Chapter 8

2.9K 72 0
                                    

Pagpasok pa lang nila sa loob ng bahay ay hindi napigilan ni Keren ang mapaluha ng sinalubong siya ng yakap ng isang taong nagbibigay sa kanya ng lakas upang patuloy na lumaban.

"Mommy...! I miss you so much po." ang kanyang munting Prinsesa.

Hindi halos na makahinga si Ledie Jennisse sa higpit na yakap ng ina. Pinupog niya ng halik ang anak, habang naglandasan ang mga luha sa pisngi.

Hindi nakatiis si Alvin, niyakap niya ang mag-ina.

At iyon ang nakita ni Jeff ng pumasok ito sa apartment. Bukas kasi ang pinto, nabalot ng panibugho at panghihinayang ang kanyang puso.

Hindi niya natagalan ang ganoong eksina, kaya nilisan niya ang naturang lugar na luhaan. Pero masaya siya para sa dating nobya.

"Hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ako!" ang sigaw ni Jemailyn, kasi maging ito man naiiyak na rin.

"Sige na nga!" At hindi na niya ibinaba pa ang anak.

"Ikaw talaga, 'di ba kakain lang natin sa restaurant? Tapos gutom ka na naman?" ang nakangiting si Alvin.

Hindi na pinansin Keren ang biruan ng tatlo, sa wakas makakasama na niya ang anak.

"Mom, alam niyo po ba na may miss na miss ko na po kayo?" ang wika ng anak na sabik na sabik sa ina.

"Miss ko din po kayo ng buong buhay ko, anak." umiiyak siya habang papasok ng bahay.

"Huwag na po kayong umiiyak, nandito na po kayo." hinawakan siya sa mukha ng anak. Ang maliit nitong mga palad, ramdam niya ang init ng pagmamahal ng anak. Kahit hindi siya ang nagpalaki nito, kasi isang linggo lang mula ng ipanganak niya sa kulungan ay inilabas na ito at pinaalagaan kay Jemailyn.

Habang nakaharap sila sa mga pagkain ay hindi niya mapigilan ang mapa-iyak.

"Salamat talaga sa inyong malasakit sa amin ng anak ko. Kung wala kayo, malamang hindi ko na alam kung saan kami pupulutin."

"Tama na ang drama at kailangan niyo rin ng ina ng pahinga. Abala din kaya iyan sa pag-aayos ng kuwarto ninyo. " si Jemailyn na nagpapahid ng luha.

Hindi rin naglaon ay naiwan ang mag-ina, nagpaalam na ang kanyang mga kaibigan.

"Nakatulog na pala ang baby ko," binuhat ang anak na nakaunan sa mga hita niya.

Matagal na siyang nakahiga sa kama, subalit ayaw siyang dalawin ni antok.

Kaya ang ginawa ay inayos ang mga gamit niya at may hinanap siya.

"Nasaan na ba 'yon? Dito ko lang nilagay sa bag." ang wika niya habang patuloy sa paghahalungkat.

"Salamat nandito ka lang pala."

Isang kahon ang nakita niya at habang binubuksan at kinakabahan siya.

Bigay ito ng naging bisita niya sa correctional.

Isang araw pagkatapos niyang mabasahan ng parusa ay may hindi siya inasahang bisita.

"S-SINO KA?" ang maasim na bungad niya sa bisita. Masama kasi ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Tatlong buwan palang siyang nakakulong ay bumaba kaagad ang hatol ng hukuman. Habang buhay na pagkabilanggo.

"Maupo muna tayo Iha." ang mahinahong wika ng matanda. Sumunod naman ang dalaga.

"Ako si Attorney Ver, at ako ang abogado ng nanay Jane mo. Pasensiya ka na't hindi ako nakapunta noong burol niya. By the way, gusto mo ba na iapila ang kaso? Marami akong puwede lapitan at alam kung inosente ka."

"Huwag na po kayong mag-abala pa. At alam kong dito na ako mabubulok! Wala na rin naman akong babalikan pa sa labas! Kaya ano pa ng silbi ng paglabas ng katotohanan?" napaim-bagang ang dalaga sa tuwing naalala niya ang ginawa sa kanya ni Jeff. Tinalikuran siya nito, ni hindi nga sinulyapan.

Mula ng magkita sila pulisya hanggang ngayong magtatatlong buwan na siya ay kahit anino wala.

"Iha? Magpakabait ka lang at aasikasuhin ko na mabigyan ka ng parole, para mabawi mo ang pag-aari ng iyong ina."

Hindi na rin nagtagal ang abogado, umalis na at may meeting pa daw ito at may iniwan sa kanyang kahon.

At sa loob ng limang taon ay ni hindi niya naisip na buksan ito.

Ngayon na siguro ang oras upang malaman niya ang laman nito.

Isang bankbook na sa kanya nakapangalan, at nakita niya ang tape recorder niya na hiningi kay Atty. Aimee Lilo-an.

Ngayon, babawiin niya ang dapat ay sa kanya.

"Humanda kayong lahat na nanakit sa akin!"

Kahit gabi na ay tinawagan niya ang matandang abogado.

"Atty. Ako po ito si Keren!", hindi muna kailangang malaman ng mga Fernandez na buhay siya.

"Napatawag ka Iha? May problema ba?" ang nag-alalang matanda.

"Atty. Ver, puwede po ba tayong magkita bukas?"

"Sige, Iha, sa restaurant sa tapat ng opisina ko." nagkasundo sila sa oras.

Marami na siyang naisip na mga plano, upang makapaghiganti.

Tumabi na siya sa anak at natulog habang nakayakap.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon