Chapter 18

3.1K 73 0
                                    

DUMIRETSO NA SILANG SEMENTERYO

Wala ng luha na lumabas sa kanyang mga mata, ang kanyang puso ang nagdurugo sa labis na galit at pagkasuklam sa mga taong nakasakit sa kanila.

Tahimik lang silang dalawa na naka-upo ni hindi sila nag-uusap.

Makalipas pa ang ilang oras ay ito na ang nagyaya na umalis na sila at sa isang hotel na muna sila titigil.

"Ano ang plano mo ngayon Keren? Kailan ka pupuntang mansion? Para matawagan ko si attorney Ver."

"Huwag m na lang ipaalam sa kanila na nandito na tayo. Siyanga pala Arriane, ayaw mo bang bisitahin ang lola mo? Isang taon ka ng nakalaya baka gusto mo siyang puntahan?"

"Paano ka? Hindi naman kita puweding iwanan sa laban mo."

"Huwag kang mag-alala, kaya ko na ang sarili ko, at isa pa may sarili kang buhay na dapat mong ayusin. Sana maintindihan mo ang ibig kong sabihin Arriane at huwag mo itong masamain."

"Naintindihan naman kita sis, sige bukas na bukas din ay uuwi ako sa amin. Sana pagbalik ko, ibang Keren na ang

makikita ko, iyong masayahin at puno ng pag-asa sa buhay."

Bago sila matulog ay binalikan nila ang lahat ng pinagdaanan nila sa kulongan, at iyong bago sila makulong kung ano ang dati nilang buhay at kung paano nila haharapin ang bukas.

"Alam ko sis ang plano mong paghiganti sa kanila, suportado kita, dahil saksi ako sa iyong mga paghihirap, kahit noong tulog ka, naririnig ko ang iyong panaghoy sa tuwing napapanaginipan mo siguro sila. Sana mag-iingat ka."

Iyon nagyakap ang magkaibigan at nakatulog na.

Hindi na nagisnan ni Keren ang kaibigan, nag-iwan lang ito ng note na umalis na ito at hindi na siya hinintay na magising at nagpapasalamat ito sa pagkupkop sa kanya noong panahong nalilito pa siya.

Tuloyan na kasing na dismiss ang kaso nito kaya malaya na.

AGAD siyang naligo at sa labas na mag-aalmusal, kailangang masimulan na niya ang mga plano.

Sa Mansion naman ay nagtatalo ang mag-ina.

"Wala ka talagang kuwentang anak! Para isang daan hindi mo ako mapahiram! Samantalang noon, kahit ano ang hilingin

mo ibinibigay ko! Kahit ng hilingin mo si Jeff, ginawa ko ang lahat, mapunta lamang siya sa 'yo! Tapos ngayon sa akin mo isisisi ang paghihiwalay ninyo! Anong klasi kang anak ha?"

"Ikaw? Anong klasi ka rin na ina? WALA KANG KUWENTA! narinig mo? WALA KANG KUWENTA!" isang sampal ang tumama sa kanyang pisngi mula sa kanyang ina.

"LAPASTANGAN! HUWAG MONG KALIMUTAN NA INA MO PA RIN AKO!"

Hindi na nagpaalam ng babae, lumabas ng mansion at pinahahuhururot ang kotse, subalit bigla rin naphinto dahil sa nakita niya.

"MULTOOOOO...!" Aagad na bumaba ng sasakyan at bumalik sa loob at nagtago sa likod ng pinto.

"Naloloka ka na ba ha Evamae? Akala ko ba lalayas ka na?"

"Mom, may may mum-mum-multo po sa labas!" nangangatog ang baba at tuhod nito sa sobrang takot.

"Anong multo ang pinagsasabi mo! Tanghaling tapat may multo? Bangag ka na naman ba ha, Evamae?"

"Nagsasabi po ako ng totoo, may multo po sa labas at dito nakatingin. Si Keren po."

"Puwede ba Evamae! Tigilan mo nga iyang kakahitit no ng shabu!

Diyan ka nga at baka mawala ako ng puwesto kina Donya Nena." sa majongan ang inig nitong sabihin. Bitbit ang ilang kagamitan sa mansion na hindi nakuha ng bangko ay lumabas ang matanda.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon