F∅24

126 3 0
                                    


"Ang ingay kagabi. Ang lakas ng ungol. Siguro may napadaang aswang na naman" sabi ni Lola Violeta.

Ang ina ng Mama ni Vernice. Matanda na ito. Maputi ang buhok at kulubot na ang balat. Pero kita sa mukha nito ang kagandahan noong dalaga ito. Matangos ang ilong, maputi at may pekas sa may ilong. May half spanish kasi ito. Ang Nanay kasi nito ay nakapag-asawa ng Spanish at iyon ang Ama ng Lola niya. Ngunit dahil malupit ito. Kaya hiniwalayan ng Nanay ng Lola niya ito.

Kasalukuyan naghahanda sila ng umagahan. Naluto na ang kanilang pagkain. Ihahain na lang.

"Ay! oo Lola. Rinig ko po. Parang hindi naman po aswang iyon" sabi ni Jade.

Halatang si Vernice ang pinaparinggan. Katabi lang kasi nito ang kwarto niya. Sinamaan niya ito ng tingin habang nag aayos ng plato. Silang mga babae ay nag aasikaso sa hapag. Ang mga lalaki ay busy sa pagsibak at pag-igib ng tubig.

"Baka naman Lola na naginip lang po kayo. Wala naman po akong narinig" sabi ni Vernice. Nakita niyang nagpipigil ng tawa si Jade kaya kinurot niya ito.

Si Knether Ann naman at Angel. Parang hindi maka-relate. Malayo kasi ang naging kwarto ng dalawa.

"Dire man. Saka uso ang aswang dito. May kapitbahay kasi tayong buntis" sabi ng Lola niya saka siya binalingan. "Apo, patawag na nga ang mga barako natin" utos nito kay Vernice at ngumiti.

Buti na lang at maayos sa Lola niya ang pag stay ng mga ito sa bahay nito.

Nagsimula na siyang maglakad upang sunduin niya sila Yuki. Busy ang mga ito. Si Yuki at Jelan ay nagsisibak ng kahoy. Si Jay-Ar at Raldjie naman ay nag-iigib ng tubig. Napakunot noo siya ng makita ang mga kababaihan na nasisiyahan sa nakikita. Pano ba naman. Mga nakahubad baro ang mga luko. Mga nakasampay ang mga suot na t-shirt sa balikat. Mga mukhang modelo ang mga ito. Ang swerte ng pawis na dumadaloy sa mga katawan nito. Ngayon lang niya napansin na lahat sila ay singkit. Kahit si Jay-Ar na pure Filipino.

"Oy! kakain na nang umagahan" sabi niya ng makalapit dito.

Ngumiti na lumapit si Yuki sa kaniya.

"Ai, punasan mo ko ng pawis" pacute na sabi ni Yuki.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"May kamay ka gamitin mo" inirapan niya ito bago talikuran.

Lalo siyang napikon sa binata. Pano yong mga babae halos maglaway na kakatingin dito. Kanina muntik pa silang mahuli. Pano hindi nagising ng mas maaga sa Lola niya.

"Huwag ka ng magalit" suyo nito at inakbayan siya.

Sinamaan niya ito ng tingin at tinanggal ang braso.

"Lumayo ka nga ang baho mo" sabi ni Vernice.

"Hindi pa kita nabubuntis, naglilihi ka na agad?" Nakangiting sabi ni Yuki.

"gagu" sabi ni Vernice at iniwan si Yuki.

★★★

"Seriously, Mamoto. Bakit natin ginawa ito? para tayong nanliligaw ah!" sabi ni Jay-Ar at nagpunas ng pawis sa katawan habang tulak ang kariton.

Maaga kasi silang nagsibak nga 5 am palang.

Naglalakad na sila at medyo malayo na ang lakad ni Vernice.

"Shonga ka rin minsan no! Jay. Nanliligaw iyan si Yuki." sabi ni Jierain at tumawa.

"Ha?!" react ni Jay. "Kailan pa?" dagdag pa nito na hindi makapaniwala.

"Ngayon" sagot ni Yuki at ngumisi ng maalala na muntik na sila mahuli ng lola ni Vernice kaninang umaga.

"Tanong? Alam ba ni Ms. Cool girl?" tanong ni Jierain at kumaway sa mga babae na nakatingin sa kanila.

"Hindi"sabi niya.

"Brad ano na bang nangyayari sayo? Ikaw pa ba yong, Yuki na kaibigan namin. Baka napalitan ka na?" Sabi ni Jay-Ar at tinatapik siya sa pisnge.

"Iba na talaga yan"sabi ni Raldjie at ngumisi. "Ganyan ka rin kay Zein" dagdag pa nito.

Napatingin ang grupo kay Raldjie. Napahawak ito sa bibig.

"Sorry" sabi nito saka nag peace sign.

Ngumiti si Yuki.

"Ayos lang, wala na naman na ang nangyari sa amin noon ni Zein"sabi ni Yuki at napatingin sa langit.

"Pero maiba tayo, may nangyari na ba sa inyo ni Zein?" sabi ni Jay-Ar.

"Ano bang mga tanungan yan? Private life na yan ni Mamoto"sabi ni Jelan kay Jay-Ar.

"Si Mr. Virgin naman"asar ni Jay-Ar.

Sinamaan ito ng tingin ni Jelan.

"Wala, saka bata pa kami noon. Alam ko na may pangarap siya sa buhay."Sabi ni Yuki at napatingin kay Vernice na nasa hagdanan ng harapan ng bahay.

"Naks, gentle man ka pala brad?" Natatawang sabi ni Jierain.

"Oo naman no, saka yong mga flings ko dati hanggang halik lang sila. Mas naka preserve yong katawan ko sa tanging mapapangasawa ko lang" sabi ni Yuki at ngumiti ng mapagawi ang tingin ni Vernice sa kaniya. Sinimangutan na naman siya nito. Kaya lalo siyang napangiti.

"Nakanang! totoo ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jay-Ar.

"Oo naman, hindi mo ako katulad na palengkero" natatawang sabi ni Yuki at tinakbo ang distansiya nila ni Vernice.

"Seryuso ba yon?" tanong ni Jay-Ar saka kumamot sa ulo.

"Oo, kahit kami"sagot ni Raldjie.

"Owss?"si Jay-Ar na hindi talaga makapaniwala.

"Oo no, sad to say ikaw na lang hindi virgin sa amin"sabi ni Jierain at tumakbo na rin nagsunuran na rin sina Raldjie at Jelan tanging si Jay-Ar na lang ang mabagal na naglalakad.

*********

"Salamat anak sa Pagtulong"sabi ni Lola Violeta.

Natapos na kasi sila sa pag kain. Namamahinga muna sila. Ang iba ay nasa labas. Si Yuki lang ang nasa terisa.

"Walang anuman po iyon, Lola"magalang na sabi ni Yuki.

"Nobyo ka ba ng Apo ko?"nakangiting tanong ni Lola Violeta.

"Hindi po"sagot ni Yuki at napatingin kay Vernice na masayang nakikipag kwentuhan. Nakaupo ang dalaga sa duyan. Habang ang iba ang iba ay naglilinis ng bakuran.

"Eh may gusto ka ba sa apo ko?"tanong ulit ng matanda.

Bumuntong hininga si Yuki.

"Meron po, kaso may boyfriend na po siya"sagot niya.

"Eh ano plano mo?"tanong nito.

"Liligawan ko po parin siya"matapat na sagot ni Yuki.

"Pinagpaalam mo na ba sa magulang ng apo ko? kasi kung seryuso ka sa apo ko. Kailangan mong magpaalam. Dahil kung totoo ang nararamdaman mo dapat kilalanin mo rin ang magulang niya. Kailangan mo humingi ng basbas, pero mas importante gusto ka rin ng apo ko"sabi ni Lola Violeta at tinapik sa balikat si Yuki. "Sige, sa kwarto muna ako"dagdag pa nito.

"Sige po"sabi ni Yuki.

"Hoy! Mr. Mamoto. Abay tumulong ka rito. Matapos mo kumain ng masarap tutunganga ka lang diyan?"sigaw ni Vernice mula sa baba.

"Opo, Ai ko. Namiss mo agad ako. Alam mo naman na sayo lang ako"sabi niya.

Inirapan siya nito kaya natawa siya.

.................

A/N:Hello guys, sorry for late update.

Guys please watch kay Sangkay JanJan sa youtube. Iyon lang.

be blessed always. Elohim loves you all.

FGS no. 1 Fascinating OneWhere stories live. Discover now