Epilogue

117 7 0
                                    

Sa lumipas na mga taon naging maayos na rin ang situwasyon nila ni Vernice. May pagtatalo pa ring  nagaganap. Tampuhan at hindi pagkakaintindihan. Kasama naman ito sa buhay mag-asawa. Hininto niya ang pagsusundalo. Simula ng magkaanak sila ni Vernice. Nakapagpundar ng bahay, kotse, lupa at iba pa. Mas pinili rin nila na rito sa Resort manirahan. Dahil sarili ang hangin at walang gaanong polusyon. Mas pinili rin manatili ng magulang ni Vernice sa Bulacan. Kahit gusto niya na isama ang mga ito sa resort. Nang maging anak nila si Yahya saka binawian ng buhay ang lola ni Vernice. Masayang-masaya ito para sa kanila. Dahil sila ang kinasal. Bago ito pumanaw nagbilin pa ito na huwag pababayaan ang apo. At tutuparin niya ang pangako rito.

"Anong tinutunganga mo r'yan, Mamoto hane?"tanong ni Vernice bitbit nito ang bunsong anak nila na babae.

Kapapanganak lang din nito kahapon. Buti na lang at maayos itong nakapanganak sa pang apat nilang anak. Una nilang anak ay si Yahel ito ay lalake. Ngayon ay labing limang taong gulang na. Sumunod naman si Yahya ito ay babae. Ito naman ay siyam na taong gulang. Sumunod naman ay kambal si Veda at Vada , si Veda ay babae at si Vada  naman ay lalake.

Ngumiti siya sa asawa at hinalikan ito sa pisnge. Buhat niya si Vada. Tulog na tulog ito.

"Buti na lang sumugal ako"sabi ni Yuki.

"Oo, buti rin hindi na tumutol ang lola mo sa atin"sabi ni Vernice at nilagay sa kama ang mga anak na natutulog.

Alas siyete na rin ng gabi. Tapos na rin sila mag haponan. Umupo rin siya sa edge ng kama. Lumuhod si Yuki sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya.

"Salamat sa pagtanggap at pagbago sa akin, Ai"sabi ni Yuki at hinalikan ang kamay ni Vernice.

"Yuki, ikaw ang may kagustuhan na magbago sa sarili mo. Salamat din at naging matino ka no"sabi ni Vernice at pinanggigilan siya sa pisnge.

"Mahal na mahal kita, Ai"sabi ni Yuki at inabot ang pisnge ng asawa saka marahang hinalikan.

"Mahal na mahal din kita"sabi ni Vernice. "Salamat, kasi tinuruan mo akong magmahal. Hindi ko alam iyong pakiramdam ng ganito. Pinakilala mo sa akin iyong ibang side ng pagkatao ko. Nabuhay ako noon na pamilya at kaibigan ko lang ang iniintindi ko. Siguro wala ngang perpektong tao. Lahat tayo nagkakamali, nagkakasala at may flaws. Pero pag totoonf pagmamahal ang kumilos walang makakahadlang. Kung dumating man iyong panahon na pagtanda natin. Lumaki na ang mga anak natin. Sana tayo pa rin"mahabang sabi nito na medyo naluluha.

"Ai, ikaw dapat ang pasalamatan ko. Binago mo lahat ng paniniwala ko sa buhay. Akala ko lahat kaya kong makuha. Pero well, nakuha nga kita"biro niya. Kinurot siya nito sa braso. Kaya tumawa siya.

"Wala eh, Marupok ako sayo"sabi ni Vernice.

"Ako rin naman"sabi ni Yuki. "Pero, Ai. Kung dumating man iyong panahon na mawawala na tayo. Sana ako ang mauna"dagdag niya.

"Anong ikaw!"bahagya siya nitong sinabunutan.

"Seryuso, hindi ko kakayanin na mauna ka para na rin akong namatay non pag nawala ka"sabi ni Yuki at medyo naluluha.

Maya-maya narinig nila ang bahagyang pagbukas ng pintuan. Nakita nila ang panganay nilang anak. Naka padjama na ito at t-shirt.

"Hay nako sila Mama at Papa, nag drama na naman"sabi ni Yahel. May dala itong gatas.

"Ma!!!"rinig nilang iyak ni Yahya. Naka ternong pantulog ito. Bitbit pa nito ang bear.

"Wag ka nga maingay, natutulog na ang kambal"saway ni Yahel dito.

"Pa, nanaginip ako"sumbong ni Yahya ng makalapit ito sa puwesto nila.

"Ano panaginip mo?"tanong ni Yuki at hinaplos ang buhok nito.

"Monster po"humihikbing sumbong nito.

Mas kamukha ni Yuki si Yahya sa mga anak niya. Si Yahel naman ang kamukha ni Vernice ngunit nakuha nito ang height ng ama. Ang kambal halo ang itsura nito.

"Ma, gatas mo po"sabi ni Yahel at inabot sa kaniya. Lagi nitong ginagawa na ipagtimpla siya ng gatas tuwing gabi.

"Salamat, anak"sabi ni Vernice.

"Ma, pwede ba dito kami matulog ni Yahya?"sabi ni Yahel at umupo sa tabi ni Vernice.

"Bakit?"tanong niya rito at sinuklay ang medyo magulong buhok.

"May mumu sa kwarto namin"sabi ni Yahya.

"Totoo ba yon?"tanong ni Vernice kay Yahel.

"Oo, Ma. May madalas kumakaluskos sa bintana"sabi ni Yahel.

"O siya, Mamoto. Samahan mo na sila kumuha ng poom, unan at kumot. Dito  na sila matulog"sabi ni Vernice.

"Thank you, Mama"sabi ni Yahel at yumakap sa kaniya. Bago sinamahan ang ama.

"Ma, napanaginipan kita. Kukunin ka raw ng monster. Kayo nila babies, tapos si Papa gusto rin siyang patayin. Si Kuya kinuha nung monster"sumbong ni Yahya sa kaniya.

"Huwag mo na isipin iyon ah. Isipin mo, strong si Mama at Papa pati si Kuya. Kaya natin gapiin ang monster na iyon"sabi ni Vernice.

"Opo, Mama"sabi ni Yahya at pinunasan ang luha sa pisnge. "Hindi ako papayag na kunin kayo ng Monster po"dagdag nito.

"Yong kumakalukos sa bintana. Sanga ng puno ng mangga"sabi ni Yuki ng makapasok sila ng kwarto.

"Eh Pa, nakikita ko minsan may ulo ng tao"sabi ni Yahel.

"Opo, Pa. Kahit ako nakikita ko iyon"sabi ni Yahya.

"Minsan mga anak, likha lamang ng utak natin ang naririnig at nakikita. Kung iyon ang iisipin mo. Iyon ang makikita mo."sabi ni Yuki.

"Oo anak, kadalasan mga anak tayo ang gumagawa ng ikakatakot natin. Saka huwag kayo mag alala. Hanggat nabubuhay kami ni Papa mo. Walang makakapanakit sa inyo"sabi ni Vernice at niyakap ang mga anak.

"Opo, Mama."sabi ni Yahel.

"Ma, pwede bang dito na lang kami lagi-lagi matulog"sabi ni Yahya habang tinutulungan mag latag ang ama.

"Anak, kailangan ninyo matuto matulog  ng hindi na kami katabi. Kasi anak hindi habang buhay na magkakasama tayo. Darating iyong panahon na lilipat din kayo ng bahay"sabi ni Vernice sa mga ito.

"Pero, Ma. Matagal pa naman po iyon"sabi ni Yahel.

"Oo nga, pero mas ok na masanay na kayo"sabi ni Vernice.

"Basta Mama at Papa. Pag dalaga na ako dito pa rin ako titira"sabi ni Yahya.

"Oo naman anak, saka bawal ka muna agad mag boyfriend. Mag aral muna ng mabuti at magtapos"sabi ni Yuki.

"Ma, pwede ka po ba magkwento ulit ng love story ninyo ni Papa?"sabi ni Yahel.

Nagkatinginan silang mag asawa.

"Sige, pagkatapos ah. Matulog na kayo"sabi ni Vernice.

"Opo"sabi ng dalawa.

Lumipas man ang mga taon. Hindi pa rin magsasawa na balikan ni Yuki. Kung paano sila nagkakilala ni Vernice. At kung paano nagsimula ang kanilang pag iibigan.

FGS no. 1 Fascinating OneWhere stories live. Discover now