Chapter 12: Jamming

27 1 0
                                    

Minjeong's POV

"Guys, hali na kayo kakain na",rinig kong sigaw ni Ningning,na akala mo may gamit na megaphone sa lakas ng boses niya.Di na ko magugulat kung may dumating na tanod dito tapos tanungin kami kung bakit ang ingay namin.

"Ang huling pumunta dito ang maghuhugas ng pinggan mamaya kaya hali na kayo",rinig kong sigaw din ni Lucas natawa nalang kaming dalawa ni Lia.






"Kahit kailan palabiro talaga yang si Lucas",komento pa ni Lia kaya naman mas lalo akong natawa.










Pagbaba namin ay agad namin silang naabutang nagtitipon sa may Dining hall.








Sayang at di kami buong kakain rito kasi napagdesisyunan ni Aeri na sa kwarto nalang siya kakain after namin dito. Cause aasikasuhin pa siya mamaya ni Yuji.











Kung ako ba yung nasa posisyon ni Aeri, aalagaan rin ba ako ni Karina?








Baliw na nga talaga ako.Kung ano-ano pang naiisip ko.









Nang matipon na kaming lahat maliban syempre kay Giselle,ay nagsimula na rin kaming kumain.











Nakakatawa nga kasi kanina kukuha na sana nang ulam at kanin si Lucas nang biglang magsimulang magdasal si Yeji. Kaya naman halos sumakit ang dibdib ko sa pagpipigil ng hininga at tawa. Kahit kailan talaga sobrang laughtrip ni Lucas.









Kumakain lang kami nang biglang magtanong si Renjun.









"Bakit nga pala di niyo kasama yung isa niyo pang kaibigan?",bigla nitong tanong habang nakatingin kay Somi,ito kasi ang kaharap niya.










"Ah si Yunjin ba? May business trip kasi ang parents niya kaya naman siya lang ang naiwang nakatoka na magbantay sa mga kapatid niya",kalmadong sagot ni Yeji.Pansin ko naman ang pag-alalay ni Ryujin sa kanya kasi parang kanina pa to bigay ng bigay ng ulam at tubig kay Yeji, hindi naman baldado yung tao.










"Sayang naman",rinig kong bulong ni Renjun since katabi ko lang siya habang nasa harap ko naman si Karina na pansin ko ay kanina pa nakatingin sa gawi ko.Di ko tuloy malamon ng maayos yung kinakain ko kasi nakakahiya naman sa harap niya,baka mapagkamalan pa niya kong patay gutom.









"Teka nga lang, bakit mo nga pala natanong si Yunjin? Wag mong sabihin..?",biglang sabi ni Somi kaya naman lahat kami ay napatingin sa gawi ni Renjun na medyo namumula at halatang hiyang hiya sa tinanong.











"H-hindi ah, nagtataka lang ako",deny naman agad nito pero mas lalo lang siyang inasar nila Lucas at Jaemin, isama mo pa si Ningning at Somi.










"Tigilan niyo na nga si Renjun, Bakit hindi nalang si President Hwang at Ryujin ang bigyan niyo ng pansin",biglang sabi ko kasi kanina pa nasa hot seat si Renjun, kawawa naman baka ipaluwa bigla yung kinakain namim siya pa naman nagluto o baka sa susunod niya na luto lasunin niya na kami.










"Hala oo nga, dinaig pa nila yung kalandian ng mama at papa ko",gatong naman ni Lucas na ikinatawa namin.










"Uy, di naman kami naglalandian a,kung PDA yung sinabi mo baka umayon pa ko", bwelta naman ni Ryujin na ikinangiti ni Yeji.










A Glance from a Distance Where stories live. Discover now