Minjeong's POV
Papunta na sana ako sa classroom nang biglang tumawag si Jaemin sakin
"Zup, ano-",..
"Min, si Lola Reagan..", agad akong napaayos ng tayo sa narinig kaya naman bago pa matapos ni Minmin ang sasabihin niya ay agad akong tumakbo papunta sa Chemical Engineering department.
Naabutan ko sila Lucas at Aeri na kino-comfort si Renjun.
"Kuya Ren..", di ko na natapos ang sasabihin ko ng agad na tumakbo at agad akong niyakap ni Renjun saka siya nagsimulang umiyak.
Mukhang alam na rin naman ng iba sa department nila ang nangyari sikat kasi si Renjun since VP siya ng Org ng Chemical Engineering.
"MJ si Lola...",aniya sa pagitan ng mga iyak niya.
Si Renjun ang pinaka independent samin dahil siya ang haligi ng grupo pero si Renjun rin ang pinaka fragile ang puso pagdating sa pamilya. Super family oriented niya at sobrang close niya ang Lola niya kaya siguro ganito talaga ang iyak niya. Aaminin ko isang beses ko ng nakitang umiyak si Renjun nung time na nanalo yung banda namin sa isang competition kaya lang iba to, hindi siya tears of joy .
Nang kumalma na si Renjun ay agad na rin kaming pumunta kaagad sa Lola niya.
Tahimik lang kaming lima sa loob nang marinig ulit namin ang mga hikbi ni Renjun. Kahit nga kami rin nila Aeri ay naiiyak, bigla ko tuloy naalala yung one time na bumisita kami kila Renjun. Sobrang bait nung ni Lola Reagan samin, tapos ang dami niya ring baong kwento tungkol sa mga experiences niya.
Pagkarating namin sa kanila since dito nalang namin hihintayin si Lola Reagan since alam niyo na nireready pa siya, ay agad na dumiretso si Renjun sa kwarto ng Mama niya.Mukhang pati ito ay umiiyak rin.
"It's been a while na nakabisita tayo ulit rito",sabi pa ni Aeri hanggang sa matigil kami sa malaking picture frame na nakasabit sa bahay nila. It was Renjun and her Lola Reagan. It was his picture nung manalo siya sa isang violin competition. And yes, magaling ring magviolin si Renjun, genius nga yan sa music eh, at bilib it or not yung si Lola Reagan talaga yung mentor niya may pinagmanahan talaga. Sadyang nabaon lang sa utang yung pamilya nila nung ma-scam yung Tatay niya tapos nagsimula na ring magkasakit ang Lola niya.Buti nalang matibay tong kaibigan namin.
Buong gabi ay busy kaming pito, kinancel rin namin yung gig namin para lang asikasuhin yung mga bisita nila Renjun. Di ko na nga rin nareplayan at nakamusta si Karina, sakto kasing nalowbat yung phone ko.
"Uwi na po pala kami Tita, don't worry babalik po kami bukas", sabi pa ni Minmin.
"Maraming maraming salamat sa inyo, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo saka hindi ko alam kung paano pakalmahin si Renjun", sabi pa ni Tita.
"Wala po yun saka napamahal na rin po kami kay Lola Reagan kaya kahit sino naman po sa amin ay gagawin ang lahat para makatulong.Sige na po Tita alis na po kami",sabi pa ni Aeri.
"Promise po Tita, babalik kami bukas saka kami na po bahala mag-excuse kay Junjun este Renjun po", pahabol pa ni Ningning kaya naman agad na namin siyang hinila papasok sa kotse.
Malapit na kami sa Apartment at sakto rin pala at mukhang kararating lang din ni Yuji.
Bababa na sana ako at kakaway nang bigla nalang nakawan ng halik sa pisnge ni Heesung si Rina na mukhang gaya namin ay gulat na gulat.
YOU ARE READING
A Glance from a Distance
Teen FictionKim Minjeong or mas kilala bilang MJ ng nga kaibigan niya.Isang balikong babae na maraming pangarap para sa banda at pamilya niya.And meet Yu Jimin,na nakapagpahinto ng mundo niya sa unang pagtama ng kanilang mga mata. Maaamin niya ba sa dalaga ang...