate upang mahatid na niya si Haruko sa kanila.

"Tara na Haruko" yayang sabi ni Hanamichi

"Tara" ngiting sabi ni Haruko.

Makalipas ng 40 mins ay naihatid na ni Hanamichi si Haruko, at agad din siyang umuwi sa apartment nila Mito.

Nang makadating siya sa apartment nila Mito ay wala padin sina Mito at ang 3 ungas kaya naman naisip ni Hanamichi na mag luto na ng pag kain para makakain na din siya at makakain sina Mito pag uwi.

Pagkatapos niya kumain ay umupo muna saglit si Hanamichi at nanood ng NBA. Pero habang nanonood napa isip siya kung bakit gusto ni Ichiro na mag 1 on 1 sila.

"Bakit kaya gusto ako ni Ichiro maka 1 on 1? Baka naman iniisip niya na mas magaling siya sa akin" saad ni Hanamichi sa kaniyang sarili.

Matapos niya manood ng NBA ay wala pa din ang mga ungas at mag aalas nuebe na ng gabi.

"Hay nako, babanjing banjing namaman ang mga ungas" saad ni Sakuragi sa kaniyang sarili

kaya naman maagang natulog si Hanamichi.

Kinabukasan araw ng Sabado ay walang pasok pero may practice sila mamayang hapon kaya naman naisipan ni Hanamichi na yayain si Haruko na mag laro sila court upang ma ehersisyo niya din si Haruko. Kaya naman tinawagan niya ito sa kaniyang Cellphone

"Haruko mahal ko, gusto mo ba mag laro tayo sa court?" Saad ni Sakuragi

"Sige baby, sunduin mo na lang ako dito sa amin mag bibihis na ako" saad ni Haruko

"Sige mahal ko, babye" saad ni Hanamichi

Nakarating na si Hanamichi kela Haruko at agad din siyang nag door bell para makapasok na siya kela Haruko. Pinagbuksan siya ni Akagi kaya naman nakapasok na siya.

"Sakuragi, bat ang aga mo at naka pang basketball attire ka?" Saad ni Akagi

"Ah Gori este kuya niyaya ko si Haruko na mag laro para makapag ehersisyo narin siya, gusto mo sumama?" Saad ni Hanamichi

"Hinde na, saka may gagawin din akong activity, wag kayong mag tagal, at ikaw wag ka mag pagod masyado dahil may practice pa tayo mamaya" saad ni Akagi

"Oo kuya, mag lalaro lang kami ni Haruko di rin kami mag tatagal" saad ni Sakuragi

"Sige, pumasok kana hintayin mona si Haruko sa sala dahil nag bibihis pa siya" saad ni Akagi

Nang makapasok sa loob si Hanamichi kela Haruko ay nakita din niya ang mama at papa neto.

Slamdunk - 3 years afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon