CHAPTER 13

311 14 2
                                    

Ylena

One year later

"Ma'am Ylena ito na po ang coffee na inorder niyo," sambit ni Jade sa akin sabay abot ng kape saka naman ako tumayo at ngumiti sa kanya.

Jade Alcantara is my official make-up artist. She's been working for me for almost ten months. She do my hair, skin care, or nails at a very good service. She's been loyal to me since I moved in United States.

"No, thanks Jade. You need this, so kunin mo na ito at magpahinga ka muna. You can now have your day off." I said as I looked at my phone.

"Ang bait mo talaga, ma'am!" sambit naman nito.

"You deserve that," I smiled. "I better go—"

"Ylena,"

I suddenly looked behind when I heard a very familiar voice calling my name. It was Sean.

"Oh you're here, already. Sakto lang din ang dating mo, paalis na ako ih." I said but he just arched his brows and gave me an unsatisfying look.

"Sino pa bang susundo sa'yo? Ako lang naman, hindi ba?" tinatamad niyang sambit.

"Yeah, anyways, bukas na pala ang flight natin pauwing Pinas? I just received your message." Sabi ko habang sinaglitang tingin si Sean na nakangiwi.

"Kung akong tatanungin mo, ayaw ko pa talagang umuwi," mahina niyang sambit.

"We already talked about this right?"

Sean just nodded.

"Are you really sure na uuwi na tayo bukas? Handang-handa ka na ba talaga sa pagbabalik bansa mo? or should I say, handa na ba sila sa bagong ikaw na inalipusta nila noon?" nakangising tanong ni Sean sa akin.

"They'll sure be ready dahil sa pagbabalik ko, hinding-hindi sila makakatulog pa ng mahimbing. Patitirikin ko ang mga mata nila sa sakit." I let out a long chuckle.

A year passed and everything in my life has become new. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko. I suffered a lot, thrice from what I experienced back then but through Sean's help, I was able to stand up again.

I become a courageous woman who sacrifices everything for myself. A courageous woman who lives a life although I faced lot of problems but being brave, wise, and independent makes me stronger.

Sean taught me to become a sophisticated, expensive and undefeated woman. He trained me to become a fearless and fiercely one, Ylena Lufranco.

I become the top-tier model in the United States. I even managed a company under my name at Ylena's Dress and Doll Boutique where I sell fashion dresses and sandals worldwide but that's not an easy thing to do, nagpakahirap din akong palaguin ang sariling kompanya.

At my worst misery of my life, I was able to stand on my own at handang-handa na akong kunin ang lahat ng kinuha nila sa akin.

"That's my, Ylena!" Sean shot back.

"Nagugutom na ako, Sean. Magluluto pa ba tayo sa bahay? or we can order something to eat?" tanong ko at napakamot na lamang.

"Mom texted me, doon na lang daw tayo kumain sa isang restaurant. Sabay na lang tayo sa kanila, Brent and Mika are already there too." Paliwanag naman sa akin ni Sean at sumunod na lang ako sa kanya.

"Okay," I replied and just nodded.

Kaagad akong sumunod kay Sean patungo sa sasakyan niyang nakapark sa labas ng studio.

Pinasakay niya ako sa front seat ng sasakyan. Kapagkuwan ay mabilis niyang pinaandar ang kotse at pinaharurot iyon patungong restaurant.

"So, how's the set?" tanong ni Sean habang nasa loob kami ng kotse.

Almost Is Never Enough | ✓Where stories live. Discover now