Chapter 14: Fukusawa vs Shohoku Part 4

132 10 3
                                    


Dahil sa ginawa ni Ichiro sobrang nainis ito dito dahil para sa kaniya ay pinapahiya siya nito.

"Babawi ako" saad ni Rukawa sa kaniyang isip habang masamang tinitignan si Ichiro

Posesyon na ng Fukusawa at si Maki ang nagtitimon, tinaas ni Maki ang kaniyang kamay para pahiwatig na pupuntos na sila, mahigpit parin binabantayan siya ni Sendoh.

"Maki sugod na" saad ni Sendoh

Umatake na si Maki ang nag spin move ito kaya na iwan ng bahagya si Sendoh, nang makawala siya sa depensa ni Sendoh ay agad naman siyang umatake sa ilalim ng basket sumalubong sa kaniya si Ichiro para harangan ang gagawing nitong layup ngunit pumito ang referee, dahil nabanga niya si Ichiro.

"Offensive foul white #4" saad ng Referee

"Papaanong foul yun ref" saad ni Maki sa referee

Ngumiti naman si Ichiro dahil na gulangan niya si Maki, tinulungan naman siyang itinayo ni Mitsui at Miyagi.

"Nice one Ichiro" saad ni Miyagi sabay apir dito

"Hehe salamat" ngiting sabi ni Ichiro

Sa pwesto naman kung saan naroroon ang team ng Hiroshima ay nagulat sila kay Ichiro dahil di lang ito magaling na player ay ito din ay magalijg mangulang.

"Di ko akalain nasi Maki madali lang niyang magugulangan" saad ni Fujima

Posesyon na nang Shohoku at ang score ay 38:43 lamang padin ang Shohoku at ang natitirang oras ay 18:55 sec ay hawak hawak na ni Miyagi ang bola, agad naman siyang binantayan ni Kenzo

"Sige kenzo ganiyan nga wag palulusutin" saad ni Uozumi

Nahihirapan naman si Miyagi dahil mas humigpit na ang depensa ni Kenzo, nang mapansin ito ni Ichiro ay nag screen ito kay Kenzo kaya naman naging resulta nag switch sila, binabantayan na ni Kenzo si Ichiro habang si Miyagi ay dinidepensahan siya ni Rukawa.

Nang magawa na nila iyon nag isolation naman si Ichiro para maging 1on1 ang laban nila ni Kenzo.

Sa pwesto kung nasaan ang team ng Hiroshima.

"Mali ang match up, mas malaki, mabilis, mas malakas si Ichiro kesa kay Kenzo" saad ni Fujima

"Di lang iyon, palagay ko balak mag pasabit niyang si Ichiro kay Kenzo" saaad ni Sawakita habang tinititigan si Ichiro.

Mabalik tayo sa laban si hawak ni Ichiro ang bola at agad niya inatake ang depensa ni Kenzo, nag post up ito dito at madali lang niya nauurong sa pwesto si Kenzo, pag kalapit medyo sa basket ay nag fade away shot si Ichiro,sumabay si Kenzo ngunit ang natamaan niya ang braso ni Ichiro kaya naman pumito ang referee, pumasok namang ang bolang itinira ni Ichiro swak na swak sa ring.

Sigawan ang mga manlalaro ng Shohoku maging ng mga estudyante sa gym.

"Galing mo Ichiro, ipagpatuloy mo lang yan" saad ni Ayako

"Galing niya diba Hanamichi yang si Ichiro" saad ni Haruko

"Oo magaling siya Haruko mahal, pero mas magaling ako" tampong saad ni Sakuragi

"Alam ko iyon baby, diba ikaw ang henyong basketbolista" ngiting sabi ni Haruko

Ngumiti naman si Hanamichi sa sinabi sa kaniya ni Haruko.

Sa may mismong laban nag shoot na si Ichiro ng kaniyang bonus free throw, na shoot naman niya ang kaniyang free throw kaya naman sa naka 3 point play si Ichiro, ang score ay 38:45 kung saan 7 points na ang lamang ng Shohoku.

Pag ka pasok ng bola ininbound agad ni Uozumi ang bola at agad pinasa kay Maki, pag ka inbound ay agad pinasa ni Maki ang bola upang si Rukawa ang mag baba, mabilis binaba ni Rukawa ang bola sa kanilang basket, wala natong sinayang na oras at umatake na agad ito sa depensa ni Ichiro.

Nag post up sa perimeter si Rukawa si Ichiro naman ay tinukod ang tuhod niya para naman di siya basta basta magalaw ni Rukawa, kinakaldag ni Rukawa si Ichiro pero hirap siya mapausog ito. Kaya ang ginawa niya ay nag shimmy siya pa ikot para gumawa ng aakma na siya ng tira.

"Huli ka!" Saad ni Ichiro

Ngunit ang di alam ni Ichiro ay peke lamang iyon at umikot uli si Rukawa at umatake sa ring, at gumawa siya ng isang dunk na pag kalakas lakas na parang gusto niya na itong sirain.

Pag kababa ni Rukawa ay tinitigan niya si Kenzo at sinabi:

"Wag ka masiyadong mayabang, ngayon mag seseryoso na ako, di ikaw ang aking katapat kundi yung gunggong dun sa bench niyo" malamig na sabi Rukawa kay Ichiro

Dahil sa ginawa ni Rukawa nag sigawan ang mga manonood sa gym.

"Tignan niyo yung ring umaalog parin hanggang ngayon" saad ng mga manonood

"Para atang personal na ang dakdak na ginawa niya" dagdag pa ng mga manonood

Sa bench ng Fukusawa ay tuwang tuwa sila sa ginawa ni Rukawa.

"Nice one Rukawa" saad ng mga nasa bench ng Fukusawa

Sa bench naman ng Shohoku ay gulat din sa ginawa ni Rukawa, kaya naman lalong naiinis si Sakuragi kay Rukawa.

"Ruuuuukaaaaawaaaaa" saad ni Sakuragi sa kaniyang sarili habang naka yukom ang kaniyang kamao habang tinitignan si Rukawa na bumalik na sa depensa

Score na ngayon ay 40:45 lamang na lang ng 5 points ang team ng Shohoku. Ano kaya ang gagawin ni Ichiro ngayong mag seseryoso na si Rukawa sa laro. Abangan na lang natin sa susunod na kabanata.

------------------------------------

Salamat sa supporta po ninyo sakin dahil slowly dumadami na ang mga nag babasa nito, kayo po ang nagbibigay sakin ng inspirasyon upang ipag patuloy ko pa itong kwento.

Meron din pala akong ginawang bagong fan fic sana abangan niyo din.

XoXoMJB15❤️❤️❤️

Friday or Saturday ako mag uupload ng bagong chapter.

Yun lang at salamat 🤙🤙🤙

Slamdunk - 3 years afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon