Chapter 25

232 8 9
                                    

Dumating na ang araw para sa pangalawang laban ng Shohoku laban sa Takezato.

At sa inaasahan maraming manonood ang gusto makita ang laro ng Shohoku lalong lalo na sa laro ni Hanamichi.

"Shohoku! Shohoku! Shohoku!" Sigaw ng mga taga suporta ng Shohoku

"Shohoku! Talunin niyo ang Takezato nasa inyo ang suporta namin" saad ng mga estudyante ng Shohoku Univ. Sa loob ng arena

Sa panig naman ng Fukusawa ay magkasamang manonood sina Maki, Uozumi, Jin at si Rukawa para panoorin ang laro ng Shohoku at ni Sakuragi at Sendo.

"Rukawa buti naman sumama ka para manood ng laban" saad ni Maki

Di naman sumagot si Rukawa bagkus tinuon lang niya ang kaniyang pansin kina Sendo at Sakuragi.

"Cold talaga kausap nito, di na sagot pag kinausap" saad ni Maki

"Haha, hayaan na lang natin siya Maki, sigurado ako gusto lang ni Rukawa pag aralan si Sakuragi at si Sendo" saad ni Jin

"Tama ka, siguro ganon nga, kahit ako gusto ko bumawi kay Sendo at diyan kay Sakuragi para sa pagka talo natin sa practice game natin nakaraan" saad ni Maki

Magsisimula na ang laban at pumito na ang referee hudyat ng 2 minuto bago mag simula ang laro.

"Prrrt, Prrrt, last 2 mins" saad ng Referee

"Ok last one Sendo Sakuragi, bigyan niyo ng pagbati ang mga manonood maging ng team ng Takezato" saad ni Akagi

"Ok Captain" saad ni Sendo

"Sige ba Gori este Kuya" saad ni Sakuragi

Pumwesto sa may gitna ng court sina Sendo at Sakuragi na may mukang gagawing play na gagawin nila sa laro.

"Tignan niyo, mukang may gagawin sina Sendo at Sakuragi ano kaya iyon" saad ni Jin

"Ano kayang gagawin nila" saad ni Uozumi

"Panoorin na lang natin" saad ni Maki

Si Rukawa naman ay seryosong tinitignan sina Sendo at Sakuragi.

"Sakuragi, pakitaan mo sila ng slamdunk mo" saad ni Sendo

"Ok" saad ni Sakuragi

Sa bench naman ng Shohoku.

"Ayako ano bang gagawin nila" saad ni Haruko

Slamdunk - 3 years afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon