Author Note

58 3 0
                                    

Hello po, thank you po sa mga bumasa at nag votes. Nagtiyagang mag hintay ng update. Kung hindi ako nagkakamali taong 2020 ko pa ito na simulang isulat. Isang taon na rin mahigit bago ko natapos.

Ang inspiration ko sa pagsulat ng kwento na ito. Mga friends ko nung 16 yrs old ako. At sinulat ko na rin ito sa notebook ko na makapal noon. Ibang-iba yong nasa wattpad na at nasa notebook ko. Pero same name ng character. May nadagdag din na tauhan sa wattpad version.

Yong names pinapili ko mga friends ko. Kung ano gusto nila na names nila sa story ko. Iyong ugali ng friends ni Vernice. Ganoon din ugali ng friends ko sa real world. Habang sinusulat ko ito. Sila iyong nakikita ko. Iyong ibang funny moment totoo kong experience iyon.

Actually dapat sad ending nito. Kasi ang isa pa sa naging inspiration ko sa story na ito. Iyong first love ko. Half Japanese raw kuno. Tapos lumabas is yong isang friend ko na babae na pinagkatiwalaan ko. Noon kasi uso iyong textmate diba? at wala talaga akong pakialam sa social media non. In short she used someone's Identity. Para pagmukhain na iyon yong naging jowa ko.

Yong names ng mga friends ng male lead. I don't know kung totoo rin bang tao iyon o gawa-gawa rin ng kaibigan ko. Medyo traumatized din ako. Nawala rin ako ng tiwala sa tao sa paligid ko. Sabi nga nila all things happen for a reason nga. Pero any way, naka-move on na naman ako. Wala na rin akong pakialam sa buhay nila o ng ex friend ko. Medyo thankful din dahil nag karoon ako ng inspiration para maisulat itong kwento na ito. Panget man iyong first love story ko. Kahit man lang dito nabigyan ko ng justice. 

Malapit na rin matapos iyong FGS 2. Huwag kayo magtaka kung bakit nag update ako sa 3 or sa 2.  Series siya pero iba-iba plot ng story para hindi ako malito. Medyo ugnay din naman sila lahat. Sana basahin din ninyo iyong mga susunod na story ko pa. Hindi ko pa sure kailan ko matatapos yong Arrogant Series. Pero balak ko, tapusin mo na yong FGS, bago ko sunod yong AS. Bago ako ulit magsimula ng bagong story.

Pasensiya rin kung late updates ah. Minsan kasi wala akong gana magsulat. Kaya natatagalan. Ayaw ko naman na parang pilit lang. Hindi mag enjoy basahin ng readers ko iyong gawa ko. Saka graduating na rin kasi ako. Akalain mo iyon, unang beses ko magsulat rito gr. 12 palang ako. Ngayong magtatapos na ako. Saka wala rin kaming wifi. Load gamit ko pang data. Balak ko na rin bumili ng blutooth keypad na may mouse. Mukhang maganda para makapagsulat pa ako ng maayos. Hindi pa rin kasi ako nakakabili ng laptop. So iyon, dami kong kuda.

Thanks again and be blessed.

FGS no. 1 Fascinating OneWhere stories live. Discover now