Ylena
"Hindi nga ako nagkamali sa kanya, mom. She's a spy, a mistress and an annoying slut. Noong una ko pa lang kita ko sa kanya, hindi ko na nagustuhan ang presensiya niya. Wait until I exposed her." Rinig ko boses ni Abigail sa loob ng opisina ko. Hindi ko alam na nandoon pala silang dalawa ni Roseanne. Mabuti na lang at hindi ako kaagad pumasok.
"Don't worry, iha. Magpapaimbistiga ako tungkol sa babaeng iyan, mabuti na lang at sinabihan mo ako kaagad. Hindi ko alam na may nangyayari na palang ganyan sa mismong opisina ko. Isang malaking kahihiyan kung nakalabas ang isyung iyan."
"Ako mismo ang magpapaalis sa kanya dito, mom. I hate her!"
"Relax, iha. Don't get stressed, baka may mangyari pang masama sa apo ko. You should get home and take a rest." Mahinanong sambit niya rito.
"Yes, mom." Abigail said.
I just sighed and brushed my hair with my own hands.
Nang bumukas ang pinto, dali-dali akong nagtago sa gilid ng pintuan. Lumabas din si Abigail.
Muli akong napatitig sa aking cellphone at kaagad na tinawagan si Sean.
"Ylena, napatawag ka? Is something wrong?" tanong ni Sean habang katawag ko siya.
"I think they knew," I murmured and my heart quickened.
"They knew that your Trisha? What?" gulat niyang tanong.
"No, I mean, they knew that I'm a spy. Narinig kong nag-uusap si Roseanne at Abigail. Nagpapaimbistiga na rin si Roseanne tungkol sa akin." kabadong boses ko.
"Don't worry, uunahan natin sila. I planted some cctv at their company. Inutusan ko si Raquel noong hindi pa siya nagresign sa kompanya. Lahat ng mga nakatagong sekreto at anomalya nila ay hawak ko na. One click and everything will explode."
"Pero kahit na, Sean. Mautak si Roseanne, alam mo iyan." Protesta ko sa kanya.
"I have a plan, may uutusan akong tauhan na maglabas ng anomalya niya sa kompanya. I know for sure, maiisipan ng board members na ipapatanggal si Roseanne. Sigurado din akong maghahanap ng bagong hahawak ng kompanya, uutusan ko na rin ang ibang tauhan ko magprotesta laban sa kanya. All you have to do is follow my instructions. May tauhan akong ipapadala upang sirain ang mga factory jan at gagawa ng aksidente. I know they'll blame Roseanne for that, sisisihin siya ng mga empleyado niya hanggang sa ipatalsik na siya sa kompanya." Mahabang pahayag at utos sa akin ni Sean, alam kong delikado pero ito lamang ang natitirang paraan.
"Okay, Sean basta huwag mo ring ipapahamak ang sarili mo, alam kong hindi ka pa nila nakikilala pero kilala mo rin sila. They have connections with hell, so be careful."
"I will, Ylena. See you later." Ibinaba niya na rin ang tawag saka tuluyan na akong pumasok ng opisina.
"Where have you been, Ylena. You're thirty minutes late." Wika ni Roseanne sa akin, mukhang dismayado.
"I have an urgent meeting with my client in my own company. Why? Is there a problem?" tanong ko.
"Wala naman, is just, ang ko—"
"W-what was that?" I stuttered when we heard a sudden explosion from the factory.
Biglang tumunog ang alarm, nagsisigawan ang mga empleyado dahil sa takot, ang lahat ay nagpapanic.
Kaagad naming pinuntahan ang pabrika para makita kung ano na ang naging kalagayan doon. Subalit laki na lang ang gulat namin sa natamong pinsala, halos wala na ang pabrika, maraming empleyado ang nasaktan at may isang nawalan ng buhay.
YOU ARE READING
Almost Is Never Enough | ✓
RomansaA wife seeks revenge on her cheating husband by having an affair of her own, even if it means becoming his mistress.