Chapter 5

3.2K 84 0
                                    

Dinner with candlelight, at sweet music on the air, plus his handsome date...

Pagkatapos kumain ay sumayaw sila sa saliw ng musica.

"Keren..."

"H-ha?" nagulat siya dahil biglang naramdaman niya ang hininga nito sa tainga niya.

Pero papunta ang init sa mukha niya paglapat sa kanyang labi ay hatid nito ay init na hindi niya maipaliwanag.

Kaya bago pa lumalim ang halik na iyon ay itinulak niya ang binata.

"Gusto ko ng umuwi..." halos ayaw lumabas sa kanyang bibig ang salitang iyon.

Tango lang ang sagot ng binata at inakay na siya ng binata palayo sa naturang lugar.

"MAHAL kita Keren, at ayaw ko ng malayo pang muli sa'yo. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, kaya nakikiusap ako, huwag ka ng mawala pa?"

"J-JEFF... M-mahal din kita." ang sagot niya na nakayuko. Iniangat ng binata ang kanyang mukha at yumuko ito, upang salubungin ang kanyang mga labi.

Noong una ay nahihiya ang dalaga, pero ng magtangkang pumasok sa bibig niya ang dila ng binata,

ay kanyang pinagbigyan at habang humihigpit ang kapit ng mga braso niya sa batok ng binata. Ang halik na iyon ay ilang sandaling nagpatuloy.

---

At habang tumatagal ang kanilang relasyon ay lalo nilang nakilala ang isa't isa. Napakasuwerte niya dahil may magandang trabaho at isang maalalahanin na nobyo. Ayaw na niyang isipin ang tungkol sa kanyang ama.

Isang araw...

"Keren Flores?"

"Ako nga po___" nabitin pa ang iba niyang ng isang mapanuring tingin ang bumungad sa kanya.

"Layuan mo ang nobyo ng anak ko, kung ayaw mong mapahamak!" at tumalikod na ang ginang. Naiwang gulat ang dalaga, dahil ni hindi nga ito nagpakilala sa kanya.

"Sandali lang po..." ang habol niya sa babae.

"AT BAKIT? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Gusto mo bang ulitin ko sa 'yo?" ang wika nito habag nakatikwas ang isang kilay.

"Hindi naman po sa ganoon... Hindi ko po kayo kilala."

"Ganoon naman pala! Kaya bakit ka pa nagsusumiksik kay Jeff? gulantang ang dalaga sa narinig.

"Ano po?"

"Kung ayaw mong may masamang mangyari sa'yo... Ay iwanan mo si Jeff!"
tulala ang dalaga sa kanyang narinig.

"Keren? Sino iyong kausap mo? Mukhang galit na galit ah."

"Hindi ko po kilala sir." ang sagot niya sa manager nila.

Binata ito at mukhang malakas ang tama kay Keren.

"Parang nakita ko na ang babaeng iyon. Hindi ko lang matandaan kung saan, pero pamilyar siya sa akin." Nag-isip ito habang nakatayo sa harap ng table ni Keren sa naturang laboratory.

Sa isang malaking laboratory ng gamot siya nagtatrabaho.

"Alam ko na sino! Siya si Mrs. MERILYN FERNANDEZ! Ang asawa ni Mr. Marco PJ Fernandez ang isa sa pinakamayaman sa bansa at nagkalat ang mga negosyo nila. At sa pagkaka-alam ko, isa din sila sa may-ari nitong company." nanlaki pa talaga ang butas ng ilong ng lalaki.

Samantalang si Keren ay nanlatang napasandal sa headboard ng kanyang upuan. Kung sino pa iyong mga taong pinakaiiwasan niya ay siya pang lumalapit sa kanya.

"Okay ka lang Keren?" sabay lapit sa dalaga at hilot sa noo nito na siyang

ikinagulat ng dalaga.

"I'm okay Alvin, salamat sa concern." tumayo siya, kinuha ang gamit, at lumabas ng opisina.

"Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin." nilisan ang opisina. Hindi muna siya umuwi, gusto niya sanang maka-usap ang nobyo, kaso nasa business trip ito. Si Jemaylen naman ay hindi niya puwedeng basta-basta na lamang hilahin, dahil buntis ito sa panganay na anak nila ni Miko.

Masaya siya para sa kaibigan, dahil sigurado na ito sa kanyang pag-ibig.

"Ako kaya? Sigurado na ba ako sa kanya?" wala sa sariling nagpa-ikot-ikot sa mall ang dalaga.

Gusto niyang kalimutan na nakaharap niya ang taong nagtangka sa buhay nilang mag-iina.

Pero ang nagpawindang talaga sa kanya ay iyong sinabi ng babae na inaagaw niya ang nobya ng anak nito.

Hindi na siya makapaghintay, kailangang maka-usap niya ang kasintahan. Umupo siya sa loob ng isang fast-food restaurant at pinindot ang numero ng lalaki.

Nakasampong dial muna siya bago ito nasagot.

"Keren? Bakit? May problema ba?" ang nag-alalang lalaki,

Hindi kasi tawag ng tawag ang nobya, tapos ngayon, halos ma-drain ang kanyang phone.

"May kailan ka uuwi? May kuma-usap kasi na babae sa akin na ina daw siya ng girlfriend mo. Jeff? Akala ko ba, ako lang ang mahal mo?" tuloyan ng bumagsak ang luha ng dalaga.

"Keren! Calm down okay? Mamayang gabi ay nariyan na ako, mag-uusap tayo. Kaya, please lang, huminahon ka ha?" ang natarantang binata, hindi niya alam kung paano aluin ang nobya. Nasa malayo kasi siya.

"Keren? Nariyan ka pa ba? Please, huminahon, ka. Nasaan ka ba ngayon?"

"Narito ako sa isang mall." ang sagot niya sa pagitan ng pag-iyak.

"Sige, umuwi ka na at dideretso ako sa apartment mo." hindi pa rin mapigilan ng binata ang mag-alala sa nobya.

May idea na siya kung sino ang tinutukoy niyo. Ang mama ni Evamae.

Ang akala niya ay nagka-intindihan na sila ng dating kasintahan.

Umuwi na ang dalaga na mabigat ang dibdib. Hindi siya makapaniwala na niloloko siya ni Jeff.

Minahal niya ito ng buong puso, tapos ngayon, malaman-laman niya na may

namamagitan pa pala sa kanila noong Evamae.

Wala siyang magagawa, kailangang hintayin niya ang pagdating ng kasintahan.

Natulog ang dalaga na puno ng agam-agam ang kanyang puso.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon