Chapter 23

128 14 9
                                    

Pasensiya na po kayo kung medyo matagal ako mag update medyo busy lang ako sa mga school works lalo na graduating student ako sa kolehiyo pero pangako pipilitin ko makagawa 4 o 5 chapter bawat linggo yun lang at salamat sa pag hihintay ❤️💕💞

--------------------------------

Matapos ang laban ng Shohoku sa team ng Saizen binigyan sila ng coach nila ng isang araw na pahinga para naman next game nila ay 100% ang kanilang lakas sa team ng Takezato.

Shohoku University

Masayang nag uusap ang mga tropa ni Hanamichi sa labas ng gym.

"Hanamichi congrats sa unang panalo mo sa kolehiyo, balita namin nilampaso niyo ang team ng Saizen" saad ni Mito

"Di naman magaling din ang team ng Saizen kahit na tinambakan namin sila" saad ni Sakuragi

"Siya nga pala Mito, musta na si Aoki sa club?" Saad ni Sakuragi

"As usual mataas ang kinikita sa kaniya dahil sa galing niya sa pag kanta" saad ni Mito

"Buti naman, kalo ko magiging mahina ang benta ng club ngayong tapos na ang kapaskuhan, kayo aalis paba kayo sa club at babalik sa beach house ngayong summer?" Saad ni Sakuragi

"Di na siguro, mas malaki na kasi kinikita namin sa club kaysa nung nag tratrabaho kami sa beach house" saad ni Mito

"Tama siya Hanamichi, sa totoo lang ngayon palang namin nagawa na bilhin ang mga ginugusto namin tulad na lang ng mga gadget, pagkain at mga damit" saad ni Ookosu

"Buti pa kayo may pinagkukunan na ng pera samantalang ako umaasa lang sa allowance ng school, di ko tuloy mabilan si Haruko ng gusto niya" saad ni Sakuragi

"Pwede ka naman namin pautangin, basta ba pag naging player kana ng bansa at swertehin na makalaro sa NBA babayaran mo kami" saad ni Mito

"Nahihiya na nga ako umutang sa inyo, simula Jr High School kayo na nag bibigay sakin ng pera para sa mga ginagastos ko, pero pangako pag naging manlalaro na ako ng Bansa at sa NBA bibilhan ko kayo ng tig isang mga sasaksakyan" saad ni Sakuragi

"Pangako yan ah Hanamichi, sana wag mo din kami kalimutan bilang kaibigan mo lalo na kung naging NBA player kana tiyak aalis kana dito sa bansa natin" saad ni Takamiya

"Gusto niyo isama ko kayo sa bansang Amerika pag nagkaganon para sama sama parin tayo" saad ni Sakuragi

"Syempre sasama kami para na ata tayong magkakapatid" saad ni Noma

"Pero plano pa lang ito sa ngayon, kailangan kopa pag pursigihin ang pag prapractice para sigurado na ma dra-draft ako sa NBA" saad ni Sakuragi

"Bakit sa laro mo ngayon mukang wala ng makaka talo sa iyo, si Rukawa nga tinalo mo diba" saad ni Mito

"Oo aminado ako na tinalo ko si Rukawa pero siya ang tipong manlalaro na di mag papatalo, lalo na nung tinalo siya ni Sendo noon sa practice game namin nung 1st year pa ako, aminado ako na humanga ako sa mentality niya na bilang isang player na gumaling pa para talunin si Sendo noon" saad ni Sakuragi

Slamdunk - 3 years afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon