Chapter 2

4.1K 102 0
                                    

"M-MARAMING salamat po, Nay Loida." naiiyak na wika ni Keren sa kinikilalang ina.

"Ano ka ba? Ako ng ang dapat na magpapasalamat sa'yo, kasi sa kabila ng katotohanan na hindi mo ako tunay na ina ay hind ka nagtanim ng sama ng loob." ang natatawang wika ng ginang.

Iniwan kasi siya ng kaibigan ng Nanay Loida niya, at magmula noon ay inalagaan siya nito na parang isang tunay na anak.

Kaya naman kahit magkanda-kuba na siya sa paglalabada ay wala siyang reklamo, basta ang mahalaga ay mapatapos niya ito sa pag-aaral.

"Anak, para ka namang nagpapaalam na sa akin, kasi puro ka pasasalamat." ang nakangiting si Loida.

"Napakapalad ko po talaga, kasi sa inyo po ako napunta. At ikaw din Jemaylen ang naging bestfriend ko." naiiyak naman siyang yumakap sa kaibigan.

"Wala iyon! Tayo na at gutom na ako! Ako lang naman ang magdidirawang, kasi alam mo na, nasa biyahe ang mga parents." nagtatampo talaga siya sa mga magulang, dahil lagi nalang wala ang mga ito, tuwing

may importanteng pangyayari sa buhay niya, ay saka naman wala ang mga ito. Kaya nga ingit na inggit siya sa kaibigan.

"Akala ko ba, gutom ka na? Bakit nakatulala ka pa diyan?" ang natatawang si Keren, habang nakakapit sa braso ng ina.

Araw kasi ng pagtatapos nila bilang mga Pharmacist. At masaya sila dahil pareho silang may karangalang natanggap, may mga alok, na silang trabaho.

"Bakit dito tayo Nanay? Di ba ang sabi ko ay kahit sa turo-turo lang."

"Huwag mo ng sisihin si Nanay, ako ang may treat, kaya puwede ba isara mo na lang iyang bunganga mo at gutom na talaga ako!" Nagpatiuna na itong pumasok sa restaurant.

May sumalubong na waiter, sa kanila.

"May reservation kami para sa tatlo."

"This way Ma'am."

Sa medyo sulok na bahagi ng restaurant sila nakapuwesto.

Pagbalik ng waiter ay may mga kasama na ito at maraming dalang iba't ibang klaseng, lutong pagkain.

"Ang dami naman nito Jemaylen? Baka hindi natin mauubos." ang angal niya sa kaibigan.

"Ano ka ba! Di, takeout natin!"

Wala na silang kibuan, dahil halos Limang oras bago natapos ang gaduation.

"Punta muna akong powder room." ang paalam ni Keren sa dalawang kasama.

Papaliko na siya sa isang pasilyo ng may nakabanggaan siyang babae.

"You Bitch! Wala ka bang mata?" sabay tingin sa kanya mula ulo, hanggang paa. Sabay ismid.

"HEMP! Hindi na ako magtataka, na mabangga mo ako, dahil hindi ka naman pala dapat tumuntong sa ganitong mga lugar! Nasaan ba ang amo mo? Para mapagsabihan ko na hindi ka, dapat pinapabayaang lumakad mag-isa dito! Kasi, nakaka-perwesyo ka! Alam mo ba 'yon?"

Nagulat nalang si Keren ng biglang guluhin ng babae ang kanyang buhok at ikalat ang make-up.

"Ano ang ginagawa ninyo?" ang nagulat na tanong niya sa babae.

"Walang hiya ka! Bakit mo ako sinaktan? Wala naman akong ginawang masama sa'yo ah!" nanlaki talaga ang ulo niya, hindi niya alam kung anong drama mayroon ito.

"Sweetheart? What happen to you?" sabay yakap sa nobya.

"Sweetheart, ang babaeng iyan! Siya na nga ang nakabangga sa akin, ay siya

pa ang may ganang manakit!"

"You! Why you hurt my girlfriend?___" Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang nakaaway ng kasintahan.

Sa loob ng maraming taon, na hindi niya ito nakita ay pakiramdam ba niya ay gustong lumabas ng kanyang puso sa sobrang excitement. Lalo pa itong gumanda sa kanyang paningin.

Patuloy ang pagsisipat ng kanyang mga mata sa mukha ng dalaga.

Maging si Keren man ay hindi makapaniwala na nakaharap niyang muli ang lalaking naging laman ng kanyang mga panaginip. At siya ring naging dahilan upang hindi tumanggap ng mga manliligaw.

Mas higit itong gumwapo at bagay ang rugged look nito.

Nanghinang ang kanilang mga mata, at napansin ito ng nobya.

"Sweetheart? Do you know each other? Sinaktan niya ako!" nagwala na ito.

"Ikaw? Sinaktan ko? Baka nakalimutan mo ikaw ang bumangga sa akin at ikaw din ang gumulo ng buhok at make-up mo?" ayaw niyang magpa-api, nasa tama siya.

"You're a liar! Sweetheart, don't believe her." nagpanic na ang dalaga kasi masama na ang tingin ni Jeff sa kanya

ng marinig niya ang sinabi ni Keren.

"Sino kaya ang nagsisinungaling sa ating dalawa? Nakita mo 'yon?" sabay turo sa isang CCTV.

Imbis na humingi ng sorry ay lalo pa itong, nagwala.

"Ikaw! Sinasadya mo ito! Humanda ka sa akin! Kaya pala dito mo gustong kumain kasi nandito pala ang kalaguyo mo!" ang nanlilisik na mga mata ni Evemae.

Dahil sa ginawang eksina ni Evamae ay nabulabog ang mga customers.

"Eva, Let's go! Kung ayaw mong iwan kita dito at lalong mapahiya." ang bulong ni Jeff sa nobya, pinigilan nitong huwag magalit.

"Pasensiya na Keren, may pinagdadaanan lang si Eva." ang hingi paumanhin ng binata.

Tango lang ang tugon ng dalaga, kasi maging siya ay napahiya na rin.

"Anong gulo ang nangyari dito Friend?" ang tanong ni Jemaylen, sa kaibigan, dahil medyo matagal na itong hindi nakabalik.

"May isang babae na nagwawala." tumalikod na siya at baka mahalata nito na nakangiti siya.

"Ganoon ba, pero alam mo ba na parang nakita ko si Jeff dito kanina?"

Ngiti lang ang sagot niya.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon