Sean
"Nay, gising na po."
Mabilis namang gumising si nanay nang maramdaman niya ang mahinang tapik ko sa pisngi niya.
"May natitira pa pong pagkain nong isang araw, kumain na po tayo, nay." Sambit ko at iniabot ang kakaunting pagkaing natitira."
Kinuha naman kaagad ni nanay ang pagkain na iniabot ko sa kanya. Para kaming mga asong gutom na gutom, nakakulong at naaabuso.
"Pasensya ka na anak, alam kong naghihirap ka na rin." Sambit ni nanay sa akin na luhaan habang patuloy na nginunguya ang mga tira-tirang pagkain.
Ang pinakaayaw ko sa lahat ang nakikitang umiiyak si nanay, nalulungkot ang puso ko sa bawat patak ng mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata.
"Ang impor—" natigil ako sa sandaling may narinig akong isang malakas na kalabog sa pinto ng kwartong ito kung saan kami ikinulong.
"Ma'am?" sabay naming sambit ni nanay.
"Well, well, well. Buhay pa pala kayo?" nakangising tanong ng amo namin at unti-unting lumalapit kay nanay.
Nanlaki ang mga mata ko nang inapakan niya ang kaliwang kamay ni nanay dahilan upang ito'y mapasigaw sa sakit.
"Tama na po Ma'am, parang awa niyo napo. Wala po kaming ginawang kasalanan sa inyo."
Ang akala ko'y maawa siya sa nanay ko pero sinampal pa niya ito ng paulit ulit. Sobrang naawa na ako kay nanay.
"Nay! Pleaso po maawa kayo sa amin Ma'am." Naluluhang pakiusap ko sa aming amo.
"Awa? Too bad wala akong awa. Damputin at kaladkarin niyo nga ang dalawang basurang iyan palabas ng mansiyon. Nandidiri ako sa mga iyan." Mala-demonyong utos niya sa kanyang mga tauhan.
"Pakawalan niyo na po kami Ma'am," pakiusap ni nanay at halos mawalan na siya ng boses.
"Tumahimik ka!" isang malaking sampal ang sumalubong sa mukha ni nanay.
Kaagad akong nagpupumiglas at itinulak ang amo namin dahilan upang ito'y mas lalong nagalit.
"Wala kang hiyang bata ka!" garagal niyang boses at kaagad na tumayo.
Akma niya rin sana akong sasampalin pero hinarang siya ni nanay. Sinalo ni nanay ang sampal na dapat sa akin.
Kitang-kita ko ang pamamaga ng pisngi ni nanay, halos bugbog na rin ang buong katawan niya.
"Huwag niyo pong saktan ang anak ko, Ma'am. Ako na lang po."
Nakatingin lamang ako kay nanay, ang pagkakakunot ng noo niya at mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Pinahid ko lang ito at niyakap siya.
"Isako niyo ang mga iyan. Itapon niyo sa dagat ng buhay. Huwag kayong babalik dito hangga't hindi nawawalan ng hininga ang dalawang iyan" Utos niyang muli sa kanyang mga tauhan bago umalis.
"Pakawalan niyo na kami maam,"
"Nanay!"
"Shit," I cursed.
Nagising akong humihingal, halos mawalan ako ng balanse nang tumayo ako saka umupo. Nakatulala ako sa harap ng laptop ko ngayon dito sa loob mismo ng opisina ko at napabuntong hininga na lamang. All things are messed up in a sudden.
Life has its ups and downs, highs and lows. Sometimes I feel as if I am on top of the world, other times I feel as if everyone or everything has turned against me. It was all messed up and a lot must be fix to what has been damaged over a long period of time.
YOU ARE READING
Almost Is Never Enough | ✓
RomanceA wife seeks revenge on her cheating husband by having an affair of her own, even if it means becoming his mistress.