Kanina pa tulala na umiinom ng sunod-sunod si Yuki.
"Yuki, talaga bang seryuso ka kay Vernice. Kung hindi, huwag mo na siya guluhin" rinig niyang sabi ni Jierain.
Vernice, napangiti siya.
Nasa private room sila ng Felix club. Mas minabuti na nila na roon na mamalagi pagnandito sila sa Club, para iwas iskandalo. Maganda ang VIP room, glass ang wall kaya kita ang tao sa baba. Pero sila hindi kita ng mga tao na nasa baba.
"Saka Mamoto, iyong babae na iyon. Wala man lang sa kalingkingan ng mga nagiging babae mo. Kaya huwag mong magtuunan ng pansin" sabi ni Jay-Ar at uminom.
Wala ngayong girls silang kasama. Iyon ang sabi ni Yuki. Gusto nito na sila-sila lang. Kaya first time na walang babae na kasama si Jay-Ar.
"Mukhang hindi pang laro ang babae na yon. Kaya kung wala ka namang balak seryusuhin tigilan mo na lang siya." sabi ni Raldjie at nagsalin ng alak sa baso saka binigay kay Jierain.
Si Jelan ay tahimik lang na uminom. Naghihintay ng isasagot ni Yuki sa tanong ng mga kaibigan nila. Curious din kasi siya kung bakit gustong-gusto ni Yuki si Vernice. Knowing Yuki is a playful. Wala siyang tiwala. Pero siya aminado siyang uti-unting tinatamaan kay Vernice.
"Malaki na ang nagagawang gulo ng grupo nila Nicka kay Vernice. Halos mapahiya na si Vernice. Alam mo namang baliw iyong babae na iyon. Kaya kung ano-ano na lang ginagawa kay Vernice." sabi ni Jierain at uminom.
Uminom ulit si Yuki. Saka binalingan si Jelan.
"Ikaw may itatanong ka?" tanong niya at tinuro ng kamay habang hawak ang baso na may lamang alak.
Malamig siyang tinignan ni Jelan. Bago nag salita.
"Kung balak mo lang paglaruan si Nice. Huwag mo ng ituloy. Dahil hindi kita hahayaan na saktan mo siya" seryuso na sabi ni Jelan saka tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jierain. Sinundan nila ito ng tingin, maliban kay Yuki na nakatitig sa baso na may lamang alak.
Hindi nagsalita si Jelan at basta na lang itong lumabas ng kwarto. Kaya napatingin sila kay Yuki.
"Ano pre? seryuso ka nga ba? aba'y sumagot ka. Hindi pwedeng magkaaway kayo ni Jelan ng dahil lang sa babae na iyan. Saka kaya ka namin tinanong, dahil hindi kami naniniwala na tinamaan ka sa babae na yon. Sa dami ng dumaan na babae sayo na maganda. Mga may breed pa" sabi ni Jay-Ar at tumungga ng alak na nasa bote.
"Breed? ano yun hayop?" natatawa na sabi ni Raldjie na medyo na mumula na.
"Pero ito, yes or no lang sagot mo" sabi ni Jierain at hinawakan sa balikat si Yuki na nakasandal sa sofa. Nakapikit ito at halatang lasing na, dahil namumula ang pisnge nito at ilong.
"Are you in love with Vernice?" seryusong tanong ni Jierain.
Tumayo si Yuki. Muntik pang matumaba. Kaya inalalayan ni Rald. Suminok si Yuki. Bago nagsalita.
"Sa totoo lang* hik, hindi ko alam*!"panimula na sabi niya at tumawa. "Lagi ko siyang naiisip*hik, lagi siya ang laging nakikita ko*hik, hindi buo ang araw ko*hik pag hindi ko siya nakikita. Gusto ko lagi ko siyang kasama*hik. Ayaw ko na may didikit sa kaniyang ibang lalaki*, dahil akin lang siya*hik. Gusto ko lagi makita ang ngiti niya*hik. Kahit anong expression ng mukha niya*hik ay maganda siya sa paningin ko" sabi ni Yuki habang na-imagine ang mukha ng dalaga. Nauupo na siya ay inalalayang umupo ni Jierain.
Naiiling si Jay-Ar.
"Wala na ito, mukhang malakas na tama" sabi ni Jay-Ar.
"Oy!" tinapik ni Jierain ang mukha ni Yuki na nakapikit. "Hindi mo na sasagot tanong namin" sabi ni Jierain.
"Tapos*hik, gusto ko siyang angkinin*hik. Marinig ko lang boses niya*hik. Grabe tinatayuan ako*hik. Saludo agad si Manoy" tumawa si Yuki.
"Seryuso Tol?" natatawang tanong ni Jierain.
Tumango si Yuki at ngumiti.
"I miss her shit!" sabi ni Yuki.
Ilang days palang hindi niya nahahawakan ito. Nakikita niya kasi ito sa school. Papalapit palang siya ay lumalayo na ito. Ginawan rin nya ng paraan para huwag ma-kick out ito. Saka mas pinili na muna niya na tignan ito sa malayo. Palamigin ang ulo, saka siya lalapit. Baka pagnagpatuloy siya lalong lumayo sa kaniya ito. Si Vernice kasi ang tipo ng babae na hindi basta-basta mahahawakan sa leeg.
"Wala na, bulagta na!" natatawang sabi ni Raldjie.
"Tinamaan talag iyan sa babaeng matapang na iyon. Hindi naman maglalasing ng ganyan iyan kung hindi diba?" nakangisi na sabi ni Jay-Ar.
"Yeah" sagot ni Jierain at uminom ng alak.
Ngayon na lang nila nakitang naglasing si Yuki ng dahil sa babae. Minsan na rin tinamaan ng pag-ibig si Yuki at alam ni Jierain iyon kung paano ito mag-mahal. Kaso sadyang nilayo sa kaniya ng tadhana ang babae na iyon. Kaya naging mapaglaro sa babae ang matalik niyang kaibigan. Ngayon, nakikita na naman niya ang Yuki noon ng dahil sa simpleng babae na may dimple.
Dimple, ano bang meron ka at dalawang kaibigan ko ang binihag mo. Wala ka namang ginawa para makuha mo ang atensiyon nila... at atensiyon ko. napailing siya sa na iisip.
"Jierain, kayo na mag-uwi kay Yuki ah!" sabi ni Jay-Ar at tumayo.
Lahat sila ay lasing na, dahil alas Seite palang nagsimula na silang uminom.
"O? eh saan ka pupunta?" tanong ni Raldjie.
"Maghahanap ng chicks na free" nakangisi na sabi ni Jay-Ar saka lumabas ng kwarto.
"So tara, Jie. Inaantok na rin ako. Kaya hatid na natin si Yuki" sabi ni Raldjie at nilagay na ang braso ni Yuki sa balikat nito upang buhatin.
Humilamos ang kamay ni Jierain sa mukha bago tumayo.
"Saan natin dadalhin? sa Condo or Masion nila?" tanong ni Jierain at tumulong sa pag-alalay kay Yuki.
"Sa Condo na lang. Alam mo naman na ayaw ni Lola na nakikitang lasing iyan si Yuki" sabi ni Raldjie.
......
Pagdating sa Condo. Binuksan ni Raldjie ang switch ng ilaw ng kwarto at pinagtulungan nila na ihiga si Yuki.
"Grabe ang bigat!" reklamo ni Raldjie at hinilot ang balikat.
Narinig nila ang pagtunog ng phone ni Yuki. Kaya automatic na tumayo si Yuki at hinanap ang cellphone. Nakapikit pa ito habang naghahanap.
"Nasa bulsa mo" sabi ni Jierain.
"Sira ulo ka talaga Yuki! nagpabuhat ka pa sa amin. Gising ka naman pala!" sabi ni Raldjie at hinampas ng unan si Yuki.
"Text pala" nakangiti na sabi ni Yuki. Habang tinitignan ang text.
"Sino iyan?" tanong ni Jierain at lumapit oara tignan ang katext ni Yuki.
Agad itong nilayo ni Yuki at sinamaan ng tingin si Jierain.
"Umuwi na nga kayo!" sabi ni Yuki at humiga sa kama saka sila tinalikuran.
"Wala talagang utang na loob ito eh!" naiiling na sabi ni Jierain.
"Umalis na nga kayo!" sabi ni Yuki habang nakatalikod.
Naiiling lang si Raldjie at nauna ng lumabas. Sumunod din si Jierain. Naiwan na lang si Yuki na nakangiti habang nagte-text. Tumayo siya at nagpunta sa Terrice. Biglang nawala ang lasing niya.
"Shit! kinikilig ako" sabi ni Yuki at umupo sa upuan. Napatingala siya sa maraming stars.
.........
A/N: Hello guys hehe.
YOU ARE READING
FGS no. 1 Fascinating One
RomanceThis not suitable for young reader. Some places, events and names is base on true story of the author. Plagiarism is a crime.