Kinabukasan maagang nagising si Hanamichi upang mag jogging.Bago siya umalis ay humigop muna siya ng Kape, pag tapos niya mag kape ay agad na ito ng jogging.
Nag suot siya ng jogging pants at jacket ng shohoku dahil napakalamig ng temperatura sa kanila.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-**-*-*
Habang nag jojoging nakikita ni Sakuragi ang mga batang namamasko sa kani kanilang mga tito at tita, dahil doon naalala niya ang kaniyang kabataan.
"Naalala ko tuwing pasko ay ganto din ginagawa ko tuwing umaga, namamasko ako sa aking mga tito at tita at sinasamahan ako ng aking ama" saad ni Sakuragi
Dahil doon ay naluha si Sakuragi dahil na ala-ala niya ang kaniyang tatay.
"Ama, kung nasaan kaman ngayon sana proud kayo saakin kung ano na ang aking narating ngayon" saad ni Sakuragi sa kaniyang sarili habang nakatingala sa kalangitan
Makalipas ng isang oras na pag jojogging ay agad na pumunta si Hanamichi sa bahay ni Mito.
Saktong sakto ang dating ni Hanamichi dahil kakarating lang ni Mito dahil kaka uwi lang nito sa pinapasukan nito sa isang club.
Dahil sa winter ngayon ay sarado ang beach house kaya naman nag sideline muna si Mito bilang isang banda sa isang club kasama ang 3 ungas.
"O Mito, kakauwi mo palang pala, nagugutom kaba ipagluluto kita kung gusto mo" saad ni Sakuragi
"Huwag na Hanamichi kumain na kami nila Ookosu,Noma, at Takamiya bago umuwi" saad ni Mito
"Ganon ba, alam kong puyat ka kaya dapat matulog kana, mamaya mag luluto na lang ako ng tanghalian natin" saad ni Sakuragi
"Sige, Hanamichi matutulog na muna ako" hikab na saad ni Mito bago pumunta sa kaniyang kwarto.
Napa isip naman si Hanamichi dahil parang palamunin lang siya ni Mito dahil di siya nakaka tulong sa gastusin sa kanilang apartment.
"Naaawa na ako kay Mito, dahil siya lahat nag babayad ng kuryente, tubig, pagkain, at upa nitong apartment" saad ni Sakuragi sa kaniyang sarili
"Di bale, babawi ako sa lahat ng ginawa mo Mito pag ako nakapasok na sa International League at sa NBA babayadan ko lahat ng ginawa mo sa akin" dagdag ni Sakuragi.
>>>FAST FORWARD>>>
Alas-siyete ng gabi ay naisipan na yayain ni Hanamichi si Haruko sa isang parke dahil christmas eve ngayon.
Agad niya kinuha ang kaniyang ang cellphone sa kaniyang bag at tinawagan si Haruko.
"Ring-ring, Hello baby napatawag ka" saad ni Haruko
BINABASA MO ANG
Slamdunk - 3 years after
FanfictionIto ay isa lamang Fan Fiction na kwento ito ay tatakbo sa storya ng ating bida nasi Hanamichi Sakuragi at sa kaniyang Basketball Career Makalipas ng 3 taon nito mula sa pag lalaro ng basketball. Masasama din dito ang love life ni Sakuragi kung si Ha...