Trisha
Eight years. A perfect picture for a good family. A home where hugs last a lifetime and love knows no end. A love that holds things together, the oil that reduces friction, and the harmony that balances the relationship of our marriage.
Nakakatawa. Nakakaiyak. Nakakagalit.
Ang matagal kong pinapangarap na pamilya ay nasira lamang ng dahil sa isang pagkukulang. A miscarriage that led to our annulment. An incident that led to the tipping point for our already troubled marriage, the beginning of the end of our eight years of relationship.
Ang tagal kong iningatan ang walong taong pagsasama namin pero napunta pa rin sa wala ang lahat. I'm just fooling myself around. I'm just too in love with him to think that it's driving me crazy even if it hurts.
Parang ang dali lang sa kanyang iwanan ang mga taong pinagsamahan namin. Binalewala niya ang mga masasayang panahong kami ay nagkasama.
Lagi na lang siyang umuuwing lasing sa gabi at minsan hindi na talaga umuuwi sa bahay. Nababalitaan ko na lang sa mga katrabaho niyang nambababae na pala siya.
I got mad at him pero pinatawad ko siya dahil sobra ko siyang mahal.
Isa lamang akong nagpapakatanga na asawa ng dahil sa pag-ibig.
Sa buhay natin wala yatang hindi nagiging tanga sa larangan ng pag-ibig, ganun talaga minsan ang pag-ibig.
Nagmamahal ka kahit hindi ka mahal. Nagbibigay ka ng walang hinihinging kapalit. Nagiging mahina ka kahit malakas ka pa. Lumalaban ka kahit alam mong talo ka na.
Isa ako sa mga nagpapakamartir na kahit ilang beses pa ako lokohin ay handa pa rin siyang patawarin. Nang dahil sa pagmamahal, halos kainin ko na ang sariling pride at nagiging katangahan na iyon
"L-livrin? Amoy alak ka na naman ah? Naglalasing ka pa rin ba?" mahinahong tanong ko sa kanya.
"Ano bang pakialam mo?!" naiinis na singhal niya sa akin saka nagpatiunang maglakad papuntang kusina upang kumuha ng maiinom.
Muli ko siyang sinulyapan at sinundan. Ang mapagmahal kong asawa noon ay nagbago na ngayon.
Walong taon na kaming mag-asawa, sobrang saya ni Livrin nong malaman niyang magiging tatay na siya. Magkakaanak na sana kami ngunit binawi din iyon agad sa amin.
He got really furious.
Simula ng insidenteng iyon, nagbago na ang pakikitungo niya sa akin.
Livrin became cold and distant to me to the point he's emotionally unavailable in our marriage.
I feel unworthy of his love.
"Karapatan ko pa rin ang magtanong, Livrin. Responsibilidad kita bilang asawa!" bulyaw ko sa kanya at napabuntong hininga na lamang.
Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya rito.
"Responsibilad mo rin ang bigyan ako ng anak pero hindi mo maibigay. Asawa na lang kita sa papel, Trisha. Mas mabuti pang maghiwalay na tayo!"
Sa tuwing nag-aaway kaming dalawa, lagi niyang isinusumbat sa akin ang nangyaring insidente, kung bakit ako nakunan, kung bakit hindi ko na siya mabigyan ng anak.
Huli na noong malaman kong hindi na pala ako magkakaanak, barado ang aking fallopian tube na naging sanhi ng pagkabaog ko.
Ayon pa sa doktor ko, ang pagkaharang ng mga fallopian tubes ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kawalan ng kakayahan na magkaanak pa.
Pinaliwanag ko naman iyon sa kanya pero hindi niya ako pinapakinggan.
Paulit-ulit na lang akong nasasaktan at balewala lang iyon sa kanya.
"A-ano? May plano ka bang hiwalayan ako, Livrin?" nagdadalawang isip kong tanong sa kanya.
Akala ko'y tatalikuran niya ako pero sobrang nagulat ako nang halos isampal niya sa mukha ko ang isang dokumento.
It was an annulment paper.
Livrin already filed for an annulment of our marriage.
"Kung wala ng patutunguhan 'tong relasyon natin, mas mabuti pang maghiwalay na tayo!" walang emosyong tugon niya sa akin saka sinumbat-sumbatan ako sa lahat ng mga pagkukulang ko bilang asawa niya.
"B-bakit, Livrin? Hindi mona ba ako mahal?"
Bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nanghihina ang buong katawan ko habang pinapahiran ang mga luha ko.
Ganito naman ako lagi, tanging pag-iyak na lang talaga ang nagagawa ko pero ngayong gabing ito ay ang pinakamasakit sa lahat ng masakit na nangyaring pag-aaway namin.
I really thought it wasn't that serious, but it was.
Pilit ko pa ring pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko kahit pa sunod sunod itong lumalabas sa mga mata ko.
Sa bawat tahimik na pagpatak ng bawat mga luha ko; yong tipong halos mag-collapse na ako dahil ang hirap na huminga.
"Bakit, Livrin? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? May iba ka na bang mahal?"
Hanggang kailan mo ako sasaktan?
"I don't love you anymore, Trisha." Mga huling gunita niya na nagpadurog ng husto sa aking puso bago siya tuluyang umalis saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay. Pinaandar niya ito at mapait lamang akong napangiti habang pinagmamasdan siyang umalis.
"Hanggang kailan ako magpapakatanga sa'yo Livrin?"
Ayoko nang umiyak pa. Mahal na mahal kita Livrin kahit pagod na pagod na ako. Mukhang hanggang dito nalang talaga ako.
We almost knew what love was, but almost loving is never enough.
YOU ARE READING
Almost Is Never Enough | ✓
RomanceA wife seeks revenge on her cheating husband by having an affair of her own, even if it means becoming his mistress.