Sa nagaganap na laban ng Shohoku at Fukusawa ay score nila ay 2:0 pabor sa team ng Fukusawa, dahil sa ginawa ni Rukawa na pag intercept ng bola ay posesyon padin ng Shohoku ang bola. Ang nag inbound ng bola ay si Sakuragi at ipinasa niya ito kay Mitsui na agad naman binigay kay Moyagi."Okay, sa pag kaka-taon na ito ay sisiguraduhin ko na makakapuntos na kami" sabi ni Miyagi sa kaniyang sarili
Agad naman sumenyas si Miyagi ng Isolation upang sila ni Kenzo ay mag one on one, kaya naman ang 4 na player ng Shohoku ay pumunta sa gilid ng court para mag bigay ng space kay Miyagi na gagawing atake. Pag tapos non ay agad na nag dribble ng bola si Miyagi ng napaka bilis upang maiwan si Kenzo ngunit nakakasunod padin ito kaya nag Hesitation na siya na aakmang aattake na ngunit hindi pala kaya naman na iwan si Kenzo ngunit sumalubong sa kaniya si Rukawa sa ere, pero agad nag bounce pass si Miyagi kay Sakuragi at gumawa si Sakuragi ng Windmill Dunk na ikinagulat lahat ng player maging ng manonood ng laro.
"Whoooooo ang galing mo may pulang buhok, ikaw na ang idol namin" sigaw na sabi ng mga manonood
-------------------------------------------
Sa bench naman Shohoku ay sobrang nabigla sila maging si Ichiro ay napanganga sa ginawa ni Sakuragi."Ang galing talaga ni Sakuragi, di ko akalain na kaya niya gawin ang dunk na iyon" gulat na saad ni Ichiro
"Galing mo Hanamichi Sakuragi, ipagpatuloy mo lang yan" sigaw na sabi ni Ayako
Sa pwesto naman na kung saan nanonood ang coach ng Hiroshima kasama sina Sawakita ay Fujima ay sobrang nabigla sa Dunk na ginawa ni Sakuragi.
"Sabi kona eh, yang may pulang buhok talagang napakagaling maglaro, noong nakalaban namin siya noon interhigh games, gulat na ako sa laro niya na kahit 4 na buwan palang siyang nag lalaro noon, ay parang napakatagal niya na nag lalaro, masasabi ko talagang may talento siya" saad ni Sawakita
"Di ako maka paniwala na grabe na ang lakas niya mag laro" saad ni Fujima
Makatapos mag dunk ni Sakuragi ay agad niya tinignan si Rukawa at sinabi:
"Ako ang di mo kaya Rukawa, wala akong pake kahit nag ensayo kapa sa Amerika di mo alam kung gaano ako nag practice halos dugo na ang lumalabas sakin sa ginawa kong pag eensayo kaya naman, ako ang tatalo sayo tandaan mo yan" seryosong saad ni Sakuragi kay Rukawa habang
"Tsk, wag magyabang gunggong makikita natin" saad ni Rukawa
Agad na nag apiran si Miyagi at Sakuragi at agad na din sila dumepensa, posesyon na ngayon ng Fukusawa at ang score ay 2:2 at ang nalalabing oras ay 18:23 sa 1st Half ay si Maki ang nag titimon ng bola, agad niya ito pinasa kay Rukawa na naka postup sa may baseline, sinusubukan niya si Sakuragi paurungin ngunit ay nahihirapan siya dahil naka tukod na ang paa ni Sakuragi kaya parang pader na ang binabanga ni Rukawa.
"Oh ano Rukawa, para yatang di mo ako kayang itulak, siguro wala kang kinaain ngayon" pang-asar na sabi nito kay Rukawa
BINABASA MO ANG
Slamdunk - 3 years after
FanfictionIto ay isa lamang Fan Fiction na kwento ito ay tatakbo sa storya ng ating bida nasi Hanamichi Sakuragi at sa kaniyang Basketball Career Makalipas ng 3 taon nito mula sa pag lalaro ng basketball. Masasama din dito ang love life ni Sakuragi kung si Ha...