F∅ 15

128 5 0
                                    

Bored na bored si Vernice habang nag vote. Wala naman siyang paki sa mga candidated for SSG officers. Basta kung sino lang mabilugan niya. Hindi na kasi sila Jelan tumakbo dahil last term na nila sa SSG. Graduating student na kasi ang mga ito.

"Sino binuto mo?" tanong ni Jade.

Katatapos lang ng voting. Magkakaiba sila ng prento ng pagbubutuhan. Ngayon lang natapos si Vernice.

"Hindi ko alam" sagot ni Vernice at sumipsip sa chocolate shake.

"Panong hindi mo alam? may names yon diba?" sabi ni Jade.

Natawa si Knether Ann at Angel.

"Alam mo naman na walang pakialam iyan si Vernice basta connected sa politika" sabi ni Knether Ann at uminom ng mango graham shake.

"Hi!!" sabi ni Alfrenzen. Saka nakiupo sa kanila.

"Hello, Mr. Clark ng Mamoto University" sabi ni Jade.

"What brought you here?" tanong ni Angel.

"Guys, kaibigan ko siya. Sa inyo na lang kung gusto nyo rin siya maging kaibigan" sabi ni Vernice.

"Why not?" sabi ni Knether Ann. "Mukha naman siyang mabait!" dagdag pa nito.

"Pegging! Pegging! Ms. Nirza. Go to President's office!" sabi ng announcer. Maririnig ito sa mga radio sa loob ng campus.

"Ikaw yon Vernice?" sabi ni Angel.

"Oo" tumayo si Vernice.

"Tara, samahan ka namin" sabi ni Jade.

"Ikaw?" sabi ni Angel kay Alfrenzen.

Tumango ito. Medyo mahiyain talaga si Alfrenzen.

Sumakay sila ng Elevator na pwede sa mga student na karaniwan lang.

"Yayamanin talaga ang school natin" sabi ni Jade.

Bawat pasilyo ay may litrato ng mga nangyayari sa school na events. Mga Dean lister at mga administrators. May guard na bantay sa pinto.

"Si Ms. Nirza lang ang pwede pumasok" sabi ng guard.

Kaya naiwan sa labas ang mga kaibigan niya. Pumasok siya sa loob. Sobrang lamig dahil sa aircon. May mga malalaking kurtinang pula at gold ang tahi na may design. Nakatalikod ang upuan nakaharap ito sa magandang tanawin.

"Sit" utos ng Mrs. President at hinarap ang upuan.

Umupo naman si Vernice sa visitors sit na malapit sa mesa ng President.

"Bakit nyo po ako pinapunta?" tanong niya.

"Stay away from my grandson. You are not good for him" diretsong sabi nito. Nabigla siya sa sinasabi nito.

"Matagal ko na pong ginawa. Yong apo ninyo ang pagsabihan ninyo at ang kulit" sabi ni Vernice.

Totoo naman iyon. Si Yuki lang naman ang makulit na nagpapansin at lapit ng lapit sa kaniya eh.

"Try hard!" pigil galit ng matanda.

"Ginagawa ko na nga po ang lahat siya ang makulit at bigla na lang nang hahalik!!" inis na sabi ni Vernice.

Yes pag may time na mag isa siya. Biglang lilitaw si Yuki at magnanakaw ng halik sa kaniya.

"Halik? ikaw? ni wala ka sa standard ng babaeng kinabaliwan niya noon" natawa pa ang matanda.

.......★★★......

"Hello, Mamoto! late ka na naman!" sabi ni Jay-Ar nasa basketball court sila. May practice dahil malapit na ang Intramurals. Katatapos lang nila mag midterm.

"Nakita ninyo ba ang Ai ko?" tanong ni Yuki.

"Ai mo?" sabay na sabi ni Raldjie at Jierain.

"Oo, si Vernice. I want to kiss her so bad" sabi ni Yuki. Hindi na kasi siya mabubuhay ng hindi ito nahahalikan.

"Yong totoo brad? nakain mo na ba siya?" natatawang sabi ni Jay-Ar at tinapik si Yuki.

"Bibig mo!" saway ni Jelan.

Nagtaas ng kamay si Jay-Ar.

"Si Mr. Virgin naman!" asar na sabi Jay-Ar at ngumisi.

"Hindi pa!" ngisi ni Yuki.

"Aba may balak!" sabi ni Raldjie.

"Yuki, tingin ko nasa office siya ni Grandma" sabi ni Jierain.

"Grandma? bakit may nangyari na naman bang gulo?" tanong ni Yuki.

"Wala naman, hindi rin namin alam bakit siya pinatawag" sabi ni Jierain.

"Sige, pupuntahan ko lang. Baka kung ano sabihin ng matanda na iyon!" sabi ni Yuki at tumakbo.

"Kita mo iyong tao na yon. Walang galang sa lola niya" sabi ni Jay-Ar at pinatalbog ang bola.

"Hindi mo rin masisi si Yuki. Kaya siya ganyan ngayon" sabi ni Raldjie.

"Sabagay, we knew naman how grandma treat him diba?" sabi ni Jierain.

.......★★★......

Nag madaling sumakay sa private Elevator si Yuki. Pagbukas niya sa floor ng President office. Nakita niya ang mga kaibigan ni Vernice na nakaupos sa labas ng pinto.

"Hello fafa Yuki!" sabay na bati ni Angel at Jade.

"Where's my Ai?" tanong niya.

"Nasa loob kinakausap ni Madam President" sabi ni Knether Ann.

Hinarang si Yuki ng guard.

"Sensei, hindi po kayo pwede pumasok." sabi nito.

"Papasok ako sa ayaw at gusto mo" sabi ni Yuki at dire-diretsong pumasok.

.......★★★......

Tumayo si Vernice.

"Due respect, Madam President. Walang patutunguhan ang usapan na ito. Yong apo ninyo ang kausapin ninyo. Huwag ako. Ako alam ko ang lugar ko rito. Pero yong apo nyo matigas ang ulo at hindi makaintindi na hindi ko siya gusto" malamig na sabi ni Vernice.

"Hindi mo siya gusto?" hindi makapaniwala na sabi ni Grandma Presita. At nakita ang apo na nakatayo sa may pintuan.

"Yes po, kahit tanong nyo pa sa mga tao rito" sabi ni Vernice.

"Ohhh!" sabi ni Grandma Presita at napahawak sa baba. "Good to hear that but there's someone behind you want to erupt like a volcanic" dagdag ng matanda.

Napalingon siya at nakita si Yuki na matalim siyang tinitigan.

"Madam, aalis na po ako" sabi niya at nagbow.

Naglakad si Vernice at nilagpasan si Yuki. Kaso paglabas nila sa office. Hinawakan siya nito sa braso at hinila palayo sa mga tao. Sumakay sila parehas sa private Elevator. Papuntang rooftop.

"Oy! bawal ako rito!" reklamo ni Vernice.

"Wala silang magagawa pag ako ang kasama mo" seryusong sabi ni Yuki.

"Angas mo rin no?" sabi ni Vernice at lumayo kay Yuki. Kaso nagulat siya ng hinalahin siya nito at hawakan ang kamay niya ng mahigpit.

"Huwag kang lalayo" seryuso na sabi nito.

"Wow? tingin mo makakalayo ako?" sarcastic na sabi ni Vernice.

"Oo, kahit anong higpit ng hawak ko sayo. Lagi ka naman nakakawala sa hawak ko" sabi ni Yuki.

Natawa si Vernice.

"Wow? hugot!" sabi ni Vernice.

Napatingin sa kaniya si Yuki. Nginitian siya nito.

"Ngayon ka lang tumawa ng dahil sa akin" sabi ni Yuki.

.......

FGS no. 1 Fascinating OneWhere stories live. Discover now