Fø 34

121 5 0
                                    

A/N: Hello guys, lets appreciate other writers. Mapa underrated pa yan or matured writer. Hindi po biro ang magsulat. Some of them, doon na lang nilalabas lahat ng gusto nilang gawin sa totoong mundo.😊

be blessed.

..........................

"Hahayaan mo na lang na tuluyan kayong magkalabo ni Vernice?"sabi ni Jierain.

"Oo nga, akala ko ba patay na patay ka sa kaniya"sabi ni Raldjie.

"Saka hindi ka pa sure kung si Vernice yong nasa sex video"sabi ni Jierain.

"Pero iyong nasa picture si Vernice yon, clear naman na hindi edited yon"sabi ni Jay-Ar.

"Yeah, pero dapat hiningan muna ninyo ng paliwanag si Vernice. Bago ka nag react"sabi ni Raldjie.

"Maybe, it is a planned"biglang singit ni Jelan.

"What do you mean, planned?"tanong ni Yuki.

Nasa Felix club sila ngayon. Total weekend ngayon at bukas ng gabi ay gradball na.

"Hindi mo ba pansin na panay ang dikit ni Aris kay Vernice. Saka halata namang hindi si Vernice yong babae sa sex video. Dahil mas malaman iyon kay Vernice. Saka bakit kailangan tago ang mukha ng lalaki sa video."Sabi ni Jelan.

Bumilang si Jierain at Raldjie.

"Dami nang masalita mo ngayon!"sabay na sabi ng dalawa.

"May point siya, Yuki. Ang pino-point ng sex video ay siraan si Vernice. Tapos about sa picture naman. Halatang sinadya na e-angolo na parang naghalikan sila sa picture"sabi ni Jierain at tinignan ang picture.

Napasabunot sa ulo si Yuki.

"Shit! Bakit ba na blangko ang isip ko???"sabi ni Yuki.

"Susunod brad, tanungin mo muna si Vernice. Communication and trust are one of the key when it comes in strong relationship. Hindi lang dapat sarili lang ang iisipin. Dapat marunong makinig at umintindi. Dapat open sa lahat ng possibility"sabi ni Jelan at tumayo saka lumabas ng private room.

"Woah! Si Jelan ba yon?"react ni Jelan.

"Hugot na hugot!"sabi ni Jay-Ar at natawa.

Si Yuki biglang tinamaan sa sinabi ni Jelan. Tama kasi lahat ng sinabi nito. Hindi siya naging open minded. Mali niya rin nag conclude siya basta ng hindi man lang tinatanong si Vernice kung totoo ngang ito ang nasa video o kahit man lang dahilan ng picture.

"Payo ko sayo brad. Kausapin mo si Vernice"sabi ni Jierain.

"Saka kausapin mo rin si Aris"sabi ni Jay-Ar.

*****************

"Kung ano man ang plano mo tigilan mo na"sabi ni Jelan ng makasalubong sa hallway ng school si Aris.

"Plano?"takang tanong ni Aris.

"Wag ka ng mag maang-maangan pa."sabi ni Jelan at naglakad.

"Vernice is mine"sabi ni Aris.

"Alam mong hindi siya sayo. Kaya kung ano mang laro ang ginagawa mo tigilan mo na. Makakasakit ka lang ng iba"sabi ni Jelan na nakatalikod. "Hindi mo mababago ang nangyari sa nakaraan. Kung maghihiganti ka"dagdag pa ni Jelan at tuluyan ng maglakad.

Naiwan si Aris na kinuyom ang kamao at pinipigilan ang galit.

"Aris, ano ang next plan natin?"sabi ni Nicka at kasama nito ang mga alipores nito.

Hindi man lang niya namalayan na dumating ang mga ito.

"Wala pa sa ngayon"sabi ni Aris at iniwan ang mga ito.

Bigla niyang nalala ang nakaraan. Yong dati na mahal na mahal pa niya si Zein, yes. Minahal niya si Zein kaso si Yuki ang nagustuhan nito. Ito rin ang dahilan bakit siya umalis ng bansa at sinundan ito. At ng bumalik ito ng bansa, bumalik din siya ng hindi nito alam. Sobra siyang nagalit ng malaman na gusto parin nito si Yuki, pero nakaramdam naman siya ng saya ng malaman na hindi na ito binibigyan ng attensiyon ni Yuki. Pero parang may kulang parin. Nalaman niya rin na may bagong kinababaliwang babae si Yuki. Iyon ay si Vernice. Kaya na curious siya at pina-imbestigahan ito. Dahil sa curiosity niya hindi niya namalayan na nagkagusto na siya sa dalaga. Hindi niya alam bakit lahat ng babae na nagugustuhan ni Yuki ay nagugustuhan din niya. Kaya gumawa siya ng way para magkasira ang dalawa.

"Aris!"nakangiting tawag ni Angel.

Ngumiti siya at lumapit. He knew that Angel have a crush on him. Kaya ito na ang ginawa niyang way para may dahilan siyang makalapit kay Vernice. Kaya kinaibigan niya ang dalaga.

"Ano ginagawa ninyo?"nakangiti niyang tanong at nakatingin kay Vernice na tahimik habang naka earphone.

"Ayon, tambay lang at pinag-uusapan ang tungkol sa gradball"sagot ni Angel.

"So excited na kayo?"nakangiti niyang tanong.

"Siyempre naman!"sagot ni Jade.

"Me too, excited na!!"sabi ni Knether Ann.

"Yeah, we are like in the past life pag sinuot natin yong mga gowns natin"sabi ni Jade.

"Gowns ka riyan? Hindi gowns sayo."sabi ni Angel.

"How about you, Vernice. Are you excited?"tanong ni Aris at tumabi kay Vernice.

Nagtanggal ng earphone si Vernice.

"Ang alin?"tanong ni Vernice.

"Sabi niya excited ka ba para sa gradball?"sabi ni Angel.

"Sakto lang"sabi ni Vernice at muling nag earphone.

"Hays hayaan mo muna si Vernice. Broken hearted yan"sabi ni Knether Ann.

"Bakit?"tanong niya na kunyari walang alam.

"Dahil break na sila ni Fafa Yuki"malungkot na sabi ni Jade.

Gusto niyang ngumiti ng marinig iyon. Iyon ang goal niya. Ang mapaghiwalay ang dalawa.

"O? Bakit naman nag break?"tanong ni Aris.

"Hmm.. no comment na kami diyan. Dahil private na yon"sabi ni Knether Ann.

"Oh ok"sabi niya at bumaling kay Vernice.

"Nice, can you be my date for the gradball?"tanong niya sa dalaga.

"Ah si Angel na lang"sabi ni Vernice. "Inaya na rin ako ni Jelan na maging date"dagdag pa niya.

Lalong nadagdagan ang inis niya kay Jelan.

"Oh? Inaya ka?"tanong ni Jade.

"Oo"sabi ni Jelan na kararating lang.

"Ah ganon ba." Sabi niya at ngumiti. Bago bumaling kay Angel. "Ok, Angel. Ikaw na lang. Pwede bang maka date ka?"nakangiting sabi ni Aris at pinipigilan ang hindi mainis.

"It is a big..big Yes!"kinikilig na sabi ni Angel.

"So napag usapan nyo na kung anong oras kayo magkikita?"sabi ni Knether Ann.

"Yeah, susunduin ko siya"sabi ni Jelan.

"Ay may pasundo pa. Baka next niyan ligaw na ah"sabi Jade.

Kaya nilakihan ng mata ito ni Vernice.

"I know my limitation. At ginagalang ko rin ang desisyon ni Vernice"sabi ni Jelan at nginitian si Vernice.

Kaya ngumiti rin si Vernice. Alam kasi ni Jelan na sa ilang buwan na lumipas. Hindi biro ang pinagdaanan ng dalaga. Lalo kasi itong binubully nila Nicka. Nakita niya one time na nagmamadali ang dalaga at sinadya ng mga kaibigan ni Nicka na hayaan na nakabukas ang kanal. Kaya sa pagtakbo ni Vernice hindi sinasadyang malusot ang paa nito sa kanal.

Simula non. Lagi na niyang sinusundan ang dalaga. At naiinis din siya sa kaibigan niya. Nagparaya na nga siya. Dahil wala rin naman siyang laban. Kung lalaban pa siya.

Bakit may mga tao na mahal naman sila ng mahal nila pero hindi marunong magtiwala? natanong niya sa isip niya.

"So its settled. May mga date na tayo lahat"sabi ni Jade.

.........

.................

FGS no. 1 Fascinating OneWhere stories live. Discover now