Chapter 1: Ryujin's Oplan

93 2 0
                                    


"Minjeong? huy babaeng matakaw", agad akong napalingon kay Ningning nang bigla siyang sumigaw.

"Ano ba kasi yun?",wala sa mood na sabi ko kasi actually natutulog lang ako habang nakayuko sa table dito sa library nang bigla akong gisingin nitong kinulang sa buwan na kaibigan ko.

"Chillax lang MJ baka marinig ka nung librarian at paalisin pa tayo rito nang maaga", sabat naman ni Ryujin, kaibigan kong kalog pero sweet lover kuno.Ang lakas lang ng trip.

"Ba't ba kasi kayo nang gigising? kitang di ako makatulog nang maayos sa gabi tapos bubulabugin niyo pa ko sa nap time ko", nakasimangot na sabi ko tapos bigla ba naman akong kurutin sa pisngi ni Ningning kaya naman muntikan na talaga akong mapasigaw.

"Chill lang bestfriend, nakita kasi namin yung crush kong 3rd year na BSCE.",sabi pa ni Ryujin tapos di ko alam kung namalik-mata lang ba ko pero parang kumislap yung mga mata niya.

"Yung Yeji na naman ba yan?",sawang sawa na sabi ko.Paano ba naman kasi kahapon ay din man lang matigil itong si Ryujin sa kakakwento about Yeji Hwang na sobrang galing sumayaw sa org nila,like bruh walang nagtatanong.

"Mainit na naman ulo mo MJ, sayang ituturo ko sana sayo yung bestfriend ng future ko", agad na sabi nito at agad naman akong umarteng sobrang lakas ng hangin.

"Ewan ko sayo",ang nasabi ko nalang saka ko kinuha ang isa kong libro at nagsimulang magbasa.May quiz daw kasi kami mamaya tapos may mga senior at junior kaming makakasama sa room.

Natatakot lang naman ako na wala akong masagot mamaya baka kasi may biglaang pa-oral si Ma'am Clea.

"Sikat kaya yung bestfriend niya,balita ko ay mataas ranggo non sa SCEA.Magaling din sumayaw kaya maraming nagkakagusto don,ang tanong nga ng marami ay kung aware kaya siya na maganda siya?", napailing nalang ako puro kasi nonsense saka kung maganda yung tinutukoy niya ay siguradong sobrang hirap abutin non parang si Yuji lang. Naisipan kong tawaging Yuji si Yu Jimin pero sa isip ko lang naman.

Nandito na ako ngayon sa classroom namin for CE orientation na subject di ko alam kung anong trip ni ma'am at may mga kasama kaming seniors at juniors.

Agad naman akong humanap ng mauupuan at napili kong doon nalang sa pinakadulo umupo malapit sa bintana.Actually napaka-introvert ko kasi kaya madalas ayokong makisalamuha sa mga tao though minsan napipilitan nalang ako kasi wala akong choice especially if groupings.

Di ko pala kasama sila Ningning dahil magkakaiba kami nang course. si Ningning ay Computer Engineering samantalang Mechanical Engineering naman si Ryujin. Ako lang ata samin yung gustong magtayo nang buildings sa future.

Sa sobrang tagal ni Ma'am dumating ay di ko namalayang nakatulog pala ako.

Buti nalang at ginising ako nang katabi ko.Kaya naman agad akong nag-unat ng kamay at leeg saka ako lumingon sa katabi ko para magpasalamat kaya lang paglingon ko ay tila tumigil ang mundo ko.

Gagi, si Yuji ba talaga tong katabi ko?

Baka naman nananaginip lang ako?

Kaya naman agad akong lumingon sa labas ng bintana tapos agad kong kinusot ang mga mata ko, kinurot ko pa nga yung pisngi ko para makasigurado.

Pero paglingon ko sa kanya ay totoo talaga siya. I'm sitting beside my crush right now at di ko alam kung masisiraan na ba ko ng ulo?

Pero agad kong kinompose ang sarili ko.Hindi naman niya ko mahuhuli kung di ako magpapahalata sa kanya.

Kaya naman agad ko siyang nilingon ulit na kasalukuyang nagsusulat sa notebook niya.

"Uhmm.., thank you pala sa paggising sakin at sorry if naabala pa kita", seryosong sabi ko kasi seryoso ako sa kanya HAHAHAHA.


A Glance from a Distance Where stories live. Discover now