Nang malaman ni Rukawa na makakalaban niya ang karibal na si Sendoh at maging si Sakuragi ay kahit tapos na ang kanilang practice sa gym ay nag papaiwan ito para mag extra workout.
Rukawa PoV
"Gunggong, Sendoh, ako ang tatalo sa inyo" bulong na sabi ni Rukawa na seryoso nag dridrible ng bola.
Si Rukawa ay pumikit upang ma imagine niya na nag babantay si Sendoh at si Sakuragi sa kaniya. Nang ma imagine niya na umatake siya sa depensa ni Sendoh, ng makalapit na kay Sendoh ay nag spin move ito, sumalubong naman sa kaniya si Hanamichi, nang sumalubong ito ay nag crossover ito at nang makalusot ay gumawa ng Slamdunk.
"Di niyo ako kakayanin sa oras na mag harap na tayo" saad ni Rukawa na matalas na nakatingin sa ring.
Habang si Rukawa ay nag prapractice ay nagulat siya na may pumalakpak, lumingon naman siya upang makita kung sino iyon, pag-lingon niya ay nakita niya si Maki.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na sabi ni Rukawa
"Mag prapractice din sana ako kaso, nandito ka pa pala" saad ni Maki
"Parang ngayon lang kita makita ng ganiyan ah, Rukawa, nanlikisik ang mata mo habang nag prapractice kanina, dahil ba kay Sendoh at Sakuragi?'' saad ni Maki
Di naman sumagot si Rukawa at nag lakad na ito sa locker room nila upang magbihis at umuwi sa kanilang bahay.
"Tignan mo tong si Rukawa, pag tinatanong ko di nasagot sa tinatanong mo" bugtong hiningang saad ni Maki sa sarili habang nakatingin siya kay Rukawa papalakad ng locker room.
Madako naman tayo sa ating bida nasi Hanamichi Sakuragi hindi ito makatulog, kaya naman naisipan niya na mag basketball nalang sa may open court di kalayuan sa kanilang tirahan.
nang makaalis nasa apartment nila Mito si Sakuragi ay agad itong nag tungo sa may court, mga alas-diyes na siya ng gabi ng makarating sa court.
"Makapagpapawis na ngalang muna, para naman antukin ako pag uwi dahil sa kapaguran" saad ni Hanamichi sa kaniyang sarili.
Mag aalas-onse na ng matapos si Hanamichi na mag laro sa court ngunit nagutom naman siya kaya naisipan niya na kumain muna sa ramen shop.
Nang makakain na ito ay agad din siyang umuwi sa apartment nila Mito, pero laking gulat niya na makita si Rukawa habang nag bibisekleta ito pa uwi sa kanilang tahanan, ang mas ikinagulat ni Sakuragi ay ng makita niya ang jacket na suot ni Rukawa na ang tatak ay Fukusawa Basket ball team. Kaya naman tinignan niya si Rukawa habang ito ay unti unti na nakalayo sa kinaroroonan ni Hanamichi.
"Rukawa, di ko akalain na makakaharap na din kita sa wakas sa basketball" saad ni Sakuragi habang ito naka tingala sa mga bituin.
Dahil naman doon ay mas lalong na e-excited si Hanamichi sa papalapit na practice game nila sa Fukusawa sa susunod na linggo.
Kinabukasan ay agad gumising si Hanamichi upang ito makapag handa na para pumasok sa skul, ginising niya na din si Mito upang makapag bihis na din ito at sabay na sila pumasok sa paaralan. Nang maka alis na sila apartment ay sinundo na rin niya si Haruko at sabaysabay sila pumasok.
BINABASA MO ANG
Slamdunk - 3 years after
FanficIto ay isa lamang Fan Fiction na kwento ito ay tatakbo sa storya ng ating bida nasi Hanamichi Sakuragi at sa kaniyang Basketball Career Makalipas ng 3 taon nito mula sa pag lalaro ng basketball. Masasama din dito ang love life ni Sakuragi kung si Ha...