Chapter 12

3K 69 0
                                    

Kararating lang nina Keren sa appartment ng may nagdoorbell.

Si LJ na ang nagbukas dahil kumakain ang ina at si Tita Arriane niya.

"S-sino po sila?" ang tanong ng Pitong taong gulang na bata.

Hindi malaman ni Jeff ang naramdaman, parang may tumalon ang kanyang puso.

Maging si Marco ay gano'n din ang pakiramdam. Gusto niyang yakapin ang bata na kamukhang-kamukha ni Jane.

Kinarga ni Marco ang bata at hindi naman ito tumanggi.

"Kayo po ba ang lolo ko?" ang inosenteng tanong ng bata.

Pagkarinig sa tanong nito ay napaluha na lang si Marco, at niyakap ng mahigpit ang apo.

Nagtataka sina Keren at hindi pa bumabalik ang anak.

"AT ANO ang ginagawa ninyo dito?" sabay hila sa anak na nakahawak sa kamay ng ama.

"Anak..." tumulo n ang luha ni Marco. Maging si Jeff ay napaluha na rin.

Naunang nagsalita si Marco at niyakap ang anak, hindi na tumanggi si Keren. Sa wakas nayakapa din niya ang amang matagal na nawalay. Pero ng maalala ang ina ay bigla niyang itinulak ang ama.

"Umalis na kayo.." pagtaboy niya sa dalawang lalaking may mahalagang parte sa buhay nilang mag-iina.

"Keren, pakinggan mo ako." ang wika ni Jeff.

"Para saan pa ha Jeff? Iniwan mo ako! Inabandona! At hindi lang ako! Pati si LJ noong nasa sinapupunan ko pa lang siya! Tapos ngayon, eto ka! Magsilayas kayo! Hindi namin kayo kailangan!"

"Sige... Aalis kami sa ngayon, pero babalik ako Keren. Ipaglalaban ko ang karapatan ko sa anak natin." Naiwang luhaan ang babae at sa muranf edad ng anak ay nakaramdam ito ng tampo sa ina dahil pina-alis ang kanyang lolo.

"Keren, dalhin ko muna ang bata sa kuwarto niya at mukhang masama ang loob sa'yo." tumango na lamang siya.

Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag sa anak ang lahat. Gulong-gulo ang kanyang utak.

Samantala ang mag-inang Merilyn at Evamae ay hindi mapakali sa kakaisip kung paano tuloyang mawala sa landas nila ang babae.

"Huwag mo ng intindihin iyon, ako na ang bahala. Asikasuhin mo na lang ang buhay ninyong mag-asawa."

Hindi na nakipagtalo siya sa ina.

Araw ng pag-upo ni Keren bilang president ng kumpanya ay naging maayos naman.

"Aba! Ang exconvict sosyal, CEO na! Kaya mga girls, halina kayo at baka tayo naman ang mapatay niya." ang parunggit ni Evamae.

Hindi na lamang pinatulan ni Keren ang babae at baka makapatay na talaga siya.

"Kumusta ang unang araw mo sa school baby?" sabay halik sa anak na kumakain ng merienda.

"Okay lang po mom! Ang you know mom, I have a new friends na po."

"Talaga anak? Wow, sana maipakilala mo naman sila sa akin." kinarga ang anak.

Kinabukasan ay maagang gumising ang mag-ina at magsisimba sila.

Papasok pa lang sila ng simbahan ng may makakasalubong silang mga taong

gustuhin niyang hindi makasalubong kapag kasama ang anak.

"Look who's here? At may kasama pang tiyanak! Nakakapasok na ng simbahan ang mga maligno!" ang wika ni Evamae, na may kasmang halakhak.

"Puwede ba, Evamae! Kung maaari lang sana ay huwag na huwag mong pagsalitaan ang anak ko ng ganoon? Kung ayaw mo na makita ipakilala kita sa nanay ng tiyanak?"

"Umamin talaga na tiyanak siya!" may idudugtong pa sana ito ng dumating sina Marco at Jeff.

"Hi lolo! Magsisimba din kayo? Puwede po bang sa inyong po ako tumabi?" ang lambing ng bata na nagpalaki sa mga mata nina Merilyn at Evamae.

"Talaga apo? Sige halika at doon tayo sa harapan umupo."
Tututol sana si Merilyn, subalit hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Marco. Si Jeff ay sumunod na rin sa biyanan at hinawakan sa kabilang kamay si LJ.

"HOY! Kahit ikaw pa ang CEO ng company, hindi mo maaagaw ang pamilya ko!" sabay tulak sa kanya ni Evamae.

"Akala mo ba, hahayaan ko na mapunta sa'yo ang lahat ng pinaghihirapan ko? Nagkakamali ka EXCON!"

Pumasok na ang dalawang bruha at kahit ang simbahan ay hindi iginalang.

Natapos ang misa na hindi niya man lang nakatabi ang anak.

"Lunch muna tayo!" ang wika ni Marco ng nasa labas na sila ng simbahan.

"Okay lang po, may pupuntahan pa kami." hindi na rin siya kinulit ng anak.

"Bye lolo...Sana po balik kayo sa house para makapaglaro po tayo."

"Promise apo, pupunta ako." tuwang-tuwa ang bata. Nauna na silang umalis sa naturang lugar.

"Ano pa ang hinihintay ninyo! Tayo na at gusto ko ng umuwi."

"Akala ko po ba ay kakain tayo sa labas?" ang protesta ni Evamae.

"Gusto ko ng magpahinga na lang sa bahay." nauna na ito sa sasakyan.

Naiwan sina Jeff at Evamae.

"Huwag mong sabihing susundan mo ang bastardang iyon! Baka nakalimutan mo, kasal tayo at ako lang ang tanging may karapatan sa iyo!"

"Tigilan mo nga ako Evamae!" tinalikuran ang asawa na galit na galit. May pagbabanta ito sa mga mata.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon