F∅12

132 7 0
                                    


Hindi nakakain ng hapunan si Vernice dahil wala siyang gana. Tapos lagi pa niyang na aalala ng huling usap nila ni Boy Hila.

"Hindi kita titigilan, Vernice."

"Utot niya" sabi ni Vernice. Napatingala siya sa langit. Nasa terrace kasi siya. May mga shooting star daw na dadating. Kaya gusto niya panuorin. Sana nga lang makatiyempo siya. Hindi pa kasi siya nakakakita noon.

"Oh! Oh! oh!!! shooting star!" tuwa na sabi niya nang makita ito.

Agad siya nagtype para text si Yim. By the way nagsisimula na itong manligaw sa kaniya. Kaya bawat bagay or pangyayari ay sinasabi nila sa isa't isa.

To. Yim
Nakita mo iyong shooting star😍

sent. 11:11pm.

Napatitig siya sa time.

11:11

Kaya agad siya nag wish. Ngumiti siya bago nagsalita.

"Sana maging maayos at masaya ang taon ng pamilya ko. Maging healthy kaming lahat. And sana, kung si Yim na ang para sa akin. Salamat, pero kung hindi ilayo nyo na lang po sa akin. Huwag ninyo na lang kami pagtagpuin. Kung hindi siya makakabuti sa akin. Ilayo nyo na lang siya sa akin." wish niya.

Yeah totoo iyon. Nagkakaroon na kasi ng puwang sa puso niya si Yim. Kahit na hindi pa niya nakikita. Mas attracted kasi siya sa mysterious na tao. Mas more siyang na curious, mas lalo siyang na iinlove.

From. Yim

Yes..

receive. 11:12pm.

Maya-maya tumunog ulit.

From. Yim

Nag hapunan  ka na?

receive. 11:13pm.

Napangiti siya habang nagtype.

"Shit! kinikilig ako!" sabi ni Vernice.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Masaya siya na ewan. Kaso may takot. Takot na tuluyang mahulog kay Yim. Wala siyang kasiguraduhan kong gusto ba talaga siya nito o pinagtritripan lang siya. Nagpaalam na siya kay Yim na matutulog siya ng pagsapit ng 12pm. May Jogging kasi sila bukas nila Knether sa Memorial.

Napabuntong hininga siya ng makahiga. Sinuntok niya ang dibdib niya.

"Please! huwag ka kumabog ng mabilis" sabi ni Vernice at nalala na flat na nga dibdib niya. Lalo pa niyang pinapa-flat sa pagsuntok. Hindi naman malakas hehe.

"Sorry breast!" sabi ni Vernice at natawa. Nagdasal muna siya bago natulog. Sana ng lang magising siya ng maaga.

.......

Nagmadaling tumakbo si Vernice, kasi halos isang oras na siyang late.

"Ang nice mo talaga, Nice ano?" sarcastic na sabi ni Jade na nakapamewang at nakataas ng kilay. Naka jersey short ito na pink at t-shirt na pink. May headband na garter ito sa ulo na pink. Nakapang tshirt at jersey short nga kaso pink naman. Pero sabi naman ng iba. Ang tunay na lalaki ay nagsusuot ng kulay pink.

Nasa park sila at medyo maliwanag na. Ilan lang ang tao sa paligid, dahil nga sa medyo maaga pa. Taga linis, mga tauhan sa Munisipyo na maagang pumasok at mga mag exercise rin tulad nila.

"Ikaw pa nag set ng time ah? tapos ikaw pa malate" si Angel at tumawa. Naka dalawang ipit ito, naka t-shirt itong black at leggings na pink. Naka rubber shoes din ito.

FGS no. 1 Fascinating OneWhere stories live. Discover now