Chapter 3: Jacket

45 3 0
                                    


Busy ang lahat ngayon dahil sa paparating na CE Days sa Campus. May Sports Feast, Battle of the band, at Mr. and Ms. CE of SMU.

At dahil sa sobrang busy ay di ko alam kung paano ako nakapasok sa Jpice Organization sa School namin. Sinulat ko lang naman yung pangalan ko doon sa gustong magvolunteer kasi sumulat din yung mga kaklase ko doon at huli na nang malaman kong di pala sila tumuloy sa pag-apply bilang isang officer. Buti nalang talaga at sumali rin si Giselle kaya lang sobrang busy naman niya kasi part siya ng Documentary Team gamit na gamit niya yung Photography skills niya.





Samantalang ako ay nandito sa hallway at namimigay ng flyers para sa mga gustong sumali sa mga activities ng school.






"Minjeong, pahinga ka na muna parang kanina ka pa dyan sa pwesto mo",biglang lapit ni Ate Somi sakin pero mas prefer niya daw na Somi lang daw itawag ko sa kanya.




"Pwede pala magpahinga akala ko hanggang bukas na tong sitwasyon ko",sabi ko na ikinatawa nito.








"Don't worry Minjeong, ililibre nalang kita pero before that ay pwede mo ba akong samahan sa Auditorium after natin sa Cafeteria? Nagpapabili kasi ng tubig sila Yeji", aniya at agad naman kaming bumili ng tubig sa Cafeteria at agad na dumiretso sa Auditorium.








"Okay, from the start!",rinig kong sigaw sa loob nang auditorium nasa may pintuan pa kasi kami pero rinig na rinig ko na yung counting at footsteps nila. May intermission kasi silang gagawin sa Mr. and Ms. CE event .












"First time mo nga palang makita sila Yeji sumayaw. Dito mo makikita kung gaano sila kamahal ni Lord", pabiro at halatang excited na sabi ni Somi.






Pagpasok na pagpasok ko ay agad kong nakita si Yunjin nasa may pinakagilid kasi siya sa unahan at grabe sobrang lambot ng katawan niya.






Actually marunong din naman ako sumayaw kasali kasi ako sa Dance troupe sa probinsya namin sa Cavite pero that was just a one summer of dancing workshop tapos isang contest lang yung nakasama talaga ako.Pinauwi na kasi ako dito sa Manila and that's how I found my passion in music.Doon ko rin nalamang mas comfortable akong kumanta kaysa sa sumayaw.









Umupo na muna ako sa isa sa mga bench kasama syempre si Somi.
Hahanapin na sana ng mga mata ko si Karina nang biglang magsalita si Somi.












"Karina's always the center sa group nila actually silang dalawa ni Yeji pero dahil sobrang busy ni Yej because of SCEA things ay si Rina na lang muna isa ang pinakacenter nila though Rina is also busy dahil siya ang VP internal ng SCEA ay di naman ganon ka hectic gaya ng sched ni Yeji yung sa kanya. Imagine being a SCEA's President and also a SMU's President in the same time sobrang busy talaga.",sabi pa nito kaya naman napalingon ako sa gawi ni Yeji na sobrang galing sumayaw. Kaya pala sobrang inlove yung kaibigan ko kasi crushable naman pala itong si Yeji.














"Pero teka ba't parang binibida mo sakin si President Hwang?",tanong ko at agad namang ngumiti ng pilya si Somi.










"Eh diba interesado ka sa kanya? Iba rin yung damoves mo kay Yej kasi dinaan mo pa sa fake secret admirer kahit na we know naman na ikaw talaga yung may gusto sa kanya", nakangiting pang-aasar niya sakin. Eh?? Di nga? ako may gusto kay Yeji?











"Hindi kaya,saka may iba akong nagugustuhan though inaamin kong I'm into girls at papasa si President Hwang sa taste ko pero kasi yung kaibigan ko patay na patay kay miss Yeji kaya it's a no.At saka yung kaibigan ko ay alam kong magiging isang responsableng partner kay President Hwang.",agad ba sabi ko na nagpacurious kay Somi.











A Glance from a Distance Where stories live. Discover now