Chapter 21: Ang Simula ng Eliminations

146 11 5
                                    

Authors PoV

Dumating na ang pinaka hihintay ng lahat ng team sa distrito ang simula ng eliminations mag lalaban laban ang labing dalawang mga teams ngunit 2 lang ang mapipili para sa inter collegiate tournament.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Ngayong araw unang lalaban ay ang team ng Takezato University laban sa team ng Uwei College at ang nanalo ay ang team ng Takezato sa score na 98 - 90

Ang sunod na laban ay ang team Fukusawa College laban sa team ng Hanoi Colleges at syempre sa inaasahan nanalo ang Fukusawa sa score na 124 - 86

At ang panghuling lalaban ngayong araw ay team ng Kaido University laban sa Subaku College

"Eto na ang team ng Kaido, panoorin mo Sakuragi yung #12 si Charles Davis panigurado lalampasuhin lang niya ang katapat niya" saad ni Akagi

"Alam ko yun Gori" saad ni Sakuragi habang tutok na tutok kay Charles

"Tignan mo rin Captain yung ibang member ng Kaido mukang di sila basta basta" saad ni Sendo

"Oo nga no, medyo may ka tangkadan din sila halos wala akong makita na di lalagpas sa 175 cm ang laki" saad ni Miyagi

"Ayako may datos kaba sa mga player diyan kahit simpleng statistic lang" saad ni Akagi

"Sandali, ah eto, ang Point Guard nila ay yung number 5 si Miko Tsui ang height niya ay 176 cm at may bigat na 80 kilos ang average niya doon ay 12.3 ppg 7.4 ast 1.4 stl, ayon dito dati siyang mag aaral sa Guangmin High sa bansang Taiwan" saad ni Ayako

"Tangkad niya, paano ko kaya siya tatapatan pag nag kaharap na kami" saad ni Miyagi

"Malalaman natin yan pag nag umpisa na ang laban" saad ni Akagi

"Ang Shooting Guard nila ay si Kio Fukuski # 7, 175 cm 78 kilos ayon dito isa siyang legit shooter na nag a-average kada laro ng 14.4 ppg 6.4 reb 4.7 ast nakaraang taon" saad ni Ayako

"Hmpp, walang gagawin sakin yan pag nagkatapat na ang team natin" saad ni Mitsui

"Di natin masasabi yan Mitsui, pero dapat di lang Fukusawa at Hiroshima ang paghandaan natin dapat itong team din ng Kaido" saad ni Ichiro

"Tama kayo mga kasama" saad ni Akagi

"Yung SF nila ay si Ken Hyun #9, dating nag aaral sa South Korea, may laki na 178 cm 85 kilos nag a-average ito last year ng 16.4 ppg 8.4 ast 9.4 reb" saad ni Ayako

"Siya pala ang aking magiging katapat" ngiting saad ni Sendoh

"Ang SF naman ay si Yuan Teng #6 may tangkad na 189.8 cm at may bigat na 91 kilos last year nag a-average ito ng 9.2 ppg 4.3 ast 12.3 reb at 3.2 blk per game" saad ni Ayako

Slamdunk - 3 years afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon