"Dzai, may mga dadayo raw na sundalo mamaya sa sayawan kila Ka Anita" rinig ni Vernice na sabi ng isang dalaga.
Kasalukuyang nag wawalis siya. Nag side line mo na siya sa pagwawalis dito sa Tacloban City Family Park. Kasalukuyang maraming pamilya, magkakaibigan, mga bata ang nandito. Maganda naman kasi tumambay rito. Dahil tabing dagat. Sariwa ang hangin ay may mga puno.
Naupo mo na siya dahil sa pagod.
"At ang popogi"sabi nito.
"Baka makahanap na tayo ng sugar daddy"sabi ng isa.
Napaismid bigla si Vernice sa narinig.
"Sugar daddy?"takang tanong ng isa.
"Oo, day. Iyong magbibigay ng kwarta sayo."sabi nung isa.
"Bakit matatanda ba mga dadayo na sundalo?"tanong nung isa.
"Malay natin diba?"sabi nito.
Pansin ni Vernice na maayos magsalita ng tagalog itong mga dalaga. Mukhang dayo lang din tulad niya.
"Kitaa iton hira mga Bata pa iton. May sugar daddy na naaadman"Tignan mo kay babata pa ng mga iyan. May sugar daddy na nalalaman)sabi ng Tita Melissa niya.
"Oo nga po. Diba Tita malapit sa atin bahay nila Aleng Anita?"tanong niya.
"Oo, pamangkin. Sa harapan lang ng bahay natin"sagot ng tita niya.
"Ah iyong may malawak na bakuran?"tanong niya.
" Oo, Kay maaram kaman. May anak na sundalo adto. Bertdey it iya anak. Kaya may Ada pasayaw"(Oo, at alam mo naman. May anak na sundalo iyon. Bertdey ng anak non. Kaya may pasayaw)sabi ni Melissa."Tiyak na maaringasa na Naman iton. Waray katapusan an pagsayaw han cha-cha" (Tiyak na maingay na naman iyan. Walang katapusan na waray-waray cha-cha)dagdag nito.
Natawa siya. Kahit kasi sa Bulacan. May sumasayaw ng waray-waray cha-cha.
Pagsapit ng alas singko ng hapon. Nakauwi na rin sila Vernice sa bahay ng lola niya. Wala ito sa bahay nila. Dahil dumalaw sa kamag anak sa kabilang Bario. Kaya ngayong gabi. Siya lang mag-isa sa bahay nito. Ang mga tita niya kasi malayo ang bahay sa bahay ng lola niya. Nasa teresa siya at napansin nga niya na may mga nag datingang sundalo. Hindi man ito naka uniform. Pero halata mo sa mga tekas nito. Siguro mga kinse na sundalo ang kasama ng anak ni Ka Anita.
Nakangalung baba si Vernice. Habang tinatanaw ang mga ito na isa-isang pumasok sa bakuran ni Aleng Anita. Napansin din niya na nandoon din ang mga dalaga na nakita nila sa park. Nakita niyang lumabas ng gate si Bekbek. Iyong bata na may birthday.
"Ate V"sigaw nito ng matanawan siya sa teresa.
Ngumiti siya rito.
"Baba ka. Punta ka sa amin" sabi nito.
Hindi na siya nagmatigas. Wala rin naman siyang ginagawa. Ayaw pa rin naman niya matulog kaya bumaba na siya. Nang makalapit sa batang lalaki. Hinawakan nito ang kamay niya. Hindi na rin niya naisipang magpalit ng damit. Naka hoodie at nakashort siyang maigsi. Tapos naka pony tail ang buhok niya na pa messy.
"Happy birthday pala"sabi niya rito.
"Salamat, Ate V"sabi nito.
Nailang siya ng makitang medyo marami rin ang bisita. Hila siya ni Bekbek papunta sa mga pagkain.
"Oh Vernice,Kana, pangaon kita"( Tara, kain tayo) sabi ni Aling Anita.
Ngumiti siya. At nagsandok ng kakainin. Kunti lang ang kinuha niya dahil busog din siya. Wala rin naman kasi siyang balak makipunta rito. Akala niya kasi nakalimutan na ni Bekbek na imbitahan siya.
YOU ARE READING
FGS no. 1 Fascinating One
عاطفيةThis not suitable for young reader. Some places, events and names is base on true story of the author. Plagiarism is a crime.