Chapter 14: The Sudden Confession

35 3 1
                                    

Minjeong's POV

"At dahil tapos na tayong kumain",sabi bigla ni Lucas saka siya tumingin kay Jaemin.








"Lalangoy na tayo", masiglang sabi ni Jaemin saka sila nag-apir.








"Pahinga muna mga 30 minutes",paalala bigla ni Haechan kaya agad akong nagthumbs-up rito.








"Manood na lang muna tayo ng movie",sabi pa ni Ryujin saka sila namili nang palabas.









"Insidious nalang", suggest ni Lia, edi sana lahat matapang.











"Kapag natakot kayo girls, kapit lang kayo sa muscles ko",sabi pa ni Lucas saka niya flinex ang muscles niya.












"Mas kakapit pa ko kay Haechan,puro kabag ka kaya",bwelta naman ni Ning na ikinatawa namin pero agad rin kaming napatingin sa gawi ni Ning nang mapagtanto namin ang sinabi niya.










"Ipagpapalit mo na ko sa roommate ko? Alam mo bang tulo laway yan?",sabi pa ni Lucas.











"Kesa naman sayo na lumalangoy sa kama habang tulog , may isang beses pa na bigla ka na lang sumigaw", sabi pa ni Ning na mas ikinatawa namin.








"Hoayy, wala namang ungkatan ng past.Promise guys nagbagong buhay nako saka pre labyu",sabi pa ni Lucas saka niya nilapitan si Haechan para yakapin nang agad siyang harangin ni Ning.








"Umupo ka na nga",sabi pa ni Gi saka niya hinila pabalik sa pwesto nito si Lucas na kanina pa malikot.









Nagsimula na rin yung palabas at halos mamatay ako sa takot.










Jusmiyo puro multo at demonyo.Kung ako siguro yung bida baka kanina pa ko nahimatay.










Nagtatago lang ako sa throw pillow na hawak ko nang bigla akong tanungin ni Karina, oo nga pala katabi ko siya.











"Gusto mo hawakan ko kamay mo? Para naman ma lessen yung takot mo",bulong niya iiling na sana ako nang biglang nagpop-up sa screen yung multo kaya naman agad kong nahawakan yung kamay niya saka ako napapikit at nagtago sa likod niya.














Rinig ko pa ang mahina niyang tawa.










Natapos rin naman yung palabas na puro lang kami sigawan pero ako, mostly puro tago lang ako sa likod ni Karina. Sorry na nakakatakot kasi talaga.














Patayo na yung iba nang mapansin kong hawak ko pa rin ang kamay niya.Kaya naman agad akong napabitaw.












"Languyan na!",rinig kong sigaw ni Lucas sa labas saka ito tumakbo papunta sa Dagat. Yung dagat kasi nasa likod lang nung vacation house nila Aeri.

















Mag-uusap na sana kami ni Giselle nang bigla itong kinarga ni Lucas at tinapon sa dagat kaya naman agad kaming nagtakbuhan baka kasi isunod rin kami.
















Buti nalang talaga at di ako nahagis.














Kaya lang si Karina nakita ko na naman siyang masayang lumalangoy kasama si Aeri.













A Glance from a Distance Where stories live. Discover now