4:30 PM sa Gym ng Fukusawa.
-------------------------------------------"Oi nandito na ang team ng Shohoku" sigaw na sabi ng mga manonood sa gym
Sinalubong naman ni Maki ang team ng Shohoku.
"Salamat sa inyo Akagi, dahil pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon para sa practice game" saad ni Maki tapos inabot ang kamay nito kay Akagi para makipag shake hands
"Kami ang dapat mag pasalamat dahil maganda itong practice game para sa amin" saad ni Akagi at nakipag shake hands kay Maki
Habang nag uusap napansin ni Akagi si Rukawa na nasa bench nila Maki.
"Maki, nasa inyo pala itong si Rukawa" saad ni Akagi
"Oo, dito niya na isipan mag aral ng kolehiyo dahil malapit lang daw ito sa kaniyang apartment" saad ni Maki
Lumapit naman si Akagi kay Rukawa upang batiin ito at makamusta narin.
"Rukawa, di ko akalain na nan dito kapala nag aaral sa Fukusawa, akala ko sa America ka mag kokolehiyo?" Tanong na sabi ni Akagi kay Rukawa
"Pumunta naman ako ng America, ngunit ang ginawa ko lang doon ay upang mag sanay, at saka ayuko doon purong english sila mag salita, wala akong maintindihan" saad ni Rukawa
"Kubg ganon, masaya ako na makita uli kita Rukawa, good luck na lang sa atin sa laban, may the best team win" saad ni Akagi at iniabot ang kamay nito kay Rukawa para makipag shake hands.
"Masaya din ako makita uli kayo captain, pero di ako mag pipigil sa laban mamaya, kaya seryosohin niyo sana ang laro mamaya" seryosong saad ni Rukawa
Ngumiti na lamang si Akagi kay Rukawa bilang tugon niya dito.
-------------------------------------------
Habang nag uusap si Akagi kay Rukawa seryosong naman tinitignan ni Hanamichi si Rukawa habang hawak ang kamay niya Haruko, napansin naman ni Haruko na nag liliyab ang mga mata ni Hanamichi.
"Hanamichi baby, bakit ganiyan ka makatitig kay Rukawa?" Saad ni Haruko ngunit di sumagot si Hanamichi kaya naman humarang siya sa harapan ni Hanamichi upang kausapin siya nito.
"Mahal, bakit masyadong nag aapoy ang iyong mga mata habang tinitignan mo si Rukawa" saad ni Haruko na nag aalala ito kay Hanamichi baka kung ano ang gawin nito mamaya sa laban.
"Ah, eh - wala ito, masyado lamang akong excited na makalaban ang numero uno sa distrito at makaharap si Rukawa" ngiting saad ni Hanamichi sabay halik sa noo ni Haruko.
"Galingan mo ha, ipakita mo sa Fukusawa na ikaw ang Hari ng Rebound at ang Hari ng Slamdunk." Ngiting saad ni Haruko.
"Makakaasa ka sakin Haruko, hindi ako papayag na matalo tayo kahit isa lamang itong practice game" - ngiting saad ni Sakuragi.
-------------------------------------------
Sa locker room ng Shohoku Team ay nag handa na ng plano ang coach nila upang sa gagawin nilang hakbang para matalo ang numero uno sa distrito.
"Okay team, dumating na ang oras makakalaban natin muli ang numero uno sa distrito, kahit practice game lang ito, ibigay niyo lahat para sa labang ito, ipakita niyo na MALAKAS ANG ATING TEAM." Saad na sabi ni Coach Yamamoto.
BINABASA MO ANG
Slamdunk - 3 years after
FanfictionIto ay isa lamang Fan Fiction na kwento ito ay tatakbo sa storya ng ating bida nasi Hanamichi Sakuragi at sa kaniyang Basketball Career Makalipas ng 3 taon nito mula sa pag lalaro ng basketball. Masasama din dito ang love life ni Sakuragi kung si Ha...