"Shit! na huli tayo" sabi ni Jierain.
"Yeah" sabi ni Rald.
"Ayaw ko umawat sa away ng babae. Mahirap iyan awatin" nakangiwi na sabi ni Jay-Ar.
"Eh paghindi tayo umaksiyon yari tayo" sabi ni Jierain.
"Hintayin na lang natin si Mamoto. Tutal siya naman, dahilan eh" sabi ni Jay-Ar.
"Hay! lagi na lang" naiiling na sahi ni Raldjie.
Dahil nga sa famous sila. Mga babae ay patay na patay sa kanila. Mga nag-aaway ito para sa kanila. Laging bentang-benta ay kay Yuki at Morgan. Mga war freak ang mga babae na nagkakagusto sa mga ito. Kaya pinagtataka nila bakit nagkagusto ang mga ito sa iisang babae na hindi naman attracted, sexy at maputi. Sadyang simple lang at hindi mayaman.
..........
"Sensei, ito na po ang last footage nung time ng 7-8am" sabi ng security head ng CCTV room.
"Sige, iwanan mo muna ako. Ako na bahala na panuodin" sabi ni Yuki. Pero bago pa lumabas ang security guard.
"Sensei, wait lang." sabi nito.
Kaya pinanuod nila ang CCTV footages ngayong oras.
"Sensei, may nag-aaway"sabi nito.
Akmang tatawag na ito. Kaso pinahinto niya.
"Ako bahala, make sure na hindi makakarating ito sa itaas" sabi ni Yuki. "And give me the copy of footages yesterday. Pupuntahan ko lang iyan" dagdag niya at nagmadaling umalis.
Sumakay na siya ng private elevator para mabilis. Mga nakakataas lang ang pwede dumaan dito.
Napakuyom siya sa kamao. Dahil talagang namumuro na ang Nicka na yon sa kaniya. This time hindi na niya hahayaan ito. Ngayong involve si Vernice. Nagtaka siya bakit nagstop ang elevator. Bumukas ito, saglit na nahinto ito.
It's Jelan.
Hindi sila nagkibuan habang nasa loob ng Elevator.
.......
"Oy ikaw! huwag mo akong dinadamay sa kagagahan mo ah!!" galit na sabi ni Vernice.
Nasa basketball gym sila. Kasalukuyang nagpractice ng cheer dance ang mga ito ng dumating si Vernice.
Tinaasan siya ng kilay ng tatlong babae. Saka nagcross arm.
"You didn't have a boobs para patulan ka ni Yuki!" taas kilay na sabi ni Nicka.
Lalong nang init ang ulo ni Vernice. She knew dati pa na flat chested siya, pero walang karapatan ito na laitin siya. Samantalang wala siyang pakilam dito.
"Pake mo?" inis na sabi niya. "Atlis ako, kahit walang boobs ay maganda, ikaw?" tinaas baba ng tingin ito ni Vernice. "May boobs ka lang. Hipon!"lait ni Vernice.
Nagtawanan ang mga tao sa gym. Pinalilibutan na kasi sila ng mga students.
"Aba't how dare you!" inis na sigaw nito.
"How dare you too, like a dary-dary milk. Duh!" sabi ni Vernice na ginaya ang patalastas sa Cinemo.
"Hindi man lang ba nandiri si Yuki at pinatulan ka. You don't even have a fair skin. Maitim ka pa" sabi ng babae na maigsi ang buhok na matangkad. Maganda ito at maputi.
It's Ruru.
"Tanga ka ba? kailan naging maitim ang brown?" si Jade.
Napalingon si Vernice rito. Napangiti siya ng dumating ang tatlo niyang kaibigan.
"Yeah, what's wrong with morena skin?" si Knether Ann. "Hindi hamak na mas maganda si Vernice kaysa sa inyo!" dagdag pa nito at inirapan si Ruru.
"Yeah, kaya siya hinalikan ni Yuki. Not once but twice and torrid pa! inggit kayo no?" pang aasar ni Angel.
Ayos na sana kaso sinabi pa nito ang torrid. Napatampal sa noo si Vernice.
"We knew, kami pa nga nagpost diba?" taas kilay na sabi ng babaeng mahaba ang buhok na wavy. Sexy ito at maganda.
It's Taiana.
"Kung may gusto kayo kay Yuki. Sa inyo na siya. Nihindi ko nga gusto iyon eh" inis na sabi ni Vernice.
Paano ba naman. Nanahimik ang buhay niya, tapos nung umeksena itong boy hila na ito. Ngayon magkakanda letse pa, na timing pa na pa-graduate na siya. Like wow diba?
"Hindi gusto!! kitang kita naman. You kiss him back!!" inis na sigaw ni Nicka.
"Ehh you kiss him bac" pang gagaya niya sa boses nito. "Ayaw niya akong pakawalan! anong magagawa ko" inis na sabi ni Vernice.
"Siguro, ginayuma mo si Yuki. Kaya ka niya hinalikan!" akusa ni Ruru.
Natawa si Vernice.
"Oy! ni hindi ko gusto magkabf. Hindi rin ako desperada tulad nyo para gayumahin ko iyong boy hila na iyon" pambubuska na sabi ni Vernice. "Kung gusto nyo talaga siya. Aba'y ligawan nyo. Huwag ako ang purwesyuhin ninyo!"dagdag pa niya.
At tumalikod na. Napahinto siya sa paglalakad ng harangin siya ni Yuki. Hinawakan nito ang kamay niya. Sinamaan niya ito ng tingin. Nang ibaling niya ang tingin sa likod nito. Nakita niya si Mr. Pogi.
It's Jelan Morgan. Paano niya nalaman, siyempre nabasa niya sa bulletin board ng SSG officers sa school.
"Eyes on me!" sabi ni Yuki.
"Eyes on me ka pang nalalaman" inis na sabi ni Vernice saka sinamaan ng tingin si Yuki. "Gago ka alam mo yon!" dagdag pa niya.
Napanganga ang mga tao at nasinghap dahil sa sinabi niya. Wala kasing panghangas na kumausap dito.
"Sa mga kagaguhan mo. Dinadamay mo ako. Iyan!" tinuro niya ang tatlong babae. "Mga desperate sayo. Sa paghalik mo sa akin. Nagalit sila" dagdag pa niya.
"Sabihin mo sa kanila na hindi mo sinasadya iyon at hindi kita ginayuma. Aba? mas gusto ko pang tumandang dalaga. Kaysa mapangasawa kita" sabi niya ulit.
Nagugulat ang mga tao sa mga sinasabi niya. Aba'y hindi purket gwapo eh bigay agad.
Pumalakpak si Yuki. Kaya tumindig ang mga tao sa court. Sinulyapan ni Vernice na nakangiti si Jelan na nakangiti rin sa kaniya.
My goshhh ang pogi ni Kuya!
"Listen every one. Ang nangyari na ito ay dapat hindi makakarating sa taas" panimula ni Yuki.
Nangingiti na si Vernice.
Sige sabihin mo na para hindi na ako guluhin ng mga desperadang babae na yan...
"This girl" sabi ni Yuki.
Nagcross finger pa si Vernice.
"Is my girl" sabi ni Yuki. Hinila siya at hinapit sa bewang.
Napanganga ang lahat. Siya man rin.
"Gago ka!" inis na sabi niya at hinampas ito sa dibdib. "Mas lalo mo lang pinalala!!!" dagdag pa niya.
"Omyyy!!! kakilig" sabi nila Jade sa gilid.
"Don't worry, bebe. Walang gagalaw sayo. Hanggat na sa akin ka" sabi ni Yuki at nilapit ang mukha sa kaniya. Akala niya hahalikan siya nito. Kaso hinalikan siya sa noo.
Kaya nakahinga siya ng maluwag. Binalingan ni Yuki ang mga students.
"You can go now to your respective rooms" utos nito.
Sa inis niya tinulak niya ito at nagmadaling umalis sa court.
....
A/N: Hehehe.. I hope you like it.
YOU ARE READING
FGS no. 1 Fascinating One
RomanceThis not suitable for young reader. Some places, events and names is base on true story of the author. Plagiarism is a crime.