Trisha
"Hoy, Ysabel nakalimutan ko ang wallet ko." Mariin kong sigaw sa kanya sa phone.
Napadial ako ng walang oras kay Ysabel dahil alam kong may nakalimutan talaga ako dahil pagkatapos kong bisitahin si mom sa puntod niya, napahapit muna ako sa kanila.
"Bakit ka ba sumisigaw?" agad niyang sagot sa akin, naririnig ko pa ang mga bungisngis niya sa kakatawa.
"Kasi naman, sinong hindi matataranta, diba?" muling kong sambit.
"Okay fine, don't panic. Ipapahatid ko na lang sa pinsan ko, busy pa ako sa restaurant, eh." Sagot niya.
"Oh, sige, si—"
My eyes suddenly widened and I felt my whole world shattered.
"Hoy, Trisha! Still there?"
Bigla ko na lang nabitawan at naibagsak ang sarili kong cellphone dahil kasulukuyan ko siyang pinagmamasdan ngayon, Livrin is kissing another woman.
Kaagad akong napahawak sa aking dibdib nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Ang matinding kirot nito.
Napakurap-kurap ako baka sakaling namamalik-mata lamang ako pero hindi, ang aking asawa pala talaga iyon.
"Bakit, Livrin? Bakit paulit-ulit mo na lang akong sinasaktan? Bakit?" naguguluhang tanong ko.
Unti-unting naluluha ang aking mga mata hanggang sa hindi ko na namamalayang humahakbang ako papalapit sa kaning dalawa.
Humugot ako ng isang napakalalim na buntong hininga.
"Hindi ka na nahiya!" saktong pagdampi ng palad ko sa mukha niya.
"T-trisha?" laking gulat niya at napatigil sa kalandiang ginagawa niya sa babaeng kinakalantari.
"Hindi ka na rumespeto! Ang bababoy niyo!"
Hindi ko na napiligilan ang sarili kong sigawan sila.
"Trisha, magpapaliwa—"
"Ang sama sama mo, Livrin! Alam na alam mong kakaluksa ko lang sa pagkawala ng mom ko pero hindi ka na rumespeto! Alam mong nasa kalagitnaan ako ng matinding paglukuksa pero hindi mo inalala. Pinagbigyan na nga kita sa mga pambabae mo kahit nagmumukha na akong tanga, kahit nagmumukha na akong ewan kahit alam kong ayaw mona. Ginawa ko ang lahat ng pagpapanggap dahil mahal kita pero pagod na pagod na ako, Livrin. Ayoko na, sobrang nakakasakit ka na."
Kusang lumalabas at nag-uunahan ang mga luha ko sa aking mga mata. Mabigat at masikip ang dibdib ko dahil sa sama ng loob. Dinaig ko pa ang alipin na nagpapakamartir sa sariling asawa.
Marahas kong pinahid ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko.
"Trisha, please makinig ka." pagmamakaawa niya sakin habang aligid-aligid ang babaeng kaladian niya.
"Leave her, babe" komento naman nito.
"Isa ka pang malandi ka, hindi ka na nahiya, alam mong may asawa ang kinakalantari mo, nilalandi mo pa. Ang bababoy niyo!" Paulit-ulit kong sigaw sa kanila.
"Please, Trisha, makinig ka."
Hindi na muli akong nagsalita pa. Sobrang sikip na ng puso ko. Ayoko na!
"Ang kapal kapal mo, Livrin. Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag, malinaw na sa akin ang lahat. Huwag ka na ring mag-alala, bukas na bukas ay pipirmahan ko na kaagad ang annulment paper. Malaya ka na!"
"Trisha wai—"
Mga huling salita na binitawan ko bago pa ako tumakbo palayo sa kanilang dalawa at hindi alam kung saan patutungo.
We have all had at least one point in our lives where we have faced the decision of whether we should let go of or hold on to something or someone.
Sometimes you have to let go even if you still love the person. When it's really painful and full of misery, you need to breathe out of it. One is not some kind of machine that always absorb pains, sadness, grief and loss. Ang tao ay minsan ring nasasaktan, hindi isang robot na parang walang nararamdaman. Umaabot din sa puntong hihinto na lamang, and I am really tired of it.
Sa kakatakbo ko, hindi ko na namamalayang napunta na pala ako sa puntod ni mom. Napaluhod ako sa harapan ng litrato niya at humagulgol ng humagulgol. Ibinuhos ko na ang lahat na natitirang luha ko at napayakap na lamang sa litrato nito.
"Mom, bakit ganun? Akala ko hindi iyon magagawa ng asawa ko sa akin, ginawa ko naman lahat, pero bakit ayaw na niya?" patuloy ko pa rin hagulgol kahit halos hindi ko na mabuka ang mata ko sa kakaiyak. "Nakakapagod na rin, mom." Dagdag ko pang turan.
"T-trisha?"
A man from behind me suddenly called my name. I really thought it was Livrin but he's not.
"Sean? B-bakit ka nandito?" pagtataka kong tanong.
"I really thought hindi na kita masusundan, ang layo rin ng itinakbo mo," sambit niya at kaagad niya akong niyakap.
"Anong ginaga—"
Nanlaki na lamang ang mga mata ko at napatigil sa pagsasalita dahil sa ginawa niyang iyon, pero wala na rin akong nagawa. Ilang segundo ay kaagad naman itong humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
Ilang sandali pa lang ay huminga ako ng malalim pagkatapos pakalmahin ang sarili.
Ngumit ako ng pilit habang hinahawakan pa rin ang litrato ni mom, Sean's barely seeing my mess right now.
I sighed.
I have everything that life could offer and right now, unti-unti na itong naglalaho.
My anger toward Livrin burst up. Ang sakit sakit pa rin. Nanunuot na parang punyal na direktang tumutusok sa aking puso.
"I'm sorry if I hugged you, I just didn't mean to," naririnig kong anas ni Sean." I just saw you a while ago, crying so hard at biglang napatakbo kaya kita sinundan." Dagdag pa niyang anas.
"It's okay, Sean. Nakita mo pa ang kadramahan ko."
"It's not some kind of drama, Trisha. Nangyayari talaga 'yan sa totoong buhay."
I tried go blinked my eyes to surpess my tears from coming out my eyes but then, I lost again.
Masakit.
"And he's hurting you to the point you can't take it anymore, how bullshit of that!"
I wiped my tears in front of Sean. Hindi ko na ulit mapigilan ang sarili ko. I cried and cried.
"Hindi pa siya naawa sa akin, kakamatay lang ng mom ko." sambit ko. "I know for Livrin, I wasn't enough anymore."
"He's really stupid, an asshole and good for nothing jerk." Naiinis niyang anas.
"Si ako naman, nagpakatanga. Ang tanga tanga ko."
"Si Livrin ang tanga, Trisha. He just doesn't see your value as a woman and as a wife. He's really a total jerk." Dagdag pa niyang anas sa akin.
"Ang drama ko na ba, Sean?" I faked a smile.
"Hindi naman, it's just very normal for you to cry." Sean let out a sigh.
"Bukas na bukas, magiging malaya na si Livrin, pipirmahan ko na ang annulment paper, kung iyon ang gusto niya then, I'll let him go kahit ayaw na ayaw ko pa, kahit mahal na mahal ko pa siya. Wala na rin namang saysay ang relasyon namin."
"Hey," aniya.
"You don't have to worry about me. I have myself pa naman," pagwika ko naman sa mababang tono at bahagyang napangiti na lamang.
"No, handa kitang tulungan. I can help you at the very least kung hahayaan mo lang ako. I know you're hurt and please, hayaan mong tulungan kita, Trisha."
"Okay?" pagtaas ko ng kilay, medyo naguguluhan.
"Uuwi ka ba sa bahay niyo ngayon?" bigla niyang tanong.
"I don't know, Sean. Hindi ko naman bahay iyon, it's Livrin's house. Bukas uuwi ako para pirmahan ang annulment paper and after that, I don't have anywhere else to go."
"Come with me, and I'll treat you better than him." seryoso niyang sambit na labis kong ikinagulat.
YOU ARE READING
Almost Is Never Enough | ✓
RomanceA wife seeks revenge on her cheating husband by having an affair of her own, even if it means becoming his mistress.