𝑳𝑬𝑿𝑰𝑬 𝑷𝑶𝑽.
"Oh tulala kana naman dyan lex"Lumapit si camille sakin at tinabihan ako sa pagka-upo.
Kagagawa lang ng tent namin malapit sa di gaanong kalakihan na puno.Na pinatayo namin para di masyadong mainit.
"Yung sinabi ba ng matandang babae ang iniisip mo?"Tanging tango lang ang tugon ko.
"Wag mo ng isipin yan.Halikana arrange mona natin ang mga gamit natin"Tumango ako at nginitian sya.
Kasalukuyan kaming naghahalungkat ng mga gamit namin.Nang kinuha ni camille ang bible verse at rosary.
"Para san to?"tanong ni camille.
"Ewan ko,binigay lang kasi ni mama sakin yan proteksyon ko daw.Dati na kasi akong nawala sa kagubatan"napatakip ito sa bunga-nga nito dahil sa sinabi ko.
"Lex bat dimo sinabi sakin?!"hinampas ako nito sa balikat.Masama ko naman syang tinignan.
"At may pa-hampas kapa talagang nalalaman ha!"napa-meywang kong sabi.
"Girls anong nangyayari dyan sa loob?"Bungad ni teacher bethany at sumilip sa tent.Binuksan naman ni camille ang zipper ng tent.
"Si camille kasi ma'am nanghahampas"parang bata kong sumbong.
"Camille"taas kilay ni titsher bethany.
"Sorry na lex,dina mauulit"malambing nitong sabi.Sabay yakap sakin.
"Ikaw talaga camille dami mong kalokohan.Lumabas na kayo meron tayong gagawin"tumayo nalang kami.At lumabas ng tent.
Nagtipon kaming lahat sa di kalakihang puno.Pumatong si ma'am sa isang bato na may hawak na papeles sa kamay.
"I just want to know if everyone is here.If i call your name say present"
Habang tinawag ni ma'am ang isa-isa naming pangalan.Napatigil ako at napatitig sa isang lalaki na nakasuot ng itim na cape.
"Lexie Zianna Autha?"saad ng kong sino.Dahilan para mabalik ako sa ulirat.
"Present!"sigaw ko.dahilan para tignan ako ni ma'am.
Tinignan din ako ni camille na nakangiti.Hays,itong babaita talagang to!
"Tulala ka ata kanina lex!"sigaw nito sabay kirot sa tagiliran ko.
Kasalukuyan kaming nangunguha ng kahoy dito sa kagubatan.Para gamitin sa pagluluto ngayong gabi.
"May nakita lang ako"saad ko at tumingin sa malayo.
"Kung ano-ano talaga yang nakikita mo eh noh?"tumango ako dahilan para matapik ni camille ang noo nito.
"Oh?"taka kong tanong.
"Wala! Sinaktan ko lang ang sarili ko!"pasigaw nitong sabi.Dahilan para matakip ko ang bunganga nito.
"Anoo ba?!"sigaw ulit nito at tatanggalin na sana ang kamay ko.
"Pwede bang tumahimik ka? Masyado ka ng nanggagambahala sa mga naninirahan dito"irap ko.
"Eh ano naman?"maldita nitong sabi.
"Oh anong ano naman? Bagohan palang tayo sa lugar nato kaya sana marunong kang rumespeto ko"
"Oo na ikaw na yung magaling at nauuna hmp"tampo nitong sabi sabay alis.
"May tampo tampo pang nalalaman? Kala mo naman susuyuin ko"bulong ko.
Gabi na pero di parin namin mahanap ang labasan ng kakahoyan na ito.
"Lex kanina pa tayo nagpasikot at balik-balik dito pero nandito parin tayo"natatakot na ani ni camille.Sabay hawak sa kamay ko.
"Ang ingay mo kasi kanina kaya yung mga naninirahan dito pinaglalaruan tayo"irap ko.
"Oo na ako na yung may kasalanan"iyak nitong sabi pero wala namang luha.
"Ang problema san tayo pupunta at lalabas ngayon?"tanong ko.
"Pwede ba tumigil tayo kahit saglit lang? Kanina pa sumakit tong paa ko kakalakad eh"sabay upo nito sa isang putol na kahoy.
Inilapag ko mona ang dala kong kahoy at naupo katabi nya.
"Lex,di kona kaya mamamatay nako sa gutom"sabay himas nito sa tiyan nito.
Bigla kong naalala na meron pala akong dalang emergency bag."Muntik ko na palang nakalimutan"ani ko sabay binuksan ang bag.Bumungad samin ang iilang mga gamit.
"May flashlight,glow stick,compass at higit sa lahat pagkain"hinugot ko ito Dahilan para magulat si camille.
"Advance"mangha nitong ani.
"Meron din akong fudge bar,snickers at chukie dito"nagningning naman ang mata nito.
"Sweet"nginitian ako nito at walang pasabing nilantakan ang fudge bar na dala ko.
Kasalukuyan kaming naglalakad at sinundan ko ang compass kung paano kami makakalabas sa kagubatan nato.
"Lex narinig moba yun?"natatakot na ani ni camille.
"Wala naman ah"
"Sigurado ako lex may narinig ako"kasabay nito ay biglang umihip ang malamig at malakas na hangin.
Dahilan para kamiy ginawin.May kumalas na kung ano sa damohan at bumungad samin ang matatalim at malalaking kuko ng isang halimaw.
"Hellex"sabay naming wika ni camille.
Napalunok ako ng sarili kong laway at sinenlayasan si camille na tumakbo.Ibinigay ko sa kanya ang compass at glow stick.
"Takbo"naiiyak kong bulong dito.
"Lex,teka!"sigaw ni camille.Diko sya pinansin at lumapit sa hellex.
"Hellex Schuldor ako ang harapin mo!"sigaw ko dito.At tinaas ang dalawa kong kamay.
Tinignan naman ako nito.At patakbong lumapit sakin.Agad naman ako napatakbo.
Wala akong pwedeng matataguan kundi takbo lang ang pwede kong alam.Napatingin ako sa isang malaking puno.Kaya agad ako tumakbo at nagtago.Bago pa ako makatago ay may biglang may humila sakin sa papunta sa puno.Dahilan para mahulog ako sa kung ano.At mawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Mystic World [COMPLETE]
Fantasy𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 Fantasy/horror/romance | Lexie and Zio Mistikong mundo ay isang Lugar na puno ng bampira,halimaw engkanto at iba pa.Tinawag rin itong misteryosong mundo dahil sa kakaibang hugis at itsura ng mga naninirahan dito.Maganda ang lugar...
![Mystic World [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/310093371-64-k185615.jpg)