Chapter 10

3.1K 83 0
                                    


PAGLIPAS ng isang taon ay umuwi na ang mag-inang Keren at LJ.

"SIS...! Dito kayo pupunta!" ang sigaw ni Jemailyn.

"Ninang...!" ang sigaw ng bata na habang tumatakbo papunta sa puwesto ng sundo.

"Dahan-dahan lang LJ." ang sigaw naman ng ina, habang tulak ang mga bagahe nila.

"WOW! Dalaga na ang ina-anak ko!" pinupog na ito ng halik.

"Ninang, your lipstick po, nagkalat na sa pisngi ko po." ang natatawang wika ng bata.

"Sorry, baby! Sobrang miss ka kasi ni ninang."

"Ako ba, walang yakap?" ang kunwari'y nagtatampong si Keren.

"HOY, KEREN HAPPUCH! Umayos ka! At hindi bagay sa'yo!" nagyakapan din ang dalawa.

"Siya, tara na at alam ko na pagod kayo sa biyahe."

PAGDATING sa dati nilang appartment ay nagulat sila dahil ang daming bisita.

"MALIGAYANG pagbabalik Friend!" sabay yakap ni Alvin sa kaibigan.

Lumapit din sa Aimee, kasabay ng ibang mga bisita may isang babae na na miss din niya.

"K-kumusta ka na Keren?"

Nanlaki ang mga mata ni Keren ng makilala ang babae at niyakap niya ito ng buong higpit.

"Kumusta ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang mga sulat ko sa'yo? Alam mo ba na nag-alala ako?" ang nakangiting sita niya sa kaibigan.

"Nakalaya na ako, sa tulong ni Attorney Aimee. Binuksan ang aking kaso at napatunayan na hindi ko talaga pinatay ang hayop na 'yon!" napagbintangan kasi ang babae.

Anak mayaman ito, spoiled brat. Pinagtangkaan siyang gahasain ng kauling asawa ng ina. Subalit nasaksak nito ang sarili ng hawak na patalim. Mula noon ay itinakwil na siya ng mga kamag-anak niya at ang pinakamasakit ay ang sarili niyang ina mismo ang nagpakulong sa kanya.

"Saan ka ngayon tumutuloy Arriane?" ang tanong niya pagkatapos ng yakapan at kumustahan.

"May apartment si Alvin at doon ako. Bumalik ako sa amin, pero ipinagtabuyan ako ni mommy." naiiyak na naman ang dalaga.

"Tama na ang iyak, basta ang mahalaga napatunayan mo na wala kang kasalanan."

"Salamat. Sampong na taon akong nagdusa sa loob."

DISI-OTSO lang ito ng makulong, gabi ng debut niya ng pinagtangkaan siya.

"Maghahanap ng trabaho, kung may tatanggap sa akin? Kaso, sinubukan ko mula ng lumabas ako sa kulungan ay ayaw akong tanggapin kapag nalamang excon ako."

"Dito ka na lang sa akin. May mga plano ako, at kailangan ko ng kaibigan. Payag ka ba?"

"Sigurado ka? Baka nabibigla ka lang?"

"'Di ba, noong nag-iisa ako sa kulungan, ikaw ang dumamay sa akin? Hindi mo ako pinabayaan, kaya please Arriane, huwag ka ng tumanggi."

"Sige na nga!" At muling nagyakap ang dalawang babae.

"Keren, nakahanda ka na bang harapin ang mga Fernandez?" ang abogado ng nanay Loida niya.

"Handang-handa na po Attorney Ver. Kailangang pagbayaran nila ang kanilang mga kasalanan." hindi niya pa rin maiiwasan ang magalit sa amang hindi pa nakaharap.

"Mabuti naman kung gano'n. Nabigyan ko nang babala ang mga Fernandez, lalo na si Merilyn."

"Humanda sila sa nalalapit kong pagbabalik."

NATAPOS ang pa-party sa kanila at nag-uwian na ang iba.

Ang naiiwan na lang ay ang mag-asawang Alvin at Aimee, si Jemailyn at Arriane.

"Ano sis, nakahanda ka na ba?"

"Matagal ko ng pinaghandaan ang aking pagbabalik."

"Mabuti naman kung gano'n. Basta nandito lang ako ha." sabay yakap sa kaibigan, alam nitong hindi madali ang kakaharapin nitong laban.

"Basta Keren, kung ano ang maitutulong ko, ay magsabi ka lang." ang wika ni Alvin. Parang kuya niya ito na nakahanda na damayan siya.

"Keren, kung ano man ang papirmahan sa'yo na mga papel, ay huwag kang basta-basta na pipirma. Sabihin mo na kailangan mo pang basahin ang mga ito." ang payo naman ni Attorney Aimee.

"Sis, kailan ka haharap sa kanila?" ang kinakabahang si Jemailyn.

"Sa Lunes. Dahil may gagawing stockholders meeting, at pagbobotohan kung mananatiling presidente si Mr. FERNANDEZ." ang pait na wika niya.

"Kaya mo 'yan, sis." niyakap siya ng kaibigan.

"Arriane, puwede ka bang sumama sa akin? Ikaw ang aking assistant?"

"Sige, Keren! At salamat sa tiwala.

"Nakahanda na pala ang lahat. So, puwede na tayong matulog at antok na ako." ang wika ni Alvin.

At nagpaalam na ang mag-asawa, maging si Jemailyn.

Nagpahinga na rin si Keren, si Arriane ay pumasok na rin sa kuwarto na binigay ni Keren.

Maraming dapat asikasuhin kinabukasan.

SAMANTALANG si Merilyn ay kinakabahan, dahil sa sinabi ni Attorney Ver.

Alam niyang abogado ito ng pamilya ni Loida. Ang akala niya ay nanahimik na ito.

"Puwede ba! Matulog ka na riyan at maaga pa ako bukas!" ang inis na si PJ.

"Alam mo ba na nagkita kami ni Attorney Ver?" binitin ng babae ang sasbihin.

"AT?

"May sinabi siya, tungkol sa kompanya. PJ, ayaw kong bumalik sa paghihirap, alam mo na lumaki akong mahirap pa sa daga. Mabuti na nga lang at tinanggap ako bilang anak ni don Edward."

"Merilyn, bakit ka naman maghihirap? "

"May magbabalik daw at babawiin ang lahat-lahat."

Biglang napabangon ang matanda ng marinig ang sinasabi ng asawa.

"Anong sabi mo? Babawiin ang lahat-lahat?" parang nauupos na kandilang napaupo ulit ang matanda sa kama.

Naalala niya sina Jane at Kate.

"PJ! Huwag na huwag kang magkakamali na tanggapin ang mag-inang iyon dito sa pamamahay ko!" biglang tapang ang babae.

Wala siyng nakuhang reaksyon sa asawa, tiningnan lamang siya nito at nahiga na.

KINABUKASAN araw ng meeting.

Nagsidatingan na ang mga stockholders at mga board members kasi ngayon ang araw na magdisesyon kung magpapalit ng presidente ang kompanya.

Si Mr. Fernandez at ang asawa't anak, pati manugang na si Jeff ay tahimik na nakaupo lang.

Kanya-kanyang boto na ang lahat. At kung sino ang may pinamalaking shares sa kompanya.

Nang mag declare na ang host ay biglang bumukas ang pintoan at parang slow motion na may pumasok na babae.

Si Jeff na nakayuko ay dahan-dahan nag-angat ng mukha at nanlaki ang kanyang mga mata.

Maging si Evamae at Merilyn. Maliban kay PJ na hindi kilala ang bagong dating.

HINDI NGA BA?

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon