"Kaya mo naman kaya na humingi ng sorry?"sabi ni Jierain. Habang inaayos ang buhok.
"Kailangan kong kayanin. Namimiss ko na siya"sabi ni Yuki at inaayos ang suot.
"Tama iyang gagawin mo. Dahil hindi ka dapat maging mapride pag mahal mo ang isang tao"sabi ni Jierain.
"Saan pala sila?"tanong ni Yuki.
"Nauna na"sabi ni Raldjie na nagsusuot ng sapatos.
"Hu! tara na. Excited na akong makita ang Ai ko" nakangiting sabi ni Yuki at nilisan nila ang condo.
Ang bilis ng araw, buwan at taon. Ilang araw na lang magtatapos na sila sa kolehiyo. Kaya ang saya ng pakiramdam nila.
Today is the graduation ball. The theme of clothes for men and women are Historical. May mga mascara pa na terno sa mga suot. Mukhang maharlikang kasiyahan ang napuntahan nila, dahil sa ganda ng mga palamuti. Mula sa mga kurtina, lamesa, upuan at mga give aways. Mukha bumalik sa nakaraan.
"Wow ang ganda natin" sabi ni Jade.
"Anong atin? kami lang. Ang sayo ay gwapo" sabi ni Vernice.
Sumimangot si Jade. Nakasuot ito ng Renaissance Medieval Noble shirt and vest set(chevailer). Nagmukhang knight si Jade sa suot niya.
"Ikaw naman nagmukha kang queen" sabi ni Jade kay Angel.
Angel is wearing a Princess Quenn Elizabeth Victorian Rocco Baroque 18th.
Ang haba diba?
"Ako ba?" si Knether Ann.
Knether Ann is wearing a Dark Blue Marie Antonette ball gown dress.
"Mukha tayong maharlika" nakangiting sabi ni Vernice.
"Lalo ka na, nagmukha kang princess" sabi ni Angel.
Vernice wearing a Rocco Peach Historical Dress. Bumagay sa kaniya ang suot dahil morena ang kulay nito.
"My goshhhh!!!" tili ni Angel at Jade.
Nag join force pa sila. Kaya bingaw ang tenga ni Vernice. Hindi na lang sila inintindi ni Vernice at nagsimula na lang kumain. Nagugutom na kasi siya. Nilibot niya rin ang paningin. Hinahanap niya kasi si Yuki. Mukhang wala pa siya. Kaya ang lungkot ni Vernice. Sa mga days na lagi silang nakakasama. Napatunayan niya sa sarili. She like him. No, She love him.
"Ano??"niyugyog kasi nila si Vernice.
"Gosh ang pogi!!!" si Knether Ann.
"Sino naman?" sabi ni Vernice at uminom ng tubig.
Pinagmasdan niya ang binata pag pasok ng bulwagan. Nakasuot siya ng Vintage Prince Suits Fancy European Rocco Baroque. Nagmukha siyang maharlikang Principe. Ang gwapo niya. Makalaglag panty bess...
"Hala! sayo siya nakatingin" sabi ni Angel.
Naglakad siya papalapit sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay at hinalikan sa likod ng palad. Agaw pansin din sila.
"Can we talk?" malambing na sabi niya.
Hindi alam ni Vernice bakit siya tumango. Dinala siya sa garden. May fountain doon na napapalibutan ng iba't ibang bulaklak. Maliwanag din ang paligid, dahil may iba't ibang kulay ng ilaw.
"Read the sticky note"
Buti na lang lagi niyang dala iyon. Nasa wallet niya lang. Hindi niya talaga binasa. Sinabi kasi ng binata kaya dapat hindi basahin. Dahan dahang binuksan. Kumabog ng malakas ang dibdib niya.
"I-I love you, Ai ko" basa niya.
"I love you too" sabi ni Yuki.
Nag-angat siya ng tingin sa kaniya.
Tinanggal nito ang mask at hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Alam kong mahirap paniwalaan ito, pero unang kita ko palang sayo minahal na kita. Simpleng ngiti mo lang ang bumubuo ng bawat araw ko. Gusto ko iyong pagsimangot mo kasi ang ganda mo sa paningin ko. Wala ka man make-up sa mukha. Kahit hindi maayos ang buhok. Nakasuot ka man ng mga panlalaki na damit. Sobrang ganda mo. Every time I see you talking with some guys, nagseselos ako. Dahil gusto ko akin ka lang. Kaya hindi ko mapigilan na halikan ka kahit may ibang makakakita. Paraan ko lang iyon para alam nila kung sino ang nagmamay-ari sayo. I know na alam mong playboy ako, but I tried my best para mag stick sayo. Kahit hindi pa tayo. Palagi kitang iniisip at napapanaginipan. Hindi ako mapakali kapag hindi kita nakikita. Stalker na kung stalker. I'll always follow you every where you go. Ganoon ako ka baliw sayo. Noong una, parang trip ko lang na asarin ka, pero kalaunan nagising na lang ako isang araw na mahal na kita" hinaplos niya ang mga pisnge ng dalaga."Kaya ng nakikita ko na laging lumalapit sayo si Aris. Nag iinit ang dugo ko."dagdag pa nito.
Hindi alam ni Vernice kung anong mararamdaman niya ngayon parang sasabog sa tuwa, dahil sa mga nalaman.
"Please, talk to me, Ai ko" sabi niya at hinapit ako sa bewang saka hinalikan sa noo. "Don't scare me, ngayon lang ako nagkaganto." dagdag niya at hinawakan ang mga pisnge ko.
"Ahmm.. Una palang ayaw na kita." huminga siya."Ayaw ko sa tipo mo, kasi heart breaker ka. Saka hindi ikaw iyong tipo ng lalaki na magseseryuso sa katulad ko. Una palang pinipigilan ko na ang puso ko. Ayaw kong mahulog kasi baka hindi mo ko sapuhin. Alam ko na nagpapa-fall ka lang. Kaya hindi kita pinapansin. Naiinis ako sa mga babae na umaaligid sayo. Tapos tuwang tuwa ka pa." natawa siya bigla.
"Akala mo ikaw lang ang nag-iisip. Iniisip rin kita araw-araw. Ikaw lang ang laman ng isip at puso ko. Hindi buo ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang tinig mo. Iyang chinito mong mata ang nakakuha ng atensiyon ko. Ang mga magandang ngiti mo naman ang nagpahulog sa puso ko" sabi ni Vernice habang humihikbi.
"Kaya ng ilang days mo akong hindi kinausap. Sobra kong namiss iyong pangungulit mo sa akin"dagdag pa niya.
Hindi siya malungkot. Tears of joy.
"Mahal mo rin ako?" kagat labi na sabi ni Yuki.
"Oo, gago ka ba? Papayag ba akong hawakan mo ako kung hindi."sabi ni Vernice.
Ngumiti si Yuki ng sobrang tamis.
Hindi na nagpigil si Vernice. Hinila niya ang damit nito pababa para maabot ang labi nito. Naramdaman niya na hinapit siya sa bewang palapit dito. Sobrang saya sa pakiramdam. Roller coaster of emotion. Ang nararamdaman nila ngayon.
"So, tayo na ulit?" kagat labi na sabi ni Yuki.
Halata ang saya sa chinto niyang mata.
"Ano pa bang tingin mo?"sabi ni Vernice at tumingala sa langit.
Naiilang kasi siya sa binata.
"Talaga?!" paninigurado nito.
Tumango at kumagat labi ang dalaga. Nagulat pa ng buhatin siya na pa-bridal. Tumakbo ito at pumasok sila sa loob ng party.
" Yessss, kami na ulit ng Ai ko!!" sigaw nito at inikot siya.
Kaya pinatunog ng mga tao ang kanilang mga kutsara sa kanilang mga kupita. Kasabay ng masigabong palakpakan.
Binaba niya si Vernice at hinawakan ang kamay. Hinalikan niya ang ilong nito. Kaya napapikit ang dalaga.
"I love you, Ai ko"
"I love you too, Mr. Mamoto."
...............
A/N: Guys binago ko po yong sa teaser ah. Ito rin iyon.😊
YOU ARE READING
FGS no. 1 Fascinating One
RomanceThis not suitable for young reader. Some places, events and names is base on true story of the author. Plagiarism is a crime.