Authors PoVMakalipas ng ilang linggo naging main singer na ng club si Aoki dahil sa ganda netong kumanta at gabi gabi dumadami ang customer dahil din sa kaniya. Kaya naman medyo malaki laki rin ang kinikita nito ngayon ganon sina Mito, Takamiya, Ookosu, at Noma.
Si Hanamichi naman ay puspusan din ang pag prapractice para sa darating na elimination games, ganon din ang team ng Shohoku puspusan din ang pag prapractice dahil 2 days na lang ay start na ng elimination games.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Ngayong araw ng Sabado magkasama si Hanamichi at Haruko dahil bibili si Hanamichi ng kaniyang gagamitin sa laro tulad na lang ng Medyas, Supporter, at damit pamalit pag tapos ng laro.
Pagkatapos nilang mamili ng gagamitin ni Hanamichi ay sinamahan naman niya si Haruko sa "Watson"(Example lang ito Watson dahil dito kadalasan nabili ang mga kababaihan ng mga beauty products)
Habang namimili si Haruko sa Watson ay nakita ni Hanamichi ang isang kalapit na jewelry shop tapat lang ng binibilhan ni Haruko.
"Haruko mahal, pwede hintayin mo ako dito titingin lang ako ng pwede pa nating bilhin" saad ni Sakuragi
"Sige, wag ka mag tatagal ah" saad ni Haruko
"3 mins lang nandito na ako" saad ni Sakuragi sabay halik sa noo ni Haruko na ikinamula naman ng mukha ni Haruko
"Sige Haruko mahal hintayin mo ako dito at ako na ang mag babayad ng pinamili mo" saad ni Sakuragi
Nagpatuloy si Haruko mamili ng kaniyang bibilhin, si Hanamichi naman ay nag tungo na sa jewelry shop at nag titingin ng maari niyang bilhin kay Haruko.
"Hmm, halos lahat naman magaganda kaya lang di ko afford ang presyo" saad ni Hanamichi sa kaniyang sarili
Habang nag titingin ay napansin ni Hanamichi ang isang necklace dahil ito ay medyo mura.
"Ang ganda naman nito, magkano presyo, ahh 10580.51 yen, medyo mahal pero sulit naman ito pag iniregalo ko kay Haruko hihi, pag iipunan ko ito" saad ni Hanamichi sa kaniyang sarili.
Matapos mag window shopping ni Hanamichi sa jewelry shop ay agad itong bumalik sa Watson.
Saktong sakto nakapamili na si Haruko at mag babayad na lang sa counter ng kaniyang ipinamili.
"Haruko mahal tapos kana pala mamili" saad ni Sakuragi
"Kakatapos ko lang, ikaw may nahanap ka na bibilhin mo?" Saad ni Haruko
"Meron, pero di kopa mabibili ngayon" saad ni Hanamichi
"Ano bang bibilhin mo" saad ni Haruko
BINABASA MO ANG
Slamdunk - 3 years after
FanfikceIto ay isa lamang Fan Fiction na kwento ito ay tatakbo sa storya ng ating bida nasi Hanamichi Sakuragi at sa kaniyang Basketball Career Makalipas ng 3 taon nito mula sa pag lalaro ng basketball. Masasama din dito ang love life ni Sakuragi kung si Ha...