So dito pala nakatira ang isang Yu Jimin?"Dito ang magiging room mo.And kapag may kailangan ka, I'm one call away since nasa katabing kwarto lang ako",aniya saka niya hinagis ang duplicate key sa gawi ko.
Hindi ko masasabing hindi kami okay, kasi sa mga nagdaan na araw na kasama ko siya sa Office niya ay medyo naging close na rin kami casual nga lang pero yun na nga medyo nagbago yung approach niya sakin simula ng sinabi ko sa kanya ang lahat.
Pero di naman ako nagsisi knowing na makakasama ko pa siya lalo't na roommates na kami.
Kaya naman pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa magiging room ko ay napagpasyahan kong magluto ng tanghalian kasi mamayang hapon ay aalis na naman ako kasi may practice ang banda namin.
I was about to go out para makabili ng lulutuin nang mapansin ko si Yuji sa labas may kausap siyang lalaki at mukhang nagkakatuwaan sila. Those smiles sana maging dahilan rin ako non.
Kaya naman bago pa ko makita ni Karina ay agad kong kinuha ang bike ko at nagmadaling umalis para pumunta sa pinakamalapit na grocery store or kahit tindahan nalang.
Nasa may Cashier na ko nang makita ko si Yeji.
At yun nagkwentuhan kami medyo napasarap nga kasi di ko namalayang malapit na palang mag-12pm, yayayain pa nga ko ni Yeji magtanghalian pero sinabi ko nalang na may kasama pa kasi ako sa bahay na naghihintay sakin.Di ko sinabing si Karina dahil wala lang.
Pagbalik ko sa bahay namin ni Karina, naks iba yung feeling kapag bahay namin. So yun na nga I thought pagbalik ko ay nakaalis na si Karina pero hindi nadatnan ko lang siyang seryosong nanunuod ng TV.
"I'm back, sorry natagalan saka di na ko nakapagpaalam kanina, kumain ka na ba?",sabi ko habang hinahanda yung mga lulutuin ko.
Naghintay ako nang sagot niya pero di man lang siya umimik kaya naman nilapitan ko na kasi baka galit sakin mahirap ng magkasamaan kami ng loob.
"Ayos ka lang?",sabi ko pa saka ko chineck ang noo niya kung mainit ba ito nang mapagtanto kong medyo malapit pala ako sa kanya kaya naman agad akong umiwas ng tingin saka ako bumalik sa kusina.
"Kung masama man ang pakiramdam mo, uminom ka lang ng gamot tapos maraming tubig para di ka ma-dehydrate",sabi ko pa habang nagsisimulang maggutad ng ingredients. Dahil tanghalian to ay naisipan kong magluto ng Tortang talong wala lang bet ko lang.
"Anong lulutuin mo?".
"Tortang talong at fried rice lang naman,bumili na rin pala ako ng ilang gulay at karne",sabi ko pa saka ko maayos na inilagay sa ref yung ilang gulay at karne.
"Marunong kang magluto?",tanong na naman niya.
"Ah oo,my Mom taught me how to cook since high school.Nasa dugo na rin namin ang pagluluto though medyo nanghihinayang pa rin sila Mom na mas pinili ko ang mag-Engineering.",sabi ko tapos nakarinig ba naman ako ng bulong na 'Yes or no lang dapat sagot tapos ang taas ng sinabi'.
Natawa nalang ako kaya naman nung naready na yung pagkain ay kaagad ko siyang tinawag.
"Uhmm..kumain ka na ba Karina? if ever na hindi pa sabay na tay-",di ko na natapos ang sasabihin ko nang agad siyang tumayo sa kama niya at nilagpasan ako papuntang kusina.
YOU ARE READING
A Glance from a Distance
Teen FictionKim Minjeong or mas kilala bilang MJ ng nga kaibigan niya.Isang balikong babae na maraming pangarap para sa banda at pamilya niya.And meet Yu Jimin,na nakapagpahinto ng mundo niya sa unang pagtama ng kanilang mga mata. Maaamin niya ba sa dalaga ang...