Chapter 4

3.4K 82 0
                                    

Kahit nhihirapan ang dalaga na wala na ang ina ay pinilit niyang magpakatatag.

Pagkatapos kasi maihatid sa huling hantungan ang ina ay, pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya.

Nawala ang dati niyang sigla, nalulungkot siya, kaya nga siya nagsikap na mag-aral upang mabigyan ng medyo maginhawang buhay ang ina. Subalit, hindi pa nga siya nakapagtrabaho ay iniwan na lang bigla.

Lahat ng kaibigan niya ay dumamay sa kanya, lalo na si Jemaylen, na laging nasa kanyang tabi, maging si Jeff.

Pero hungkag parin ang kanyang pakiramdam, mayroon itong hinahanap at hindi naman niya alam kung ano.

Isang araw habang naghahalungkat siya sa gamit ng ina, dahil aalis na siya sa lugar na iyon. Lilipat na siya, iyong malapit lang sa trabaho.

May mga larawan siyang nakikita at nagulat siya ng mabasa niya ang likod ng isang lumang larawan ng isang babae at lalaki at kalong ng lalaki ang sanggol.

Sept. 5,1989
Husband PJ
Wife Jane
At baby Kate

Kumabog ang kanyang dibdib ng mabasa ang nakasulat doon. Tiningnan niya isa-isa ang mga lumang larawan. Isang sulat ang nakita niya at para sa kanya. Nanginginig ang kanyang mga kamay ng buksan niya ito. Para sa aking mahal na Keren.

Anak, humihingi ako ng tawad kung bakit ako naglihim sa'yo.

Hindi ka iniwan ng iyong ina. Dahil ako mismo ang iyong tunay na ina.

Nabuntis ako ng iyong ama na si Marco Fernandez. Pero hindi ako ang mahal niya kundi ang step sister kong si Merilyn, pero ginawa ko ang lahat upang maagaw ko siya. Oo, naagaw ko siya, subalit usapan na pala nila iyon.

Nagpakasal kami at ipinanganak kita.

Isang gabi ay pinagtangkaan nila akong patayin, para sa kanila mapunta ang kayamanan ni papa.

Wala kasing ipinaman si papa kay Merilyn, which is tama lang dahil si mama ang mayaman.

Hirap ako dahil may sakit ka, at wala akong alam na pupuntahan. Natulog tayo sa bangketa, doon ko nakilala ang lola Anding mo at sinama niya tayo sa lugar niya at ng mamatay siya ay bumalik tayo dito.

Para masiguro ko ang kaligtasan mo ay nagpalit tayo ng pangalan.

Ikaw si Kate Marie Almendra Fernandez.

Anak, sana mapatawad mo ako, dahil nagawa kong ipagkait sa'yo ang kaginhawaan. Mahal na mahal kita anak.
Nanay Jane.

Pagkabasa niya sa sulat ay hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa ina. Pero talagang ganoon ang buhay , ang hindi niya lang alam kung buhay pa ba ang mga taong sinasabi ng ina.

Nagpahid siya ng luha at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Saka na niya isipin ang iba, kapag maayos ang mga bagay-bagay at higit sa lahat, maiayos niya na ang sarili.

Malapit na siyang matapos magligpit ng tumunog ang kanyang cellphone.

Ayaw niya sanang sagutin kasi nagmamadali siya, subalit makulit ito.

"Hello?"

"Hi! Akala ko hindi mo na sasagutin ang tawag ko?"

Nagulat ang dalaga, ng malinigan kung sino ang tumawag.

Pero gusto niya pa rin makasiguro.

"Y-yes? S-sino ito?"

"Grabe ka naman! Nakalimutan mo na agad ang boses ko?"

"Ikaw pala Jeff." kunwari'y hindi niya kilala.

"Puwede ka bang ayaing kumain sa labas? Isang friendly date lang." ang nabubulol na tanong ng binata.

First time kasi na siya ang nagyaya ng date sa isang babae.

Nagtatalo ang isip ng dalaga kung papayag siya o, hindi.

Pero ng maisip niya na makakasama sa lalaki, kahit nga na friendly date lang ay kinikilig na siya.

Huli nilang kita ng binata ay iyong pumanaw ang ina, hanggang sa mailibing ito.

At bigla din itong hindi nagpakita sa kanya sa loob ng dalawang buwan.

Pagkatapos ng sampalan blues nila sa school noon ay no show na ang binata at na miss niya ito... Sobra.

Ngayon lang ata sila magkikita na walang masamang mangyayari. Tuwing nagsasanga ang mga landas nila ay may mga hindi magandang nangyayari.

"Keren? Nandiyan ka pa ba?" ang tanong ng binata na nagpabalik sa huwesyo ng dalaga.

"Sorry, may sinasabi ka?"

"Ang sabi ko, baka puwede tayong magkita at magdinner na rin."

"Sige, puntahan mo ako ng Seven, at tapos na akong magligpit."

"Darating ako. Bye, see you tonight." pakiramdam niya

ay kinindatan siya ng binata. At nagdulot ng kilig at kaba sa kanyang puso.

Bilisan niya ang pagliligpit at Kailangan pa niyang mag-ayos, mula ng mamatay ang ina ay ngayon lang siya uli lalabas at alam niyang masaya ang ina para sa kanya.

Pagpatak ng Alas-Siyete ay nakarinig na siya ng busina at hindi siya mapakali.

Maya't maya ang tingin niya sa salamin sa may sala nila.

Simple lang naman ang suot niya. At sa nakita niya sa suot ng binata ay magkatugma naman. Nakalugay ang hanggang balikat na buhok at light na make-up lang.

"You look so beautiful tonight." ang wika ng binata habang inaabot ang dala nitong bulaklak at lalong nagpakilig sa kanya.

At isang kiming Thank You ang sukli niya.

Lumigid ang binata sa kabilang side, upang ipagbukas ng pinto ang dalaga.

"Tayo na para makarami." ang pilyong wika ng binata at nagblush ang dalaga.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon