Chapter 7

2.9K 77 0
                                    

Sa Mansion ng mga Fernandez.

"Marco! Kailan ka ba titigil sa paghahanap kina Jane? Matagal na silang patay! Kaya puwede ba!" ang galit na galit na si Susan.

"Kasalanan ko ang lahat! Kung hindi sana ako nagpadala sa tukso. Sana masaya kaming nagsasama ni Jane, kapiling ang anak naming si Kate." naiyak ang Don ng maalala ang tunay na pamilya.

"Tayo ang unang nagmamahalan, PJ! Kaya puwede ba, kalimutan na natin sila!" bulyaw niya sa asawang naka-upo sa silyang de gulong.

"Malaki na talaga ang ipinagbago mo Susan. Wala na iyong pamagkumbaba at mapagmahal na babaeng minahal ko noon." ang hinayang na Don.

"Ikaw din naman ang may kasalanan, kung hindi mo sana pinakasalan ang babaeng 'yon! Sana ako ang tunay mong asawa."

"Sana mapatawad ako ng aking mag-ina, kung saan man sila naroroon ngayon." ang tanging nasabi ng matanda na lalong nagpa-init sa ulo ng Donya.

"Hindi ka ba talaga titigil, sa kakabanggit sa kanila ha? Rinding-rindi na ako sa'yo!"

At iniwan ang asawang umiiyak dahil nagsisisi ito, sa ginawang pagpapalayas sa tunay na pamilya.

Samantalang sina Jeff at Evamae ay noong una lang masaya ang kanilang pagsasama, ng magtagal na ay umiiyak ang araw kapag hindi sila nagkasakitan.

"Hindi mo pa rin siya nakakalimutan! Tandaan mo Jeff! Kung hindi ko inurong ang kaso ay sana nabubulok na siya sa kulongan! Kaya, kung ayaw mo siyang maibalik doon ay ayosin mo ang pakikitungo sa akin!" ang bulyaw ng babae sa asawa at iniwan na ito sa loob ng bahay.

"Keren, patawarin mo ako! Ayaw kung mahirapan ka, kaya pumayag akong magpakasal kay Evamae." ang umiiyak na lalaki, habang kausap ang larawan ni Keren na nakatago sa kanyang wallet.

"Sana, masaya ka ngayon, sa piling ni Alvin. Mahal na mahal kita."

Ang akala ni Jeff ay hindi na itinuloy ni Evamae ang kasong pagtangkang pagpatay sa kanya ni Keren. Nagkamali siya, dahil habang buhay ang sentensiya sa dating kasintahan. Niloko lang siya ng asawa.

At sinabi pa nito na nagsasama na sina Alvin at Keren.

Limang taon ang lumipas ay na grant ang parole na ni-request ng abogado ng dalaga, dahil nakitaan ito ng mabuting pag-uugali kaya napadali ang lahat.

"Welcome to the out side world!" ang biro ng lalaki, kasama ang asawa nito na naging kaibigan din niya. Ang kanyang abogado. Akala nga niya ay nagbibiro lang si Alvin, ng sabihin nito sa kanya na magpapakasal na ito.

At masaya siya sa dalawang tao na naniniwala na wala siyang kasalanan.

"Bakit ang tahimik mo ha?" sabay kalabit sa kanya ni Jemaylen habang kumakain sila sa isang restaurant.

"Wala, may naalala lang ako."

"OMG! Sorry Sis, kung dito ko kayo dinala."

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin." pero deep inside ay iyon na nga. Sa restaurant din kasi na iyon, muli silang nagkita ni Jeff.

"Siya! Kain na tayo at lumalamig na ang pagkain." ang masiglang wika ni Alvin, habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng asawa at kay Keren.

Kinalimutan muna ang lahat at masaya silang nagsalo sa pagkain. Hindi nila napansin na may mga mata palang nakamasid sa

kanila. At halos madurog ang puso nito sa panibugho, sa kanyang nasaksihang ekina.

"Talagang masaya na sila ni Alvin." hindi na niya kaya ang hapdi kaya nilisan niya ang naturang lugar. Pero napansin pala siya ni Keren.

"Hindi ako maaaring magkamali, si Jeff iyon." ang bulong niya sa sarili. Nahuli niya kasing nakatingin sa kanilang puwesto.

Susundan na sana niya ng pigilan siya ni Alvin.

"Ayusin mo muna ang sarili mo, bago mo siya harapin." at ginagap ng kaibigang abogada ang kanyang kamay.

"Makinig ka sa amin Keren, kailangan na nakahanda ka na."

"Tango na lamang ang kanyang naisagot bilang pagsang-ayon.

"Ano ang nangyari sa inyong tatlo? Para kayong nakakita ng multo ah!" nagpatawa pa! Sablay naman.

"Wala Sis, sige kain na tayo at gusto ko ng magpahinga at bukas ay maghanap na ako ng trabaho."

Sumang-ayon ang tatlo sa kanya at pagkatpos ay inihatid na siya sa kanyang bagong tirahan.

"Ito ba ang bago kong tirahan? Baka hindi ako makabayad nito?"

"Ano ka ba, akin ang apartment na ito, pero

ibibigay ko na sa inyo ni LJ." sabay abot ng susi sa kanya ni Aimee.

"Salamat attorney... Talagang malaki ang utang na loob ko sa namin mag-asawa, kung hindi sa inyo, ewan ko lang kung saan na kami pupulutin na mag-ina. "

"Bakit mo nahulaan?" sabay akay sa kanya sa loob ng kaibigang si Alvin.

Natatawa lang na nakasunod ang dalawang babae.

Sakto namang padaan si Jeff, papunta sa bahay ng kaibigan. At iyon ang kanyang nakita, isang nakangiting Keren, ang pumasok sa loob ng bahay at akay-akay ni Alvin.

Talaga namang selos na selos siya, gusto na niyang sugurin ang mga ito.

Pero ano ang karapatan niya? May asawa na siya at malamang mag-asawa na rin ang dalawa.

Nakapagdisesyon na siya, kakausapin niya si Keren.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon