Sean
"Uy, saan ka nanggaling?" salubong na tanong ni Steven sa akin bungad sa pintuan.
"Pinuntahan ko ang puntod ni nanay sa sementeryo." Sambit ko at napatango lamang siya.
Tinanggal ko na muna ang suot kong itim na coat saka umupo na sa sofa at tumabi na sa kanya.
"Oo nga pala, hindi mo na nabibisita si Aunt Hilda, no?" aniya. "Aba! Mukhang iba yang mga ngiti mo ngayon Seah, ah?" dagdag pa niya.
"Yeah, I just found out something. I even met Trisha. S-she lost her mom three days ago. Hindi ko man lang nalaman."
"And?" Steven raised his eyebrows.
"Naaawa ako sa kanya," malungkot kong sambit saka niluwagan ko ang pagkakatali ng aking necktie.
"That's not good. Hindi ka dapat maawa, Sean. You know, you are up to destroy them."
"Hindi ko naman sinasabing idadamay ko si Trisha, Steven. As from what I have observed, she's really broken now. Kahit alam niyang pinagtataksilan na siya ng sariling asawa niya, pinili niya pa rin ang masaktan. She even pretended that it didn't happened." I sighed.
"Ano? Walang hiya talaga ang Livrin na iyan! Itong si Trisha naman, nagpapakamartir din." Ani Steven sa aking tabi.
"She's too stupid and being a martyr," saad ko.
Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Steven kaya napatingin sa gawi nito.
"Oh, I hate it!" iritableng sambit ni Steven pagkatingin niya sa sariling cellphone.
"Ano?" pagtaas konng kilay sa kanya.
"Mira texted, nagpapasama sa mall," aniya.
"Edi, samahan mo, it's not my problem anymore." Sagot ko naman.
"Gusto niya ring kasama ka," sambit niya sa akin at napatawa ng malakas, akala mo'y sinapian ng kung ano.
"Ang saya mo, Steven. Pati sa lovelife mo, dinadamay niyo pa ako." Sarkastikong tugon ko.
Iginala ko na lamang ang mata ko muli sa aking coat na nasa sofa upang suotin.
"Let's go," aniya.
I just yawned, nakakantok. Parang mapagkakamalan pa akong third party nito.
"Do I have a choice, Steven?"
Gusto ko lang sana matulog pero wala akong choice kundi samahan ang magaling kong kapatid. Natawa pa siya nang makita akong napahikab at nakasimangot.
"C'mon, aalis na rin naman si Mira sa susunod na mga araw." Pagbawing sagot niya.
"Fine, dami mo pang sinasabi."
Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Steven saka tumawa na lang. Pagkatapos ay nagtungo na kaagad sa labas ng bahay at saktong pinaandar na niya ang kotse niya at mabilis na pinuntahan si Mira sa mall.
Narating din namin ang sinasabing mall ni Steven. SM City Manila, hindi rin naging matagal ang naging biyahe namin.
Malayo pa lang ay nasilayan ko ang mukha ni Mira, nakangiti at halatang kanina pa nanghihintay.
"Steven!"
Boses ni Mira na parang nambubulabog. Kaagad niyang tinawag si Steven at nang makalapit na kami ay dali-dali niya itong niyakap. Well, Mira is Steven's girlfriend. Matagal na rin sila, mahigit apat na taon na rin silang magkasintahan.
"I missed you so much, Mira." Sambit ni Steven dahilan para mapaismid ako.
"Someone is being jealous," Mira chuckled.
YOU ARE READING
Almost Is Never Enough | ✓
RomanceA wife seeks revenge on her cheating husband by having an affair of her own, even if it means becoming his mistress.