Chapter 19

3.2K 75 0
                                    

"SANDALI LANG KEREN!"
lalo pang binilisan ni Keren ang kanyang lakad, kailangan hindi siya maabutan ni Jeff.

"Mister, kanina pa kayo sunod ng sunod sa akin ah! May atraso ba ako sa inyo?" ang supladang wika ng babae.

"Ikaw si Keren hindi ba? Utang na loob, magpakilala ka sa akin!" niyugyog na niya ang babaing kaharap.

"Mister? Nagkakamali ho kayo? Natatakot na ho ako sa inyo." natauhan ang lalake at binitawan ang babae na inakala niyang si Keren.

Iniwan niya ang babae na bigong makita ang babaing pinakamamahal.

'Kung ganun, totoo ang sinasabi ni daddy na nagpapakita si Keren at hindi ito multo. Kailangang mapatunayan ko na buhay siya.' kausap niya ang sarili habang pauwi ng hotel, ayaw niyang umuwi sa kanila.

"Salamat miss at hindi mo ako itinuro kanina." lumabas na siya sa kanyang pinagtataguan.

"Wala iyon, pero ang nakita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala na hindi ikaw ang kanyang nakita."

"Basta ang mahalaga sa ngayon ay hindi niya ako makikita." Nagpasalamat siya sa naturang babae at nilisan na ang naturang lugar, mahirap na baka may makakilala pa na iba sa kanya.

Samantalang sa hotel ay hindi mapakali ang lalake.

"Keren, kahit ano ang iyong gawing pagtatago, hahanapin pa rin kita! Kung ganun? Ikaw pala ang dumalaw sa anak natin. At higit sa lahat, Hindi ka patay! Bakit mo nagawang magpanggap na patay? Hindi ka ba naaawa sa anak natin? Makasarili ka!" kausap ang sarili habang umiinom ng alak.

"Hahanapin kita! At hindi ko hahayaang may gagawin ka pa na masama sa mga taong inosente." ang akala niya ay aksidente lang ang lahat na nangyayari sa mga ito. Dahil na rin sa kalasingan ay nakatulog na siya. Iniwasan na nga niya ang paglalasing, ngunit sa tuwing may iniisip siya ay bumabali. Pero mas may kontrol na siya sa sarili.

"Walter! Huwag ka na munang sumama sa akin, mukhang may nagaganap na milagro dito." ang nagdududang matandang babae. Iba talaga ang kutob nito sa kotse na nakaparada

sa may harapan nila.

"Merilyn, mag-iwan ka naman ng pera. " ang adik na kapatid.

"Hoy! Matandang walang silbi! Ibili mo nga ako ng gin sa labas!" nanlilisik na ang mga mata nito.

Tiningnan lang siya ni Marco.

"Bakit nakatunganga ka lang diyan? Bilisan mo na at tuyong-tuyo na itong lalamunan ko!" sabay tadyak sa tagiliran nito na lalong nagpabaluktot sa matanda.

"Ano? Hindi ka pa kikilos? Ha! " Muli na naman sana siyang saktan ng magsalita siya.

"Tama na Walter, utang na loob." sabay na tumulo ang luha at sipon ng matanda sa sobrang sakit na nadarama.

"Hindi naman kasi ako makatayo dahil nakakandado ang aking isang paa at wala ng lakas ang mga tuhod ko."

"INUTIL, WALANG SILBI!" pinagtatadyakan na naman siya hanggang sa mawalan ito ng malay. Hindi na makasigaw para humingi ng tulong dahil sa sobrang hina at payat. Na kung magsalita ng malakas ay baka magkalasan na ang mga buto.

Dahil sa inis ni Walter ay iniwan ang matanda at siya na ang bumili ng alak.

Nakatayo na naman si Keren sa tapat ng mansion pero natatakpan siya ng isang sirang van. Nag-aabang kung sino ang bibiktimahin.

Nakita niya bumukas ang malaki nilang pinto. Butas-butas na kasi ang bakal na bakod kaya kung sisilip ka sa loob ay kita mo na ang kabahayan.

Isang matandang lalake ang lumabas at halatang may kargada. Hinanda niya ang sarili para paglabas nito ay sasalisi siya ng pasok.

Iyon na nga ang ginawa niya. Kahit alam na niya na ganoon na kagulo ang loob ng mansion ay hindi pa rin siya makapaniwala. Ang dating malapalasayong tahanan ay para na lamang tambakan ng lumang gamit, napakainit at madilim. Naghalo-halo na ang dumi at amoy.

Napaigtad pa siya ng makarinig ng may umubo sa may kusina. Hindi na siya nag-aksaya ng oras agad niyang sinundan ang ingay at sa likod ng kusina nila may maliit na kuwarto para sa mga stocks.

Halos madurog ang kanyang puso sa kanyang nakita. Ang kanyang ama, buto't balat na nakahadusay at parang nag-aagaw buhay na.

"D-DADDY? IKAW BA YAN?"

Kahit hirap na hirap ay pakiramdam ng matanda ay sinusundo na siya ng anak.

"Bakit ngayon ka lang anak? Nasaan si LJ? Hindi mo ba siya kasama sa pagsundo sa akin? Ang tagal niyo naman, gusto ko ng magpahinga anak. Gusto ko na kayong makasama ng nanay mo at si LJ."

"Patawarin mo rin ako kung hindi ko kayo naipatanggol mula sa tita mo. Tayo na anak, ayaw ko na dito." bumuhos na ang emosyon ni Keren.

"Dad, buhay po ako! Nakaligtas po ako sa pagsabog. Si LJ po, siya ang nagligtas sa akin. Iniharang niya ang maliit niya katawan sa akin."
Napadilat ang matanda ang akala niya ay patay na siya.

"KEREN! Buhay ka!" hinigpitan ang yakap sa anak ang payat nitong braso ay pilit iniyapos sa pikamamahal na anak.

"KEREN! Tabi diyan at aalisin ko ang kadena sa paa niya!" nagulat man dahil sa pagsulpot ng lalake ay tumabi din siya.

"Bilisan mo! Parating na siya!" utos nito sa lalake. Pabalik na si Walter. At mukhang may tama na ito ng alak, may bitbit pa itong gin at tumutungga ka.

"Tapos na ba Jeff? Papasok na siya!" ang sigaw niya.

"Ang laki kasi ng kadena kaya matatagalan pa ako sa paglalagari dito. Pigilan mo siya, gumawa ka ng paraan habang hindi pa siya nakapasok."

Nag-iisip ang babae kung paano mapipigilan ang lalake.

"Huwag na halika na at naputol ko na ang kadena!" naliligo na sila pareho ng pawis.

Bakit naman kasi ngayon pa lumambot ang tuhod ng lalake.

"Ano ba Jeff? Nandiyan na siya! At mukhang dumating na sila Evamae!" Nataranta na sila hindi na alam kung paano sila lalabas.

"Iwanan niyo na lang ako anak! Iligtas ninyo ang inyong sarili. Masaya na ako dahil nakita na kitang muli."

"Hindi dad! Sasama ka sa amin! Jeff? Isampa mo si daddy sa likuran ko."

"Walter!? Lasing ka na naman! Punyeta!" ang bulyaw ni Merilyn.

" Marco? " Punyeta ka talaga, nasaan si Marco?"

"Bilisan mo Keren!"

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon