Chapter 16

2.7K 73 0
                                    

HALOS mapuno ng mga bisita ang isang malaking yate na ginamit nila para sa party ni Keren.

Umaapaw ang pagkain at inumin. Lahat ng dumalo ay mga kilalang negosyante at press people, mga politicians.

Mga sikat na celebrity ng bansa, maging ang dating kapitbahay nila ay pinadalo din.

"ANO ba kayo! Kanina pa ang mga bisita natin!" ang excited na wika ni Merilyn.

"Nariyan na, convoy na kami sa inyo tita!" ang sagot ni Keren, habang akay ang anak.

"mabuti pa nga, dahil katatawag lang ni Arriane at andoon na ang lahat ng mga bisita. Sina Evamae ba nakahanda na?" napagg-usapan nila na sa mansion na sila magmumula lahat.

"Pababa na kami!" pero nauna ng umalis ang sina Merilyn.

"Mom, gusto ko po magbanyo muna." ang medyo nahihiya pang sabi ni LJ sa ina.

"Akala ko ba sumunod na kayo kina mommy at daddy?" parang sawa na nakapulupot sa baywang ng asawa.

"Magbabanyo lang po muna ako tita."

"Ganun ba, sige mauna na kami na sa inyo."

At inirapan si Keren dahil halatang namangha ito sa kakisigan ni Jeff. Wala pa rin pagbabago, bagkus lalo pa itong gu'wapo.

"Daddy, puwede po bang magpakarga ako sa inyo?"

"Anak, ang bilis mo naman natapos? Naghugas ka ba ng kamay mo?"

"Malinis na po siya senyorita." ang sagot ng kasambahay.

"Salamat manang, sige mauna na kami." sumunod na siya sa tatlo.

"LJ, magkikita na lang tayo sa party ha." sabay halik sa pamangkin.

"Okay po tita. Daddy, I love you po, mahalin niyo si tita at salamat kasi nakilala ko po kayo." niyakap siya ng ama.

Bilang ama ay nakaramdam ng takot sa mga sinasabi ng anak. Pero natutuwa siya dahil hindi ito ipinagkait sa kanya ni Keren.

Naunang lumabas ang kotse ni Jeff. Ilang sigundo din sina Keren naman.

"Manong, ingat po tayo ha, dahil may kasama po tayong bata."

"Walang problema mam."

"Mommy, napakaganda niyo po sa gown ninyo! At siyempre ako din!"

"Ang anak ko talaga, saan mo natutunan ang pagiging bolera ha?" sabay pupog ng halik sa anak.

Napuno ng tawanan ng mag-ina ang kotse. Pero sadyang ganun ang buhay ng tao. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo magtatagal sa mundong ating ginagalawan.

"Senyorita! Ayaw kumagat ng brake! " Iyon lang ang huling salita na narinig nilang mag-ina at isang nakakabinging katahimikan na.

"Arriane? Wala pa ba ang anak at apo ko?" ang hindi mapakaling si Marco. Pati rin pala si Jeff ay balisa din.
Samantalang ang dalawang bruha ay abala sa pakikipagsosyalan sa party.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may natanggap na tawag si attorney Ver.

"DON MARCO! Nasa hospital ngayon ang mag-ina! Nag-agaw buhay!" Iyon lang at bumaba na ng yate kasama sina Arriane at mag-asawang attorney Aimee at Alvin.

"Magsaya ka na Merilyn, dahil sa wakas ay nagtagumpay ka na!" ang bulong niya sa babaing dating minahal. Hindi na nakakibo ang babae, mabuti na lang at walang ibang nakarinig.

"Marco! Kailangang puntahan natin ang anak mo!" Ito na ang nag-aya sa asawa.

Si Jeff naman ay hindi malaman ang gagawin.

Kung hindi pa siya nilapitan ng mga magulang upang tanungin kung ano ang nangyari ay hindi pa ito matauhan.

"MOM, DAD! Nasa hospital ngayon ang anak ko!" pagkasabi niya ay saka palang pumasok sa isip niya na puntahan ang mga ito. Walang paalam na tinalikuran ang mga magulang, nawala na rin sa isip niya si Evamae.

"Hanapin mo si Evamae Agustin! Mabuti na iyong mabantayan niya ang asawa, ayaw ko na mapalapit si Jeff sa EXCONVICT na 'yun! At pati na doon sa bata, malay ba natin kung anak din iyon ng kriminal sa loob at pinakilalang anak ni Jeff." kahit talaga kailan ay hindi nila matatanggap si Keren, pati na ang kanyang anak.

"Kumusta na ang anak at apo ko ha?" ang humahangos na Marco.

"Pasensiya ka na, dahil wala na tayong nabutan na katawan, sunog ang nasa loob ng kotse dahil sa tindi ng pagsabog." ang sagot ni Attorney Ver.

"Hindi maaari! Anak...! Apo ko...! Bakit niyo ako iniwan...!" Hindi na nagpigil ang ama at nag-iiyak na ito.

"Nasaan ang sunog na bangkay nila? Gusto ko makita!"

"Ikinalulungkot po namin senyor, ayaw namin na makita ninyo sila sa ganoong sitwasyon, kaya pina-cremate na po namin sila." si Arriane na ang sumagot sa tanong ng ama.

"Bakit mo ginawa 'yun? Sino ka ba? Wala kang karapatan upang magdisesyon dahil kami ang tunay na pamilya! Hala! Layas! Hindi na namin kayo kailangan!" ang sigaw ni Merilyn.

"Aalis lamang kami kapag nai-ayos na ang kanilang mga remains. Pinagsama na namin ang abo ng mag-ina."

Samantalang si Jeff ay hindi na nagtagal pa sa naturang lugar, tama na ang nakita at narinig niya.

"Bakit ganun ka Diyos ko! Hindi ko pa sila nakasama ng matagal! Madaya Ka! " umiyak siya ng umiyak sa loob ng kanyang kotse.
Dahil malinaw pa sa kanyang isipan ang sinabi ng anak kanina, bago sila maghiwalay.

"KUNIN NIYO NA RIN AKO!!" at pinaharutot na ang sasakyan.

"Marco, mapahinga ka muna, baka ikaw naman ang magkasakit." ang malambing na wika ni Merilyn.

"HINDI NAMATAY SA SAKIT ANG APO AT ANAK KO!" ang bulyaw niya sa asawa.

Hindi na pinatagal ang abo, agad nila itong pinalibing.

Lahat nagluluksa, maliban sa mag-inang Merilyn at Evamae, kulang na lang ay magpa-party.

Si Marco ay tuloyan ng nagkasakit, dahil ayaw kumain.

Samantalang si Jeff ay hindi na umuwi sa bahay nila lagi lang itong lasing. Sinisisi ang sarili sa nangyari sa anak at kay Keren.

"Mahal na Mahal ko kayo, bakit? BAKIT! ?" doon na siya sa musuleo ng pamilya ni Keren. Kinakausap ang larawan na nakapatong.
Hindi na siya umaalis doon, larawan ng kawalang pag-asa sa buhay.

~~~~

"ANAK!!!"

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon