Trisha
"Good morning hon, breakfast is ready." Saktong pagkahain ko ng kanin sa mesa saka tukuyan ng umupo.
Tila gulat si Livrin sa naging trato ko sa kanya ngayong umaga. Nababagabag at naguguluhan kung bakit hindi ko man lang siya pinagtatabuyan palayo.
"Don't you remember what I said last night?" tanong niya.
"Alam kong nagbibiro ka lamang, hon. You are drunk last night." Sambit ko sa kanya saka ngumiti at umupo na siya sa tabi ko.
"I want to file an annulment, Trisha." Mahinahong boses at dahan-dahang tinatanggal ang singsing sa kanyang kamay.
"No! You're joking right?" sigaw ko sa kanya dahilan upang ako'y mapatayo sa aking kinauupuan.
Kaagad rin siyang napatayo nang unti-unti kong pinagbabasag ang mga pinggan na nasa mesa namin.
"Trisha, please huminahon ka muna. Pagpapakalma niya sa akin, ngayon ay nakaharap siya sa akin habang luhaan ang aking mga mata. "You're bleeding," dagdag pa niyang sambit.
Hindi ko namalayang nasusugatan na pala ako, daplis ng isang basag na piraso ng plato ang nakasugat sa akin ngunit balewala iyon sa sakit na nararamdaman ko.
"Sinungaling ka, alam kong nagsasawa kana sa akin, alam ko ang mga pambabae mo, Livrin!"
"Wala na rin namang patutunguhan tong relasyon natin, Trisha kaya mas mainam pang maghiwalay na tayo."
Napahagulgol na lamang ako sa mga naging sagot niya sa akin. I felt my whole world stopped.
"Bakit, Livrin? Ayaw mo na ba sa akin? Kung anak lang pala an—"
I was cut off when my phone suddenly rings pero hindi ko iyon pinansin bagkus nagpatuloy lamang ako sa kakaiyak kahit alam kong balewala na iyon sa kanya.
"Huminahon ka muna, Trisha. Please kumalma ka."
I remained silent for a bit pero hindi ko pa rin mapigilan ang mga luhang bumabagsak galing sa mga mata ko.
Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat at tinitigan ako sa aking mga mata. Ang mga titig niyang iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya mapakawalan.
The more he hated me, the more I loved him.
"Tell me, Livrin kung paano ako kakalma ha?" pagtaas ng boses ko sa kanya.
"Please stay still, Doktora Montejero is calling. Itikom mo muna ang bibig mo, Trisha."
Wala akong nagawa kundi ang tumahimik at mapabuntong hininga na lamang at pinagmamasdan siya habang pinipindot ang call button ng phone ko na hawak-hawak niya.
"Hello? Trisha?" nagdadalawang tanong ni Doktora kay Livrin sa telepono.
"Magandang umaga po, dok. Napatawag po kayo?"
"Kanina ko pa tinatawagan si Trisha, why won't she answer my call?"
"Abala po kasing nagluluto ang asawa ko dok, may problema po ba?" tanong ni Livrin.
"Isinugod ang mom ni Trisha sa ospital, magpunta na kayo as fast as you can." Singhal ni Doktora kay Livrin.
"Okay po, dok. We'll come immediately." sambit ni Livrin.
Nang makita kong medyo namumutla ang mukha ni Livrin ayam agad akong nag-alala, kung anong nangyari at kung anong sadya ni Doktora.
"What happened?" tanong ko.
"Y-your mom, isinugod daw sa ospital." Utal-utal niyang sambit.
"What?" gulat kong tanong.
I patted my chest and turned gazed outside, nagmamadali akong lumabas ng bahay kahit alam kong duguan ang kamay ko dahil sa sugat. Walang mas importanteng pumasok sa isipan ko ngayon kundi ang tanging mom ko.
Nang tuluyan na akong makalabas ay nahintay ako ng masasakyan, ilang minuto ang lumipas ngunit wala talagang dumadaang sasakyan sa labas.
"Sakay," utos niya kasabay sa tunog ng busina ng kotse niya.
"Huwag na, kaya ko ang sarili ko. Maghihiwalay naman na tayo diba?"
"I said, sakay. Huwag ng matigas ang ulo, Trisha. Buhay ng mom mo ang nakasalalay dito, utang na loob makinig ka naman." Sigaw niya sa akin dahilan upang mapasakay ako sa kotse niya.
Habang nasa biyahe, dumudungaw ang kaba sa aking dibdib. Napasabunot na lang ako dahil sa takot na nararamdaman. Nanginginig ang mga kamay ko't andaming pumapasok na senaryo sa aking isipan.
"I hope mom is okay," mahina kong sambit.
"Mom's gonna be okay," saad naman niya.
Mabilis ang takbo ng pagmamaneho ni Livrin at mas lalong binilisan pa niya lalo hanggang sa wakas ay nakarating na kami sa ospital.
Kaagad naming pinuntahan ang emergency room kung saan na admit si mom.
Sa kakatakbo, nadatnan naming balisa at kabadong naghihintay sa amin si Doktora Montejero.
"Mr. and Mrs. Herrera," napalabi lamang si doktora.
"Dok, how's my mom?" Nasaan siya?" dali-dali kong tanong.
"I-im sorry, iha pero ginawa na namin ang lahat upang iligtas ang buhay ng mom mo ngunit hindi na niya kinaya. Tuluyan ng binawian ng buhay ang mom mo. Huli na ring nalaman naming may stage four breast cancer siya." Paliwanag niya sa amin.
"No! No! This is not true! Hindi yan totoo! Diba doktor kayo? Bakit hindi niyo binuhay ang mom ko? Bakit niyo siya hinayaang bawian ng buhay? Doktor ba talaga kayo?" paos kong sigaw sa loon ng ospital, halos pinagtitinginan na kami ng mga tao dito kakasigaw ko. Pinipigilan ako ni Livrin ngunit pilit ko pa rin ang magpumiglas.
"I'm sorry, iha. The results that I gave you last week if you can still remember. That results supposed to be your mom's diagnosis, the fact that you don't have a breast cancer pero huli na rin ang lahat, I'm really sorry, iha." Paghinga niya ng tawad sakin, nakayuko at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ng mom ko, dok? Maibabalik mo ba dok? Kasalanan niyo itong lahat!"
"Trisha, calm down." Pagpigil sa akin ni Livrin.
"Isa ka pa! Umalis nga kayo sa harapan ko!" Nanggagalaiting sigaw ko dahil sa galit na nararamdaman. "Mga wala kayong kwento, mas lalo kana!" dagdag ko pang sigaw at dinuduro-duro si Livrin.
"Trisha, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Huwag na huwag mo akong susundan, Livrin." Banta ko sa kanya saka agad pinuntahan ang room kung nasaan ang bangkay ng mom ko.
Habang naglalakad pa lamang ako ay hindi ko na napiligilang mapaiyak hanggang sa tuluyan ko ng nakikita ang nakatabong bangkay niya.
Unti-unti kong tinatanggal ang nakatabon rito. Halos mawalan ako ng balanse at nang masilayan ang maamong mukha ni mom. Malamig at hindi na humihinga.
"Mom, bakit? Ikaw na nga lang ang tanging kakampi ko tapos iiwanan mo pa ako." Hagulgol ko sa harapan niyang malamig na bangkay. "Iiwanan na nga ako ng asawa ko, pati pa ba ikaw?" dagdag ko pang iyak.
Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng room kung saan ang bangkay ng mom ko, I wanted to see her for the very last time. She's the angel of my life, wala ng iba. Kahit sa pag sarado ng pintuan ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapaluha. How can I not cry when it's my mom?
When I left the room, I immediately went to the comfort room. Napatingin ako sa salamin, at napasinghot, magang-maga ang mata ko. I really looked a real mess. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.
When I was about to come out, I heard something. It was Livrin's voice. He was talking from the phone.
"Attorney, I want to file an annulment."
YOU ARE READING
Almost Is Never Enough | ✓
RomanceA wife seeks revenge on her cheating husband by having an affair of her own, even if it means becoming his mistress.