Chapter 14

2.9K 58 0
                                    

"ANO ba Walter? Kailan mo ba isasagaw ang iniutos ko sa 'yo?" ang bulyaw niya sa kabilang linya.

"Hintayin mo na lang at malapit na. Huwag kang magmamadali! Kaya ka pumapalpak dahil masyado kang apura! Ipaubaya mo na lang sa akin ang lahat."

"Sige! Bago matapos ang buwang ito at kailangan ko ng resulta!" pinutol na ang tawag.

"PJ, bakit hindi mo imbitahin si Kate na dito na tumira sa atin, total ang laki naman nitong mansion para sa ating dalawa. Si Evamae doon na nakatira sa bahay nila ni Jeff, kaya napakalungkot na." ang paglalambing ni Merilyn.

"Matagal ko na siyang sinasabihan ngunit ayaw niya." ang malungkot na sagot niya sa asawa.

"Maganda kapag nandito sila para makasama man lang natin ang ating apo, kahit naman papaano kay makabayad man lang ako sa aking mga kasalanan kay Jane." sabay pahid ng luha sa mga mata.

"Kalimitan na natin iyon, ang mahalaga ay nagbalik na ang aking anak. Kaya tama na ang pag-iyak." niyakap niya ang asawa.

"Gusto ko rin naman na makabawi sa lahat ng pagkukulang sa kanya, sa pamamagitan ng pag-aalaga sa ating apo. Kahit na anak nila ni Jeff iyon."

"Tama ka Merilyn, at salamat dahil wala ka ng sama ng loob kay Jane."

'Iyan ang akala mo PJ, pasasaan ba at tuloyan na rin na mabura sa mundo ang babaing iyon.' ang bulong niya sa sarili.

Tumango lang ang lalaki, ang akala talaga niya ay katulad niya si Merilyn na nagbago na.

Pero ang totoo ay sinadya nitong doon kuno patirahan ang dalawa, para kung ano man ang mangyayari ay hindi siya paghihinalaan ng asawa.

"Lolo! Mabuti po napasyal kayo, lagi lang si daddy ang pumupunta dito."

"Ganun ba, apo... Pero gusto mo naman hindi ba?"

"Opo naman! At sana lagi na lang tayo magkasama lolo, para po, ipag-bake ko kayo ng cookies."

"Talaga apo? Gagawin mo 'yun? Natatakam na tuloy ako sa sinasabi mo na cookies."

"Sige, kaka-usapin ko ang mommy mo na doon na kayo tumira sa atin, para lagi na tayong maglalaro."

"Talaga po lolo? Heeyyee!" pinaghahalikan ang kanyang lolo.

"Kanina pa po kayo dad?"

"Hindi naman, kumusta ang opisina? "

"Ayos lang, hindi naman ako kinukunsume ng asawa ninyo at anak."

"Mabuti naman kung ganun. Siyanga pala may pag-uusapan tayong mahalagang bagay."

"Kung tungkol po sa pagtira namin kasama kayo ay pasensiya na at hindi po ako papayag. Isa pa po, ayos lang sa amin itong tirahan namin."

"Pero anak, mas panatag ako kapag nandoon kayo sa poder ko."

"Bakit? Noong sanggoo pa ako ay tumira kami ni nanay sa kalye, kung ligtas kami sa poder ninyo?" Hindi napigilan ni Keren ang inis sa ama.

"Akala ko ba, kinalimutan mo na iyon? Kaya nga gusto ko na doon kayo para makabawi ako sa inyo ng apo ko."

"Pasensiya na po at nabigla lang ako. Mas mainam na iyong malayo sa mga mata ni Evamae ang anak ko."

"Hindi maaaring saktan ng kapatid mo ang pamangkin niya, at ag tita Merilyn mo nga ang nagsuggest na doon na kayo tumira."

May biglang dumating na kotse ang akala nila si Jeff.

"Ano ba? Hindi mo ba ako tuulongan sa mga dala ko?" ang sigaw ni Merilyn kay

Arriane. Kahit nabigla ang dalaga dahil sa bulyaw sa kanya ng bagong dating, at halos hindi na magkamayaw sa daming dalang paper bags at plastic na mula sa mga sikat na mall.

"Nako naman Kate, bakit kumuha ng katulong na tanga! Kung hindi ko pa sinabi na tulongan ako ay, ayaw pang kumilos.

"Huwag mo kantiin ang kaibigan ko, kung ayaw mo na palayasin kita sa pamamahay ko!" napukaw lang ang galit na nakatago sa kanyang puso, para sa kaibigan ng ina.

"Humihingi ako ng despensa Arriane kung nasigawan kita. Here It's for you." kay tamis ng ngiti nito sa dalaga, ngunit kaibahan naman ang nasa isip.

"Salamat po senyora."

"Sis, doon kayo sa loob ni LJ."

"Ano ang kailangan ninyo? At para saan itong mga dala ninyo? Kung ibinigay ninyo ito sa mga mas higit na nangangailangan ay baka matutuwa pa sa' yo ang Diyos."

"Huwag ka naman magsalita ng ganyan Kate, pumunta ako dito, hindi para insultuhin ang kaibigan mo, kundi ang makipagbati."

"Patawarin mo na ang tita mo anak. Hindi niya sinasadya iyon."

"Ano po ba ang kailangan ninyo at naligaw kayo rito?" ayaw sana niyang maging sarcastic kaso hindi niya talaga mapipigilan ang sarili.

"Iha, humihingi na ako ng tawad sa 'yo, kaya please kalimutan na lang natin iyon, matagal naman na ang pangayayari at may LJ ka na. Maganda iyong lumalaki ang anak mo na puro pagmamahalan at pagkaka-unawaan ang kanyang nakikita... Hindi ba?" sabay yakap sa kanya ngumiti na para bang panalo na siya.

Napag-usapan nila ang paglipat sa mansion.

"Sige, pag-iisipan ko ho ang sinabi ninyo." ang matamlay na sagot niya sa pakay ng ama.

"Sana huwag mo ng patagalin Kate, para din ito sa kaligtasan ninyong mag-ina."

"Salamat sa pag-aalala ninyo."

"Sige, anak mauna na kami, tumawag ka lang." niyakap siya ng ama.

~~~~Kinagabihan~~~~

"Ano ang plano mo ngayon? Babalik ka na ba sa bahay ninyo?"

"Hindi ko alam sis, ayaw ko naman na biguin ang aking anak. Masaya siya na kasama ang kanyang lolo."

"Pero alam mo iyong step-mom mo, mukhang may binabalak na masama. Alam mo naman kung saan

tayo nanggaling hindi ba? Lahat ng uri tao ay nakasama natin sa kulongan."

"Alam ko... Kaya nga nag-aalangan ako, kung ang kami nga ni nanay ay pinagtangkaan nila, ang anak ko pa kaya? Pero, baka nga nagbago na siya? At hindi naman doon nakatira sina Evamae at Jeff."

"Ikaw, basta mag-iingat ka sis."

Kalagitnaan ng pagtulog nila ng makarinig ng kalabog sa kusina nila.

AKO'Y NAGBALIK written by:Sheng(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon