Chapter 11

2.9K 75 0
                                    

" AT SINO KA NAMAN?" ang nanlaking mata ni Merilyn ng makita niyang kasunod ni Keren ay si Attorney Ver.

"Ano ang karapatan mong pumasok dito?" pilit itinatago ni Merilyn ang kaba, may hinala na siya dahil kay attorney Ver.

Hindi pinansin ni Keren ang mga tanong ng ginang. Bagkus, pumunta siya sa harapan at nagsalita.

"Bilang may pinakamalaking share sa kompanyang pagmamay-ari ng aking inang si Jane Almendra." Hindi na niya idinugtong ang apilyedo ng ama.

"AKO si Kate Marie! Ang tunay at nag-iisang taga-pagmana ng mga ari-arian ng mga ALMENDRA. At kung kailangan ninyo ng patunay ay may mga ibibigay ang aking assistant na mga papel at pakibasa na lamang. At para sa iba niyo pang katanungan, lapit lang kayo kay attorney Ver, lahat ng tanong ninyo ay alam niya ang sagot! Iyon lang salamat sa pagdalo sa meeting na ito. Mula ngayon, ay kukunin ko na ang aking kompanya." walang ka-kurap-kurap na wika niya na nagpatameme sa lahat.

Samantalang si Marco ay hindi malaman kung ano ang sasabihin sa mga oras na iyon.

Bumaba sa Keren at nilapitan ang mga taong naging sanhi ng kanyang pag-iisa at muntikan ng pagkasira ng kanyang buhay.

"Kumusta na kayo? Ako nga pala si Kate Marie." saba abot ng kamay sa ama.

"Wala kang karapatan, na tumuntong dito! Ako ang taga-pagmana ni Daddy. Kaya puwede ba, umalis ka na lang dito, EXCON!" ang naka-ismid na wika ni Evamae.

"Marco! Gumawa ka ng paraan.." ang nagsisigaw na si Merilyn.

"Tumigil na nga kayo! Tayo na!" at naunang lumabas ang ama.

"Hindi pa tayo tapos! Kung nadispatsa kita noong una, magagawa ko rin ulit iyon! Tandaan mo rin ito, akin lang si Jeff!" sabay hila sa asawa na para lang estatwa na nakatayo na sa likod ng asawa.

Sunod-sunuran na lamang ito kay Evamae, ni hindi nga niya alam na naka-uwi na pala sila sa mansion.

"Lalo siyang gumanda, at bakit parang hindi niya ako nakikita kanina? At bakit naging taga-pagmana siya ng mga Almendra?"

Nasa gano'n siyang pag-iisip ng makarinig siya ng sigawan.

"Mom, paanong naging taga-pagmana ang exconvict na 'yon? Hindi ako makapapayag na makatuntong siya sa pamamahay na ito!" ang nanggagalaiti sa galit na si Evamae.

"Ikaw lang ba? Maghalo na ang balat sa tinalupan!" ang banta ng ina.

"Teka lang ha? Anong exconvict ang sinasabi ninyo? Magsalita kayo!" ang sigaw din ni Marco na natulilig na ang tainga sa kasisigaw ng mag-ina.

Natameme ang dalawa sa tanong ng lalaki.

"Bakit kayo natahimik na dalawa? Kanina lang ay halos, gumuho itong mansion dahil sa mga boses ninyo?"

"Wala Marco, napagkamalan lang namin si Kate." ang sagot ng ginang na kinakabahan.

"SINUNGALING!" halos naglabasan ang mga litid sa leeg ng matanda.

"Jeff, halika rito at ikaw ang magsabi sa akin!" ang humahangos na wika ni Marco.

"D-dad, kilala ko po si Keren o si Kate! Dati ko po siyang nobya at___"

"ENOUGH! Bakit mo pa binabalikan ang nakaraan!" ang agaw ni Evamae sa iba pang sasabihin ng asawa.

"Ipagpatuloy mo Jeff! Nasaan si Jane? Kumusta na ito?"

"Wala po akong kilalang Jane, maliban sa nanay Loida ni Keren. Pero patay na ito, matagal na." sabay yuko ng lalaki.

"Samahan mo ako Jeff, gusto kong maka-usap ang anak ko!"

"HINDI!" ang sigaw naman ni Merilyn.

"AT sino ka naman, upang pagbawalan ako? Halika na Jeff! Puntahan na natin ang aking anak." ang tagal niyang nangulila kay Kate at Jane.

Wala ng nagawa ang dalawang babae.

"Mom..! Ano ang gagawin natin? Baka malaman nila na ako ang may pakana, kaya nakulong ang mang-aagaw na 'yon!"

"Hindi ko alam Evamae! Kung alam ko lang na anak pala siya ni Jane, sana pinapapatay ko na lang siya!"

"Talagang tinutuo ni Ver ang banta niya na pabagsakin ako! Hayop siya!" ang sigaw ni Merilyn.

Dati niyang nobyo si Ver, dahil nga mahirap lang ito ay hiniwalayan niya at nakilala si Marco na kaibigan ni Jane. Noong una hindi siya pinapansin ng lalaki,

sa tuwing dumadalaw ito sa kanila.

Ginawa niya ang lahat upang pansinin siya nito at nakakita siya ng pagkakataon ng malaman niyang pera lang pala ang habol nito sa half-sister. Mula noon ay nagkasundo sila na pagkakaperahan nila ang babae. Malaki din kasi ang pagkagusto ni Jane kay Marco kaya sinamantala nila ito.

Pinakasalan ni Marco si Jane at ng pumanaw sa isang aksidente ang papa ni Jane at mama ni Merilyn ay napunta kay Jane ang lahat ng kayamanan, kaya gumawa ng paraan ang dalawa.

Ngunit, nakatakas si Jane kasama ang anak nitong si Kate.

Ang akala ni Merilyn ay mapasakanila na ang lahat, subalit nagbago si Marco, natutunan na pala nitong mahalin ang mang-aagaw na kapatid.

~~~~
"JEFF, bilisan mo ang pagmamaneho mo, gusto ko ng makita ang anak ko."

Isang nakakabinging katahimikan, pagkatapos ng isang napakalaking aksidenteng naganap. Isang kotse at trak ang nagbanggaan.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon