Fø 29

97 3 0
                                    

Halos three months mahigit din ang naging On the Job training nila Vernice. Buti na lang naka survive siya. Dahil being a programming student is not a joke. May time pa na pinag ayos siya ng sirang System Unit. Pinag reformat at pinag install ng Operating System. Pati pagpalit ng Wifi password at marami pang iba. Buti na lang na survive niya yon. May backround siya sa ganyan, dahil nung Senior High school student siya ayon ang course niya.

Ngayon ay finals na nila. Kaya busy ang lahat. Sa mga ipapasang requirements. Hindi na rin sila gaano nakakagala dahil sobrang hectic na talaga. Habang bitbit ni Vernice ang mga modules na inutos sa kaniya ng teacher nila. Naka salubong niya si Unique. Agad siyang tinulungan nito.

"Sana all gentle man"sabi ni Vernice.

Ngumiti lang ito.

"Musta pala kayo ng gf mo?"tanong ni Vernice.

"Ayos lang naman" sabi nito at ngumiti ng peke.

"Parang hindi naman"sabi ni Vernice.

Ngumiti lang si Unique bilang sagot ng mapadaan na sila sa corridor ng bagong building nakikita nila na may pinag-uusapan ang mga tao.

"Grabe naman siya no, hindi na nahiya"

"Walang delikadesa, kala mong walang magulang"

"Mukhang inosente, yon pala may tinatagong ka immoralan"

Sabi ng mga taong nakakasalubong ni Vernice. Biglang na curious si Vernice sa pinag uusapan ng mga ito. Nakita niya kasing nakatingin ito sa cellphone.

"Ano meron?" Tanong niya ng makalapit dito.

Nanlaki pa ang mga mata ng mga ito.

"Ah-Eh...." reakyon ng tatlong babae.

"Oh Hello there, Vernice. Did you see your porn video?" Sabi ni Nicka na bigla na lang lumilitaw.

Kasama nito ang mga Alipores na Montevier.

"Porn?" Takang tanong ni Vernice.

"Yes?" Sabi ni Nicka at lumapit kay Vernice.

"Kailan pa ako naging porn star?" Tanong ni Vernice.

Lumapit si Nicka sa mga babae kanina na may pinapanuod. At pinakita sa kaniya yong video saka tinudo yong volume. Kaya napatingin sa kanila halos lahat ng tao.

Nanlaki ang mata ni Vernice ng siya nga iyong babae. Halatang siya lang ang gustong siraan, dahil yong lalaki hindi kita ang mukha. Pero pamilyar sa kaniya ang built ng katawan nito saka boses.

"Hindi ako yan, edited lang yan!" Sabi ni Vernice. "Wala ka talagang magawang tama no?"dagdag pa niya.

Hindi niya alam kung ano mararamdaman ni Vernice ngayon.

"Burahin mo yan!" Sigaw niya rito at pilit inaagaw ang phone. Nagtagumpay naman siya at agad na binura ito bago binalik sa may ari talaga.

"Ops... Sorry ka, kalat na ito sa buong campus"nakangisi na sabi ni Nicka.

"Yeah at alam na sa itaas ang kalukuhan na ginawa mo" sabi ni Ruru.

"Pegging, pegging Ms. Nirza go to President's office ASAP!" Sabi sa speaker ng buong campus.

"Punta ka na raw sa Office ni Madam President and I can't wait to hear that you'll expel."nakangising sabi ni Nicka.

Napakuyom sa kamao si Vernice dahil sa galit. Hinawakan siya ni Unique.

"Kalma, huwag mo na sila patulan." pagpapakalma nito sa kaniya.

Kaya huminga ng malalim si Vernice.

"Sasamahan kita"sabi pa ni Unique.

FGS no. 1 Fascinating OneWhere stories live. Discover now