Chapter 16: Her Past Trauma pt.2

25 2 0
                                    

Hanggang sa dumating yung birthday ni Yuji.

At talagang nagpatulong pa talaga ako kila Wonnie at Minmin sa paghahanap ng malaking tela at di lang yan nagpaturo rin ako sa mama ni Minmin ng paggawa ng munchkin cookies sana yun kaya lang di pa ako ganon ka pro saka busy yung mama niya sa business nila nakakahiya naman kung makikisingit pa ko sa schedule niya madali lang naman daw kasing gumawa ng munchkin na home made.




"Sure ka bang matutuwa si Karina sa gagawin mo? Diba parang nakakainsulto yun?",tanong pa sakin ni Wonnie na ikinatawa pa ni Minmin pero umiling lang ako. Maiintindihan naman siguro ni Yuji yung gusto kong ipabatid sa kanya sa gagawin kong surprise.







"Sabi mo eh, ito lang ba yung dadalhin?",tanong pa ni Wonnie.










Kaya naman agad na akong pumunta sa Ospital, na-discharge na kasi ako kaya bumibisita nalang ako doon.










"O, winter dadalaw ka na naman kay Yuji?",tanong nung isang Nurse.









"Opo, sige po una nako", nakangiting sabi ko saka ako excited na pumunta sa kwarto niya. Nadatnan ko pa yung Mama niya.









Kaya naman napaatras ako kasi first time ko siyang mamimeet.








"Iha, may kailangan ka ba?", tanong nito sakin hindi naman ako agad nakasagot kasi ewan nahiya kask ako.










"Mom, is that Winter?",tanong nang kalalabas lang sa Cr na si Yuji.









"Pasensya na po nagulat lang po ako.Ako po pala si Kim Minjeong pero pwede niyo po akong tawaging Winter.Kaibigan po ako ni Yuji",sabi ko pa napansin ko naman ang pagngiti ni Yuji.









"So ikaw pala yung bibong bata na kalaro nitong anak ko", nakangiting sabi nang mama niya. Actually mukhang maldita yung mama niya pero hawig na hawig talaga niya si Yuji.









"Teka ano--",..




Di na natuloy nung mama niya yung sasabihin niya nang agad akong sumenyas rito na secret lang yung dala kong munchkin halata kasi dahil sa transparent lang yung lagayan.










"Maupo ka nalang muna Winter, labas muna ako", nakangiting sabi ng mama niya timing din kasi na may tumawag sa rito.










"So you're here again.Alam mo bang kanina pa kita hinihintay",aniya nang mapansin kong parang malungkot siya pero halata ring di niya pinapahalata.











"Yuji, meron sana akong gustong ipakita sayo mamaya", nakangiting sabi ko na mas ikina-excite niya.








Hanggang sa gumabi na.Nagpaalam na rin pala ako sa mama niya basta raw di kami masyadong gabihin sa park.



"Ba't ba kasi sinama mo pa ako dito, eh di ko rin naman makikita yung mga stars na sinasabi mo", nakasimangot na sabi nito kaya palihim akong napangiti ng malawak.Ang cute² kasi nitong si Yuji.

Naupo na rin kami doon sa tela bale para kaming nasa picnic .

"Atleast kasama mo naman ako.Pwede kong i-describe sayo lahat ng nakikita ko.Ano pa't magkaibigan tayo diba?", nakangiting sabi ko tapos ilang sandali lang ay unti unti na rin siyang ngumiti.








A Glance from a Distance Where stories live. Discover now