Chapter 24: Harana

44 2 3
                                    

Minjeong's POV

Nandito kami ngayon sa Shinryu's Restobar dahil nga sa gig namin. Katatapos lang namin tumugtog at napagpasiyahan naming magkwentuhan na muna.

Wala ngayon sila Karina kasi may practice sila kanina tapos mukhang umuwi na rin sila, mag-a-alas syete na  rin kasi. Tinawagan ko naman siya kanina para sabihin na di ko siya mahahatid pauwi, naiintindihan naman daw niya, I know medyo malungkot siya sa thought na yon kahit ako rin naman buti nalang talaga at hinatid siya ni Somi kanina.



"Guys may plano sana ako pag-uwi natin, game ba kayo?", tanong ko sa kanila.


"MJ, bata pa ko di pa ko ready sa mga ganyan",biglang sabi ni Lucas kaya naman agad kaming natawa. Lucas being Lucas talaga.





"Gago di naman ganon, the thing is plano kong haranahin si Karina sa Apartment niya", sabi ko pa.


"Paano kung tulog na siya?",tanong pa ni Ryujin. Oo nga no?



"Di pa yun tulog nakachat ko pa siya kanina. May tinanong kasi ako about sa Jpice member na hinahandle niya anyways bakit ba ko nag-e-explain?", biglang sabi ni Aeri tapos natawa nalang ulit kami. Aeri being Aeri. 



"So ano ng plano mo?",tanong pa ni Renjun kaya naman agad kong shinare sa kanila ang gagawin.




"Gets, gets niyo rin diba?", tanong pa ni Jaemin sa kanila at agad naman siyang binatukan ni Renjun kasi kanina pa siya tanong ng tanong.



"O, aalis na kayo agad?", tanong sa amin ni Tito Dongwook, Dad ni Ryujin.



"May Oplan Harana pa po kasi si MJ,Dad",agad na sagot ni Ryujin kaya naman inasar na naman ako nila pati na rin yung ibang nakarinig.






"Sino ba yung maswerteng liligawan nitong si MJ?", singit pa ni Ate Seulgi.







"Secret baka agawin mo e",nakangising sabi ko na ikinatawa na naman nila.






"Hoay, loyal kaya ako kay Irene my labs", nakangiting sabi nito saka siya lumingon kay Ate Irene na siyang Electric Guitarist nila. Kaya naman halos lahat ay inasar sila.







Umalis na rin naman kami at agad na nakarating sa tapat ng apartment namin ni Karina, naks iba talaga yung namin.







Nagset-up na rin kami kaagad ng mga gagamiting instruments. Nanghiram lang rin kami ng extension wire kila Jeno.








"Lupet mo talaga Ssob MJ",sabi pa ni Jeno, since tawag niya na sakin Ssob MJ.






"Magpapahuli ba tong manok namin syempre hindi",mayabang na sabi ni Lucas rito kaya naman natawa nalang kami at napailing.



Sinigurado naman naming di aware si Karina na nasa labas lang kami.





"Start na ba?",tanong pa ni Aeri, kaya naman agad akong tumango.



Kaya naman nagtago muna ako sa gilid.




At nagsimula na nga ang surprise harana ko.





Nasa gilid lang kaming lahat malayo sa paningin ng pintuan.







Agad namang kumatok si Aeri na may pag-aalalang look sa mukha niya, shet di ko alam na may talent din sa acting tong kaibigan namin.











A Glance from a Distance Where stories live. Discover now